Day Three: Is is time or is it just me?

327 8 1
                                    

Pati ako napasigaw. Tinawag ni mama si papa at sinabing "Pa! Sino yang lalaking yan?! Pano nakapasok dito yan? Baka magnanakaw yan!"

Dali-daling kumuha ng baseball bat ang tatay ko at handa na kong hampasin!

Dali-dali ko ring sinabing..

"Pa, Ma, Ako to, si John, Ang anak nyo! Di nyo ba ko nakikilala?"

M: "Anong anak? Wala pa kaming anak? Sino ka ba? Pa, tumawag ka na ng tanod!"

Ako: "Ma! Anak nyo nga ako! Hindi nyo...."

Itutulog ko pa sana ang pagsasalita ko ng makita kita ko ang amin kalendaryo.

March 7, 1996

Bigla kong tinigil ang sinasabi ko at sinabing..

"Basta! Anak nyo po ako. Mamaya na lang po ako magpapaliwanag at mahuhuli na ko sa iskwela!"

Lumabas na 'ko agad ng bahay at baka kung ano pang magawa sakin ng tatay ko. Hindi ko alam kung san ako pupunta, di rin pala ako pwedeng pumuntang paaralan dahil nasa taong 1996 nga ako. Anong dadatnan ko naman dun? Mga alumni!

Sinubukan kong pumunta sa computer shop kung saan suki ako sa load.

Nakita ko si Kuya Lolo, ngunit ganun pa rin ang hitsura. Parang hindi naman sya bumata. Gusto ko sanang lumapit at magtanong dahil alam kong may nalalaman din sya tungkol sa mga nangyayari dahil ang asawa nya mismo ay may wirdong kapangyarihan.

Ngunit naisip ko, baka hindi rin ako kilala ni Kuya Lolo. Kaya't naglakad na lang ako palayo. Ngunit napatigil ako ng may marinig akong..

"John! John!", sigaw ng isang lalaki.

Lumingon ako at nakita kong si Kuya Lolo, nakatingin sakin at tinatawag ako.

Napa"Hay.. Salamat" Ako dahil sa wakas, may makatutulong na sakin! Pumunta na ko sa loob ng shop at nakipag-usap na kay Kuya Lolo.

KL: "John, may kakayahan akong makipag-usap sa iba't ibang tao sa iba't ibang oras. Yun ang kapangyarihan ko."

"Weird pero sige maniniwala na ko kasi kelangan talaga e", sa isip isip ko.

Ako: "Ano po bang nangyayari? Bakit po ako napunta dito sa oras na ito?"

KL: "Di ko maipaliliwanag yan, pero si Ann, kaya nyang ipaliwanag yan.."

Ako: "Pano ho naman nya maipaliliwanag sakin kung wala sya dito?"

KL: "Kasasabi ko lang, kaya kong makipag-usap sa iba't ibang tao sa iba't ibang panahon."

Ako: "Ay oo nga pala, Sige po, nasan na po ba sya?"

KL: "Sa ibang panahon, nandyan din sya, nakaupo sa mismong kinauupuan mo."

Ako: "Pakitanong naman ho kumpano ako napunta dito."

KL: "Ansabi nya, hindi mo raw maiintindihan. Maguguluhan ka lang."

Ako: "Pipilitin ko pong intindihin! Basta makaalis lang ako dito!"

KL: "Ay sandali, Eto na lang ang gamitin nyo, ang aking imbensyon, The Time Messaging. Pwede kayo mag-usap dyan, from different times."

Ako: "Ayun mas madaling paraan, Salamat po Kuya Lolo!"

KL: "Walang anuman."

Binuksan na nya yung Time Messaging Device at nag-usap na kami.

Ako: "Ui Ann, Ano na bang nangyayari? Bakit ako napunta dito?"

Ann: "Gusto mo ba talagang malaman ang lahat?"

Ako: "Oo. Kelangan ko ng makabalik!"

Ann: "Sige ganito kasi yun, Siguro nawiwirduhan ka sakin dahil antahimik ko nitong mga nakaraang araw."

"Ay, oo sobra, sinabi mo pa", sa isip isip ko.

Ann: "Galing ako sa coma, Naitulak kasi ako mula sa 4th floor ng isang bldg. Hindi sinasadyang pangyayari yun. Pero simula nung mangyari yun, andaming nagbago. Pero hindi kasama dun yung pagiging tahimik ko. Dahil lang talaga yun sa coma ko."

Ako: "Grabe naman pala yung nangyari sayo e, pero anong konek nun sa nangyayari ngayon?"

Ann: "Sabi nila, Time is only an imagination. Ngunit nagkakamali sila. Time, time ang nagbigay sakin ng kapangyarihang ito. Nung mahulog ako sa building. Sa sobrang bilis kong nagtatravel sa hangin. There is this Time Residues kung tawagin. Ang nangyari, kumapit ito sakin at ayun, dun nga ako nagkaron ng kapangyarihan magteleport at bumalik sa oras. Ngunit ang pagbalik na yon ay pangmabilisan lang. Ibig sabihin, hindi ako pwedeng bumalik dyan, kasi sobrang tagal na nyan, 1996 yan diba? Nakakabalik lang sa oras kung ang babalikan ko ay hanggang isang araw ang nakalipas."

Ako: "Hindi ko parin maintindihan, wala paring konek ito sa nangyayari sakin ngayon, Bakit ba ko nandito sa oras na ito? Please sagutin mo ko, kelangan kong makabalik dyan."

Ann: "John, Ikaw ang nagdala ng sarili mo sa oras na yan. Hindi mo ba natatandaan?"

Ako: "Ha? Hindi ko magets. Wala naman akong ginagawa e. Pano ako napunta dito?"

Ann: "Dahil------"

Biglang namatay yung device. Tinanong ko ito kay Kuya Lolo.

Ako: "Kuya Lolo, anong nangyari sa device nyo? Ba't namatay?"

KL: "Ay, pasensya ka na John, nadead batt na yung device. Masyado rin kasing malayo ang pagitan ng oras nyo kaya mas nag-eexert ng effort yung device para makapag-usap kayo. Mabuti't umuwi ka muna at bumalik ka na lang dito bukas."

Ako: "Pano ba naman ako uuwi nyan? E hindi nga ako kilala ng mga magulang ko e"

KL: "Halika't sasamahan kita at ako na lang ang mag-eeksplika sa kanila"

Ako: "Sige po salamat po Kuya Lolo."

KL: "Walang anuman"

Ayun nga, pag-uwi ko, inexplain nya lahat kela mama't papa ang nangyari. Kaya ayun, pinayagan na akong pumasok. Nakakain na rin. Salamat.

Ngunit hindi pa tapos ang problema ko. Kelangan kong malaman kung anong nangyayari.

Matutulog na ako, Sana bukas paggising ko, mahanap ko na ang sagot.

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon