Day Twelve(Continuation): ???

82 3 2
                                    

Nako po, nandito na sa lugar namin yung mga ulap, rinig na rinig ko ang mga kulog, kitang kita ko ang mga kidlat. Mukhang di ako aabot sa bahay namin!

Ah, kela Ann na lang muna ako tutuloy, sa makaabot!

~~~~~~~~

Ann! Pagbuksan mo ko! Aabutan na ko ng ulan!, sigaw ko.

Ann: Oo andyan na! Sandali!

Bumukas ang pinto, si Ann at Rose ang bumungad sakin.

John: Salamat! Papasok muna baka umulan na!

Ann: Sige! Bilis!

Pahakbang pa lang ang paa ko sa gate nila Ann.


Biglang kumidlat!, na kaagad na sinundan ng isang mapambulabog ng kulog.

Nagtilian sila Ann, takot na takot sila na para bang gusto na nila kong iwan sa gate at pumasok na lang sa loob ng bahay nila ngunit nakikita ko na hindi sila makagalaw, kahit parang gustong gusto nila, hindi sila makahakbang.

Sa mga oras na ito, parang tumigil ang oras, tila hindi nawawala ang liwanag na dulot ng kidlat sa aking likuran. Gusto kong lumingon ngunit hindi ko magawa. At bigla na lang may nagsalita.

John, nakita rin kita. *evil laugh*, katapusan mo na!

Bigla na lang may nabuong Time Field sa paligid. Ako lang, wala sila Ann, hindi ko pa rin magawang lumingon. Pero alam ko na, na ang nasa likod ko ay ang lolo ko.

Hindi ako natatakot pero hindi pa lang talaga ako handa. Biglaan. Pero ito na ba talaga ang oras para tulungan ko ang lolo ko? Ngunit sa paraan ng pagpatay sa kanya.

Nakikita ko ang paligid, parang isang panorama ng iba't ibang oras, magulo, masakit sa tenga, masakit sa mata, pinikit ko muna saglit ang mga mata ko at nilaksan ang loob ko. Hinihiling na sana andito sila Kuya Lolo upang tulungan ako.

Ngunit, ako lang ang nandito, ako na ang bahala sa sarili ko, dapat kong lakasan ang loob ko, dapat akong magtagumpay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Samantala, sa bahay nila Kuya Lolo.

KL: Nay, narinig mo ba yun?(kabado ang pagbigkas)

Nanay: Oo, kulog lang yun, bakit parang kabado ka?

Tatay: Oo nga Jay, kung kailan ka lumaki saka ka natakot sa kulog.

KL: Hindi yun! Naalala nyo ba nung kinulong kayo nung lolo ni John sa Void? Ganyan din ang bumungad satin diba?! Kumidlat at kumulog, halos sabay at hindi nawawala ang liwanag na dulot ng kidlat. Liwanag na kulay itim.

Nanay: Oh, nandito naman kami ah? Ligtas tayo dito hanggat handa tayong lumaban, hindi nya tayo masasaktan.

KL: Hindi naman kayo ang inaalala ko inay, si John.

Tatay: O sya, tara't tignan natin ang nangyayari sa labas upang humupa na ang pagkakakabado mo.

KL: Sige po.

Lumabas sila't madilim ang langit. Ngunit may liwanag na nanggagaling malapit sa bahay nila Ann.

KL: Nako! Dun yung bahay ni Ann ah?! Baka sila ang pinunterya nya? Tara po at tulungan natin sila!

N: Sige.

Nagmadali sila papunta kela Ann.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

At magbabalik tayo sa Time Field kung nasan si John.

Habang iniisip ko ang gagawin ko upang matalo ang lolo ko. Tinitigan ko ang bagay na binigay sakin ni Kuya Lolo. Napaisip din ako, kumpano ko gagamitin ang bagay na ito. Hindi nya pala nasabi sakin kumpano gamitin to.

Nakita ko ang isang button sa gilid nito at sinubukan kong pindutin.

Ay ma lumabas na karayom na sobrang haba.

Teka.. Kelangan ko bang itusok sa lolo ko ang bagay na ito?

Siguro nga ganun. Haharapin ko na ang kapalaran ko. Ito na to! Wala ng balikan! Kailangan kong gawin to! Para sayo rin to lolo! 

Unti unti kong inikot ang katawan ko at hinarap ang lolo ko.

Malakas na ihip ng hangin ang humampas sa mukha ko.

Ako: Para sayo to lolo!!

TUMIGIL KA! HANGAL! KATAPUSAN MO NA!

*insert epic face off art here*

Itutuloy.....

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon