Day Seven(Continuation): Test

244 3 2
                                    

Kaya ko nga ba talaga? Tanong ko sa sarili.. Natatakot ako na baka ako pa ang maging dahilan ng kapamahakan nila. Pero wala na e, eto na e, pumayag na ko e oh, wala nang atrasan. Dapat maging malakas ako at tibayan pa lalo ang tiwala sa sarili.

San kaya pwede tumambay? Anong oras na ba?

*tumingin sa relo*

Ahh, 4:30pm na pala, maya mayang mga 6pm pupunta na ko kela Ann. Tatambay muna ko sa computer shop.

Binigyan ko ang sarili ko ng isang oras upang makapagrelax at maya mayang quarter to 6 ay pupunta na ko sa kanila.

*katatapos lang magcomputer*

Tinignan ko ang oras sa computer at 5 na, 30 mins na lang ako pwedeng tumambay dito. Laro ako nang laro. Hindi ko na natitignan yung oras sa PC, hanggat sa magtime na ko, di ko na napansin yung oras. Umalis na ko sa shop. Tinignan ko yung oras.

"4:30pm"

Ahh, maaga pa pala e, sabi ko sa sarili.

Lakad lakad, pauwi na sana ako ng biglang...

Teka, teka, teka. Namamalikmata ba ko? *tumingin ulit sa oras*

4:30pm

Teka, kanina pa 4:30 sa relo ko ah? Hindi kaya may.. Time eater sa paligid? Tulad nga ng sabi ni Ann. Nako, kailangan kong mahanap ito!

Lakad ako nang lakad, upang mahanap kung nasaan itong time eater na 'to, dahil sabi ni Ann, malalaman kong palapit na ko sa time eater kung unti unting tumatakbo ang oras paatras.

kalahating oras na ang nakalipas hindi ko pa rin mahanap hanap yung time eater. Tinignan ko oras sa celphone ko at malaman lamang passed-6 na. Nako, gabi na, kailangan ko ng bumalik kela Ann. Nako!

Madali akong pumunta kela Ann.

"Ann!!!! Ann!!!" Sigaw ako nang sigaw.

Ann: O John, bakit tila pagod na pagod ka? Tinakbo mo ba mula senyo?

Ako: Oo, sobra. Mas mabilis pa sa takbo.

Ann: Grabe ka naman, hindi naman ako magagalit kung mahuhuli ka ng konti sa usapan natin.

Ako: Hindi yung ang dahilan kumbakit ako tumatakbo!!

Ann: Ba't ka nagagalit? *ngumingiti ng pabigla bigla*

Ako: Ba't mo ko nginingitian? Papasok nga muna at painom ng tubig. Mahaba habang kwentuhan to.

Ann: O sige.

Papasok ako kela Ann, nandun si Rose, nakangiti sakin nung pagpasok ko.

Pero iba yung ngiti nya e, ngiting nang-aasar. Ano bang meron ngayon? Wag mong sabihing may kaguluhan na naman ah. Pahinga naman.

Ann: O John, ano ba yung ikukwento mo?

John: Teka lang ah, napapansin ko kanina pa kayo nagngingitian ni Rose? Ano bang meron?

Ann: Ay wala wala, kakapanood lang kasi namin ng comedy kaya ganun.

John: Ay ganun ba? pasensya na ah. Sge eto ang kwento.

KWENTO-----

Diba umalis ako senyo, 4:30 na nun pagtingin ko sa relo na binigay mo sakin. Tapos naglaro muna ako sa computer shop. Sa kalagitnaan ng laro ko, tinignan ko oras sa PC, 5 na. Tapos ayun, laro ako nang laro, nakalimutan ko ng tignan yung oras hanggang sa nagtime na ko. Tapos lumabas na ko, tinignan ko yung oras sa relo, 4:30 parin. Kaya nataranta ako! Diba sabi mo pag ganun ang nangyayari, may time eater? Kaya ayun, pinghahanap ko yung time eater pero di ko talaga mahanap. Tapos eto, eto na nga, tumatakbo na ko papunta sa inyo kasi huli na ko sa usapan.

KWENTO-----

*nagtawanan yung dalawang babae, sobrang hagikgik*

John: Hoy, ano bang nakakatawa? Andungis ko ba? Pasensya na ah.

Ann: Hindi! hindi ka madungis, ano ka ba? Hahahaha!

John: Ano ba yan, pinagtatawanan nyo ata ako e. Niloloko nyo ba ko? Kanina pa lang ngiti na kayo nang ngiti sakin na paasar e.

Ann: Wag ka sana magagalit John, pero tinesting ka namin ni Rose, yung relo na binigay ko sayo, sira yun, hindi gumagana, walang baterya e. Kaya talagang hindi aandar yun.

*Bigla akong natameme, parang gusto kong mainis na hindi*

John: Ahhhh, Hahaha *Sarcastic na tawa*

Ann: Ui si John galit na ata.

Rose: Ui John, may dahilan naman kumbakit namin ginawa yun.

Ann: Oo tama si Rose, yun ay upang masubukan namin kung talagang seryoso ka.

John: Anong tingin nyo sakin? Manloloko? Pagod na pagod ako kakaikot tapos wala naman pala talaga.

Ann: Sorry na John! Hahaha. Ngingiti na yan oh, hahaha!

Rose: Pasensya na John, atleast napatunayan naming handa ka na.

John: Oo na. Oo na.

John: Teka, ano nga ba ang pinunta natin dito?

Ann: Yun yun John, yun yung pinunta natin dito, at napatunayan na nga naming handa ka sa responsibilidad na binigay sayo.

Rose: Oo John, wala tayong pag-uusapan ngayon, dito na tayo maghapunan John.

John: Sige, pero, teka, anong oras na ba?

*Tumingin kami sa wall clock*

John: quarter to 7 na pala, sige sige, makikikain na ako, pero dapat 8 nasa bahay na ako.

Ann: Sige.

*kainan, kwentuhan*

Rose: Kamusta naman John, kinabahan ka ba nung nakita mong nakahinto yung oras?

John: Oo, as in talagang kabado pero at the same time gustong gusto kong hanapin yung time eater.

Ann: Magandang response yun mula sayo, handang handa ka na talaga.

John: Talaga? Salamat. Lalo nyong pinalalakas loob ko!

Ann: Hahaha. Wala yun. Teka, anong oras na ba, baka mapagalitan ka na sa inyo?

John: Oo nga, anong oras na ba?

Rose: Guys, parang may mali.

John&Ann: Ano yun?

Rose: Quarter to 7 parin yung orasan sa wall clock.

John: We? Baka biro na naman yan ah, ay nako please lang. Ayoko nang mapagod at kakakain ko lang.

Rose: Seryoso to John, walang halong biro.

Ann: Oo John, seryoso nga to.

John. Asus, wag nga ako, iba na lang.

*tumayo na ko at nalakad papunta sa pinto, pabukas ko na yung pinto*

Rose&Ann: Seryoso kami John, Hindi kami nagbibiro.

*inikot ko na yung knob*

At biglang..

Kablam!

Itutuloy.

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon