Day Five: WTH? Literally.

274 4 0
                                    

I expected more than this! Anong nangyari? Nasan ako?

Para akong nasa lugar na nakalimutan ang salitang Modernisasyon. Puro puno, tila ba ako'y nasa gubat. Naabutan ko ang sarili kong nakahiga sa talahiban. Hindi pa sana ako makabangon ngunit bigla na lang may tigreng umungol. Dumapa ako at gumapang papunta sa isang ligtas na lugar.

Nako, nasaan ba ako? Nasa kasalukuyan na ba ko ngunit nasa ibang lugar lamang? O mali lang talaga yung napuntahan kong oras?

Nakarating ako sa isang bahay na gawa sa bato. As in malalaking tipak ng bato. Wirdo ang bahay dito ah. Walang tao sa loob ng bahay. Nagpunta ako sa likod nito at nagpahinga, humanap ng makakain ngunit wala talaga. Tiniis ko.

Gulong gulo talaga ako. Bigla kong naalala yung celphone na dala ko, para macheck kung nasaang taon ako. Ngunit xx-xx-xx lamang ang nakita ko. Tila nasira ata ang software nito. Pero hindi! May message sakin. Nagpakilalang Ann sinabing: "John! Anong ginagawa mo dyan sa 2012 B.C.? Mali ka ata ng napasukang pinto. Tandaan mo't year 2012 A.D. ang pupuntahan mo, hindi B.C."

Napamura ako. Ha?! 2012 B.C.? Tama naman yung pinasukan ko ah? Nakalagay sa taas 2012.

Pero hindi ko talaga sigurado kung 2012 lang  ang nakalagay dahil nung nakita ko ang mga numerong 2012 ay naexcite ako at kaagad na pumasok.

Tama nga si Ann, Nagkamali ako ng pasok. Di ko siguro nabasa yung B.C. na karugtong nung 2012.

Ang kelangan ko lang gawin ngayon ay ang mag-ingat. Maghintay ng gabi. At saka muling matulog.

Mabuti na lang at dala ko yung celphone. Kung hindi, lagot ako.

Habang naiinip kahihintay ng gabi. Nakapagreflect ako sa sarili na. Ansarap pala tumira sa environment dati. Hindi malamig, hindi mainit. Sakto lang. Masarap ang simoy ng hangin. Masarap huminga dahil fresh na fresh ang nalalanghap mo. Masarap sa mata ang mga berdeng berdeng halaman sa paligid. Hindi maingay, kung meron man, ito ay huni ng mga ibon at ng iba pang hayop.

Yun na lang ang ginawa ko, ang magreflect, upang hindi mabato.

Matahimik ang pag-iisip ko ng biglang..

"Ugh ugh ugh."

Paglingon ko, nagulantang ako, isang caveman ang nakita ko. At mukhang galit sakin. Nagtataka siguro kumbakit nasa bahay nya ako. Mukhang handang handa na rin nyang ihampas sakin ang kahoy na hawak nya.

Dali dali akong tumakbo sa gubat. Papunta sa talahiban, kung saan mahirap makakita. At sa wakas ay natakasan ko rin sya. Pagod na pagod na ko. Naghanap ako ng pwedeng pagtulugan dahil hindi ako pewdeng basta basta matulog dito sa talahiban.

Nakahanap ako ng dalawang puno ng niyog at naisipang gumawa ng duyan. At saktong sakto lang dahil gabi na. Oras na para ako'y matulog.

Mahahanap ko rin ang kasalukuyan.

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon