Chapter 10

5.1K 134 0
                                    

Bianca P.O.V 

Maingay kung iniligpit ang pinagkainan ko habang siya ay busy padin sa kaniyang ginagawa minsan ay naririnig ko itong tumitikhim at napapabuntong hininga pero minsan din ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin hindi ko na lang pinansin dahil baka wala lang.

Pagkatapos kung itapon ang pinagkainan ko ay bumalik ako sa pagkakaupo at hinihintay siyang lumingon.

 "Are you done?" tanong nito bago tumayo at lumapit sa akin.

 "Ah Oo, salamat pala sa almusal babayaran din naman kita pag nagkapera ako" nakayuko kung sabi dahil sa hiyang nararamdaman.

 "It's okay. No need to pay me for that i just want you to eat properly" seryoso nitong sabi. Nang makalapit ay naamoy ko kaagad ang kaniyang pabango.

He smells good!

"Hmm aalis na ako kung ganoon baka malate nanaman ako at baka mapagalitan ako ng g...girlfriend niyo Sir. Maraming salamat sa pagkain"  sabi ko sa kaniya bago tumayo ng tignan ko siya ay nakangisi na ito ngayon.

 "Okay, see you later then" nakangiti nitong sabi bago bumalik sa lamesa niya.

See you later? Ano ibig sabihin niya? Magkikita ulit kami? Wait umaasa ba ako? Umiling nalang ako at umalis na.

Habang naglalakad ako ay di ko mapigilan ang isipin na kamusta na kaya ang Lola ni Kris at sa tuwing naalala ko ang sinabi ni Kris na hanggang ngayon ay kasal padin kami diko maiwasan na baka mag away sila ng girlfriend niya. Ayaw kung sirain ang relasyon nila hangga't sa maaari.

Ayaw ko ng makasakit ulit!

Dumating ako sa room at nagpasalamat ako dahil hindi pa dumadating si Mam Grivencia, umupo ako at inisip ang mga gagastusin sa bahay, nag aaral ako at nagbabayad din ng renta ginagatas ko pa si Angelo ibig sabihin kailangan kong kumayod ng doble para matustusan ang aming pangangailangan at sa ganon din ay makaipon ako pag lumaki na si Angelo ay hindi ako mahihirapan kung ipapasok ko siya sa paaralan.  Mag apply kaya ako sa iba na mas malaki ang kikitain ko, napabuntong hininga ako sumasakit ang ulo ko lalo.

Pagdating ng uwian ay agad akong nagligpit ng gamit kailangan kung humanap ng ibang mapapasukan hindi pwedeng hanggang dito lang ang kaya ko tsaka para din pagkagraduate ko ay hindi ako mahirapan na pumasok sa mas malaking kompanya dahil marami akong experience pagdating sa pagtratrabaho. Noon ay nanghihinayang ako ng umalis sa trabaho dahil kilala iyong kompanya pero gusto kong iwasan si Kris ay nagdesisyon na akong umalis na lang.

Andito ako ngayon sa harap ng malaking building may nakapagsabi kasi sa akin na naghahanap daw sila ng bagong sekretarya kaya napagdesisyunan kung patusin ito. Baka sakaling swertehen at malaki pa ang bigayan.  Papasok na sana ako ng biglang mag ring ang cellphone ko dahi pangalan ni Clarence ang nakalagay ay agad agad ko itong sinagot. 

"Hello Clarence napatawag ka?" pormal kong tanong dito.

"Hello Bianca si Angelo ang taas ng lagnat nasa hospital kami ngayon malapit sa atin. Bianca sorry talaga" kinakabahan nitong sabi kaya agad kong binaba ang tawag at agad agad na pumara ng jeep hindi na nagdalawang isip pa. Papunta sa hospital ay abot langit ang aking kaba na nararamdaman jusko wag naman sana ang anak ko.

Habang nakasakay sa jeep ay diko mapigilan ang mapaiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng jeep ang importante sa akin ay ang kaligtasan ng aking anak. Nang nasa hospital na ako ay agad kung nakita si Nida sa may Hallway.

 "NIDA? Si Angelo" hinihingal kung sabi sa kaniya habang pumapatak ang luha ko.

 "Bianca huminahon ka, okay lang si Angelo ang sabi ay nilalagnat ito dahil nag ngingipin daw. Sorry kung pinagalala ka namin ah hindi rin namin napansin na may ngipin na palang tumutubo " malungkot na sabi ni Nida agad akong tumango at dumiretso sa kwarto kung nasaan si Angelo ng makita ko siya ay agad ko itong hinalikan at niyakap ng mahigpit.

"Sorry anak, sorry baby ngayon lang si Mama" naiiyak kung sabi habang niyakap ng mahigpit.

Kailangan ko na bang tumigil sa pag-aaral para mabantayan ng maayos ang aking anak? My conscience is eating me dahil wala akong oras para bantayan ang anak ko lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Pauwi na kami sa bahay ngayon si Angelo kila Clarence muna ulit kukunin ko rin iyon bukas dahil wala akong pasok at day off ko naman.

Papasok na ako sa bahay ng sumulpot bigla si Kris.

"Where have you been?Kanina pa ako nandito naghihintay tsaka anong oras na diba kanina pa out niyo sa klase s-teka umiyak kaba" hindi na ako nakatiis ng biglang ko siyang yakapin at humagulhol ng iyak. Sobrang nag-alala ako kay Angelo ngayon.

Sorry baby! 

The Principal Is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon