Chapter 5

5.5K 117 0
                                    

Bianca P.O.V

Naglalaba ako ngayon sa labas ng bahay naisip ko dahil day off ko naman maglalaba nalang ako kaysa wala magawa. Isa akong employee ng isang kilalang kompanya dito sa amin bali part time ko lang iyon dahil sa susunod na buwan ay papasok na ako muli sa pag-aaral habang si Kris naman ay isang guro na mataas ang tungkulin sa eskwelahan habang naglalaba ay nakita ko ang Lola ni Kris na naglalakad papunta sa akin suot nito ang mahabang duster at malaking pamaypay sa porma palang ay mahahalatang mayordoma na ito ng bahay nila.

Sa mga nakalipas na linggo habang nandito ako ay wala pa ring pagbabago sa pakikitungo nito sa akin, lahat ay ginawa ko na para lang makausap at maging maayos ang relasyon naming dalawa  ngunit ang matanda kung tignan ako ay parang isang napakababang uri ng babae ako masakit man pero dahil mahal ito ni Kris ay tinitiis ko na lamang at hindi na isinasantinig napa buntong hininga ako at tumayo na para makapagmano sana ngunit iniwas nito ang kamay mula sa akin.

"Ayaw kung madumihan ang kamay ko" masungit nitong sabi agad naman akong nakaramdam ng hiya sa sa ginawa ng ginang imbis na ipakita ang pagkadismaya ay  nginitian ko na lamang ito at akmang  babalik na sana ako sa paglalaba ng may itinanong ito sa akin.

 "Ilang taon kana ba Bianca right?" 

"22 po, Lola" tumango tango ito habang nakataas kilay na sinusuri  ako mula ulo hanggang paa na conscious naman ako bigla dahil alam kong hindi maayos ang aking itsura ngayon.

"Hmm bata ka pa. Sigurado akong makakahanap ka pa ng iba na mas nababagay sayo. Nakakapanghinayang ang aking apo" sabi nito habang binulong nalang ang huling binanggit nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?"

 "Bata ka pa at iiwan mo lang ang apo ko pag nakahanap ka ng iba. Hindi mayaman ang pamilya namin kaya wala kang makukuha hindi ba? Mataas ang pangarap ni Kris nakakapanghinayang isipin na sa ganitong klaseng babae lang siya babagsak" nanlaki ang mata ko dahil sa mga masasakit salita parang punyal na bigla nalang sinaksak sa akin. 

"Lola, hindi po ako ganyang klaseng babae mahal ko po si Kris at hinding hindi ko siya iiwan at hindi rin po pera ang habol ko sa pamilyang ito. Sana po tigilan niyo na ang pagsasabi sa akin ng ganyan" diretsong sabi ko dito, nanlaki ang mata ng kaniyang lola na tila napahiya. 

"Aba't matalas ang dila mo ah. Nasaan ba ang pamilya mo? Halatang hindi ka pinalaki ng maayos." naiiyak ako pero mas pinili kong patatagin ang aking loob kahit papaano ay malaki ang aking respeto sa kaniya.

 "Huwag niyo naman pong isali ang magulang ko dito. Ano po bang problema niyo sa akin?" naluluha kung sabi sa kaniya. Umirap muna ito bago muling nagsalita.

 "Walang modo hindi ko akalaing ganyan kaliit na babae ang tipo ng apo k-" 

"BIANCA ANDITO NA AKO" hindi natuloy ang sasabihin ng matanda ng marinig ang boses ng apo kahit ako ay natigilan sa pag sigaw ng aking asawa tinignan niya muli ako bago umalis hindi na tinuloy ang dapat sasabihin. Nanghihina akong napasandal sa dingding habang pinipigilan na bumuhos ang mgaluha.

Kaya mo to Bianca para kay Kris!

"Baby, ayos ka lang ba?" nakakunot noo nitong sabi habang papalapit sa akin ngumiti naman ako sa kaniya ng peke bago sagutin ang tanong niya.

"A...ayos lang ako pagod lang"  nagbuntong hininga ito bago ako hilahin palapit sa kaniya para yakapin at halikan ang aking noo.

"Sabi ko naman sayo kung hindi mo kayang gawin huwag mo ng pilitin. Alam mo namang ayaw na ayaw kung napapagod ka diba?" malambing nitong sabi, lihim ko namang pinunasa ang takas na luha sa aking mga mata.

"A..Ahh ayaw ko naman kasi  n..na wala akong ginagawa dito sa bahay tsaka ayos lang" mahina kung sabi sa kaniya.

 "Pwes ngayon may gagawin tayo agad naman niya akong binuhat kaya napatili ako.

Natatawa lamang ito sa naging reaksyon ko. Sa pangyayaring iyon ay pinalagpas ko na lamang at sinekreto kahit araw araw ay ganoon ang nangyayari sa pagitan ng Lola niya at sa akin ay wala ni isang nakaalam. Hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahan.

Ang magpapabago sa takbo ng buhay namin bilang mag asawa.

The Principal Is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon