Bianca P.O.V
Pagkauwi ko sa bahay nandoon na si Kris natraffic kasi ako kaya mas lalo akong matagal na nakauwi pagtingin ko sa kaniya ay seryoso itong nananonood ng TV pero halata namang wala doon ang atensyon niya.
"Baby," tawag nito sa akin ng makita ako ngumiti naman ako at nilapitan siya.
"Kumain kana?" tanong ko sa kaniya ng makaupo ako sa tabi niya.
"Hinihintay kita actually kanina pa. Bakit pala ang tagal mo?" naka kunot noong tanong nito.
"Na traffic kasi ako. Tsaka antagal natapos ng interview sorry di ako nakapagtext sayo." malambing kung sabi sa kaniya habang hinahawakan ang braso niya.
"Okay lang ang mahalaga nakauwi ka ng ligtas" sabi nito bago ako halikan sa noo.
"Sabi mo hindi ka pa kumakain diba? Ano pang ginagawa natin dito. Kumain na tayo masamang malipasan ng gutom" sabi ko sa kaniya bago tumayo gutom na rin kasi talaga ako.
"Tara magkainan na tayo"
"Ano?" naka kunot noo kung tanong sa kaniya.
"Sabi ko kumain na tayo" weirdong sabi nito bago ako hilahin papuntang kusina.
"Yung mga bata palA" naalala kung tanong sa kaniya.
"Tulog na kanina pa. Pinauwi ko na rin si Nena" tumango tango nalang ako.
"Baby" tawag nito sa akin habang kumakain.
"mawawala pala ako ng tatlong araw" seryosong sabi nito kaya napatigil ako sa pagkain.
"Bakit? Saan ka pupunta?" malungkot kung tanong dito.
"May seminar kasi kami sa Cebu at tatlong araw iyon" sabi nito habang tinitignan ako ng malalim.Iisipin ko pa lang mawawala na siya nalulungkot na ako tatlong araw pa.
"Hey, tatlong araw lang naman ako doon.Uuwi ka agad ako pag tapos na" sabi nito na nakangiti.
"Wala naman akong magagawa. Basta mag-iingat ka ah.Kumain ka ng maayos wag lalapit sa mga babae" matalim kung sa kaniya natawa naman ito sa mga pinagsasabi ko.
"Hindi pa nga ako umaalis eh." napasimangot nanan ako.
"Hmm basta"
"Ah baby kamusta pala yung interview mo? "pagiiba nito ng topic.
"Okay lang at confident naman ako sa mga sagot ko tsaka nakakakaba yung nag-iinterview sa akin masyadong seryoso at .....weird" pag aamin ko dito.
"Paanong weird?Lalake ba?" seryoso nitong sabi tumango naman ako.
"Habang in-iinterview niya kasi ako ay titig na titig kaya kinakabahan ako. Buti nalang talaga nasagot ko yung mga tanong niya" pagkwe-kwento ko dito tinignan niya naman ako ng seryoso.
"Baby" tawag nito sa akin.
"Hmm" ako lang naman mahal mo diba?" seryoso nitong sabi kaya napakunot ang noo ko.
"Oo naman ikaw lang at ang mga bata. Bakit mo naman na itanong" nagtataka kung sabi sa kaniya nagbuntong hininga naman ito bago magsalita.
"Naninigurado lang. I love you" malambing na sabi nito ngumiti naman ako.
"Mas mahal kita."
.Kinabukasan ay maagang gumising si Kris para ihanda ang mga dadalhin niya, pinulot ko naman ang damit ko para isuot ulit tutulunga ko siya.
"Baby, bakit ka nagbihis?" nagtataka nitong tanong.
"Ah tutulungan kita sa pag-aayod ng mga dadalhin mo "nakangiti kung sabi sa kaniya bago pumunta sa maliit niya maleta baka kasi may kulang siya .Napakunot ang noo ko ng makita ang panty ko doon.
"Bakit andito ang panty ko?" tanong ko sa kaniya lumingon naman siya sa akin bago ngumisi "Baby dapat alam mo na yun tatlong araw akong mawawala tatlong araw din akong tigang"nanlaki naman ang nga mata ko sa sinabi niy.
a "Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong hindi seryoso?" nakangisi nitong sabi bago kunin ang panty ko at amuyin ito.
"BASTOS KA TALAGA"
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on sa nangyari kanina. Ang libog kasi ng lalaking yun eh.Parang ayaw niya ngang umalis kanina eh.
"Baby, ayaw ko ng pumunta" sabi nito habang humiga ulit sa kama, yung panty ko naman ay nasa kamay niya pa rin grabe talaga siya. Lumapit naman ako sa kaniya.
"K...Kris seryoso ka ba talaga dyan sa p...panty ko? B...Bitawan mo na nga yan"
"Ayaw ko, ito na nga lang baon ko galing sayo eh."uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya gago talaga to.
"Tumayo ka na nga lang dyan baka malate ka sa byahe mo" pagsasabi ko dito habang umupo sa kama.
"Kung pwede lang kita isama ay ginawa ko na pero alam ko namang may ginagawa ka,malungkot na sabi nito.
"Ikaw na nga nagsabi diba? 3 Days lang yun " pagkukumbinsi ko dito tumingin naman siya sa akin at umupo sa kama bago hawakan ang kamay ko.
"Ikaw din ha wag mong pabayaan ang sarili mo alam kung mahal na mahal mo ako pero hindi sapat iyon oara hindi mo alagaan ang sarili mo"
"Grabe ang yabang mo talaga tumayo ka na nga jan at umalis " singhal ko dito.Tatayo na sana ako pero hinila niya ulit ako.
"Ahaha nagsasabi lang ako ng totoo baby , I love you" tumatawa nitong sabi kaya napasimangot ako.
Sa tuwing iniisip ko yung nangyari kanina ay napapatawa nalang ako, busy ako sa pagpapakain kay Angelo at Brianna ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello" narinig ko naman na may tumikhim sa kabilang linya.
"Is this Mrs.Bianca Santiago?" sabi nito sa baritonong boses.
"Yes po. Sino po sila?" nagtataka kung tanong dito.
"This is Justine Sivan, the CEO of Sivan Tower the one who interview you yesterday" sabi nito sa baritonong boses kaya nanlaki ang mga mata ko. Siya pala "Y...Yes sir.Bakit po kayo napatawag?" kinakabahan kung sabi.
"Did you check your email?" seryosong sabi nito kaya agad kung hinanap ang loptop ni Kris iniwan niya kasi ito. Pagka log in ko ay may nakita akong 20 messages pero yung una ang binuksan ko. Napatakip ako ng bibig ng mabasa ang nakasulat doon.
"Thank you sir, Maraming salamat po talaga"naluluha kung sabi .Gosh nakapasa ako sa interview ako ang napili nila.
"You can start tomorrow Bia- Mrs. Santiago and Congratulation" yun lang ang sabi nito bago ibaba ang tawag.
Ako naman ay binasa ulit ang message galing sa Sivan Tower. Malawal ang ngiti ko habang binabasa ito ng pauli-ulit.
"Mga Baby may work na si Mama " sabi ko sa dalawa kung anak bago sila yakapin at pudpurin ng halik.Ang saya saya ko. Tinawagan ko naman agad si Kris, nakakatatlong ring ito bago may sumagot.
"Baby napatawag ka" bakas sa boses nito ang pagtataka.
"Guess what! Nakapasa ako sa interview, may trabaho na ako" masay kung sabi sa kaniya narinig ko naman siyang tumawa.
"Wow, congratulation baby pagkauwi ko jan ay magce-celebrate tayo. Miss na miss na din kita"
"Okay at miss na din kita mag-iingat ka jan ah. I love you" masaya kung sabi.
"I love you too gusto ko mang makausap ka ng matagal ay hindi pwede magmemee-"
"It's okay Kris. naiintindihan kita gusto ko lang na ikaw ang unang makaalam. Sige ibana ko na ah mag-iingat ka" sabi ko dito bago ibaba ang tawag.Nakakaexcite naman.
Someone P.O.V
God, she's really interesting and very beautiful.
"Excuse me sir magsisimula na po ang meeting sabi sa akin ng PA ko bago umalis. Isinara ko naman ang loptop pero bago yun ay sinave ko ang picture niya. I'll make you mine *smirk*
BINABASA MO ANG
The Principal Is My Ex-Husband
RomanceI will love you forever that's a promise-Kris Santiago Cover credits to Ish Solarez