Bianca P.O.V
Pagkapasok ni Kris sa loob ng bahay ay nakakunot noo ito at halatang may problema. Matagal siya bago nakapasok kaya alam kong hindi naging madali ang naging pag-uusap nila.
"Are you okay?" nag aalala kung tanong sa kaniya.
"Huh? Ah yes. Si Angelo?" tanong nito bago ako tabihan sa pag upo sa sofa at mariin lamang akong tinignan. I smiled at him before answering his question.
"Nasa kwarto at mahimbing ang tulog. Sigurado kang okay ka lang?" paninigurado kong tanong.
"Hindi ka pa ba matutulog?" malambing tanong nito. Tumingin ako sa kaniya at napansin kung titig na titig pa rin ito sa akin.
"A-Ah mamaya na siguro. Ikaw baka pagod kana magpahinga kana tabihan mo nalang si Angelo doon sa kwarto niya" nakangiti kong sabi sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ako makatulog lalo na at bumabagabag sa akin ang naging pag-uusap nilang dalawa ngumiti naman ito pabalik at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Dito nalang din muna ako." tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Baby" pukaw nito sa attention ko.
"Hmm"
"Matatanggap mo pa ba ako?" malungkot nitong tanong. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil hindi ko alam kong para saan ba.
"K...Kris natatakot ako"mahina amin sa kaniya.
"Ang dami ng nangyari sa atin, baka maulit lang ang nangyari noon. Maiintindihan ko ang relasyon niyo ni Mam Grivencia kong yan ang ipinagaalala mo" malungkot kong sabi sa kaniya hinawakan naman niya ang kamay ko at tinignan ako ng diretso sa mata.
"Bianca, mahal kita hanggang ngayon mahal parin kita. The past 2 years na wala ka ay hindi masaya. Wala na yung Bianca nasasalubong sa akin pagkauwi galing trabaho, wala na yung Bianca na naglalambing sa akin, wala na yung Bianca na mahal na mahal ako" pagod na mga mata nitong sabi.
Ganoon din ako Kris!
"Pangako ko sayo aalagaan ko kayo ni Angelo tanggapin mo lang ako ulit. Dalawang taon na akong mag-isa Bianca ngayon na nandito kana hindi na kita hahayaang umalis pa ulit. I don't want that to happen again Baby" naluluha nitong sabi bago ako halikan ng mariin sa aking labi walang pag aatubiling gumanti ako.
"Hmm Kris, nasaan hmm ang mga magulang mo?" tanong ko sa pagitan ng aming mga halik tumigil naman siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Hindi ko alam galit sila sa akin dahil mas naniwala ako sayong wala kang kasalanan. I know you Baby and i chose you! I love my family but the moment i married you ikaw na ang pamilya ko."
"Kris hindi mo naman kasalanan yun eh. Kasalanan ko kung ba-"
"Hushh tapos na yun wag na nating balikan ang mahalaga ay iyong ngayon" tumango na lamang ako sa sinabi niya nakita ko namang ngumiti siya ng malawak.
"So pwede na?"
"Ha? Anong pwede na" kunot noo ko siyang binalingan dahil sa sinabi niya napasimangot naman siya sa bigla kong sinabi.
"Pwede na! Pwede na maging tayo" nagtatampo nitong sabi kinurot ko naman siya sa pisngi bago tumango.
"Talaga?" masaya nitong sabi.
"Yes" tipid kong sabi sa kaniya agad naman niya akong hinalikan uli sa labi ng mariin.
"Thank you! I love you Baby" masaya nitong sabi.
"I love you too" malambing kong sabi sa kaniya.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Kris dahil nga may klase ako at siya ay Principal ng unibersidad.
"Hintayin kita mamaya ah" malambing nitong sabi bago ako halikan sa labi. Ang clingy talaga ng lalakeng ito umiling lamang ako sa sinabi niya.
"Didiretso ako sa trabaho ngayon mauna ka nalang" ang tangi kong nasabi. Agad namang kumunot ang kaniyang noo at napabaling sa akin.
"No. Hindi ka na mgtratrabaho andito na ako responsibilidad ko iyon" seryoso niyang sabi.
This is what I'm talking about! Ayaw na ayaw niya na ganito ako kaya hirap na hirap akong kumbinsihan siya noon habang nagtratrabaho pa ako.
"Per-"
"Alagaan mo nalang si Angelo okay" labag man sa aking kalooban ay tumango na lamang ako.
Pumasok ako sa una kong klase kung saan ang prof. Ay si Maam Grivencia agad naman akong kinabahan dahil napakaaga niyang pumasok 20 minutes pa bago yung klase niya pero andito na siya kaagad.
"Ms. Bianca, you're late" mataray nitong sabi sa akin
" Maam 2-"
"I don't need your explanation dahil late ka ay ayusin mo ang mga files ng lahat ng studyante ng building na ito mamaya sa may faculty maliwanag ba?" nanlaki ang mata ko dahil sobrang parusa iyon para sa late lang magsasalita na sana ako pero agad itong nagsulat sa white board. Pagkaupo sa aking upuan ay agad akong binulungan nang katabi ko
"Pagpasensyahan mo na si Maam bali balita kasi na buntis iyan kaya mainit ang ulo kanina ka pa nga hinahanap niyan ikaw yata ang pinaglilihian" natatawa nitong sabi.
Buntis siya? Possible kayang! Umiiling iling nalang ako sa naiisip ko hindi naman siguro. Sa pagtatapos ng unang klase ay pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Ako kasi lagi ang tinatawag niya para sagutan yung tanong niya at pag hindi ko nasagot ay pakiramdam ko pinapahiya niya ako sa harapan ng kaklase ko.
Lalabas na sana ako ng makita ko si Kris sa labas may dalang pagkain sinenyasan niya akong pumunta sa office niya. Tumango ako at tinignan kung may nakakita nagpasalamat ako dahil busy silang lahat. Agad akong nag-ayos ng gamit at lumabas na. Bubuksan ko palang ang pinto ng office niya ng may humatak na sa akin papasok. Si Kris pala iyon agad niya akong sinunggaban ng halik
"Hmm. Kris a-" protesta ko dahil para siyang gutom na gutom kong makahalik.
"Sorry namiss lang kita" nakangisi nitong sabi bago ulit ako halikan sa labi.
Jessa P.O.V
Naiinis ako, naiirita ako sa babaeng yan may araw ka din sa akin. Sisiguraduhin kung maagaw ko siya sayo. Ang tagal kong nagpapansin kay Kris at sa isang iglap lang ay mawawala siya sa akin!
I won't let that happen. Itataya ko ang bubay ko dito!
BINABASA MO ANG
The Principal Is My Ex-Husband
RomansaI will love you forever that's a promise-Kris Santiago Cover credits to Ish Solarez