Bianca P.O.V
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako ng uwi habang si Kris ay nagpaiwan sa office niya marami pa pala daw siyang gagawin. Naglalaro kami ni Angelo sa sala habang hinihintay namin si Kris, 9pm na kasi ng gabi pero wala pa rin siya.
Kumain na kaya yun?
Someone's P.O.V
"Arghhhh god that was amazing " nakangiti nitong sabi sa babaeng kasiping.
"So ano pananagutan mo na ako?" nakangisi nitong tanong sa lalake pagkatapos nilang magtalik.
"No and Never Jessa hindi ko kayang tanggapin yan. Ipalaglag mo nalang kung ayaw m-"
"Akala ko ba aakuin mo na binuntis mo ako kaya panagutan mo" naghihisterya nitong sabi sa lalaki.
"I can't at alam mo naman kung bakit diba? Kung mahal mo ako huwag mo sirain ang buhay ko okay. Mahal din naman kita pero hindi pwede dahil may pamilya na ako" sabi ng lalake habang umiinom ng alak. Ang babae naman ay napapaisip. Kung anong gagawin.
Hindi ako makakapayag na mauuwi lang sa ganito ang lahat ng paghihirap ko. Hindi ko kayang iwan mo ako!
Bianca P.O.V
Saktong alas dose ng gabi ay umuwi si Kris lasing ito at mukhang maraming nainom. Sa itsura nito na namumula at may magulong buhok ay batid ko ngang nakainom.
"Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag-aalala sayo" nag-aalala kong tanong kay Kris. Hinawakan naman niya ang balikat ko at tinignan ako sa mata gamit ang mapupungay nitong mata.
"Okay lang a...ako huwag kang mag-alala" nakangiti nitong sabi bago ako yakapin ng mahigpit.
"Huwag mo akong iiwan ah. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko kayo ng sobra" wala sa sarili nitong sabi habang niyayakap na ako.
"T...Teka ano ba yang sinasabi mo? Magpahinga kana bakit ba kasi naglalasing ka. K...Kris sandali....Ano ba " nahihirapan kong sabi habang nilalayo siya sa akin nakangisi itong tumingin sa akin bago ako buhatin bigla.
"Kris" tili ko habang mahigpit ang pagkakahwak sa batok niya.
"I...Isa ibaba mo ako kundi ma-hmmp" hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako. Nalasahan ko kaagad sa kaniya ang alak.
"Kris! Ano ba hindi na ako natutuwa" seryoso kong sabi sa kaniya. Tinigilan naman niya agad ang paghalik sa akin at sumimangot na parang bata. Nilapag niya naman ako sa sopa at umupo din siya.
"Diyan ka lang kukuha lang ako ng ipupunas ko sayo" sabi ko bago ko siya iwan sa sopa.
Nang maihanda ko na ang kailangan ay bumalik ako sa sopa naabutan ko naman siya mahimbing na natutulog at humihilik pa. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba sya naglasing? Hinubad ko naman ang kusot kusot niyang damit.
"Grabe ang baho mo naman," angal ko kahit hindi naman niya maririnig dahil tulog ito. Umungol ito ng lumapat sa balat niya ang basang bimpo.
"Ito ba yung sinasabi mong aalagaan mo kami pero ikaw naman tong pasaway hmmp. Minsan hindi kita maintindihan" bulong ko bago siya simulang punasan.
BINABASA MO ANG
The Principal Is My Ex-Husband
Roman d'amourI will love you forever that's a promise-Kris Santiago Cover credits to Ish Solarez