Chapter 25

4K 64 1
                                    

  Bianca P.O.V 

"Kris, mauuna na ako ah baka malate ako sa interview mahirap na" ang sabi ko kay Kris habang kinukuha ko yung blazer ko pagkatapos kung kunin ito ay lumapit na ako sa kama para halikan siya sa labi.

"Goodbye, i love you" nakangiti kung sabi sa kaniya.

 "Mag-iingat ka ah. Itetext kita pag nasa office na ako" nakangiti nitong sabi bago ulit ako halikan sa mga labi.

"Okay"sabi ko bago lumabas ng bahay si Angelo naman at Brianna ay tulog pa ayaw ko namang disturbuhin baka umiyak ang mga yun at ayaw na akong paalisin. Nag-apply kasi ako ng nakaraan sa isamg sikat na kompanya dito sa Pilipinas dahil hiring sila ng isang secretarya ay nag-apply agad ako at kahapon lang ay tinawagan ako para sa isang interview kinakabahan nga ako dahil matagal tagal na rin bago ako ulit interviewhin pero alam ko namang kaya ko to para sa pamilya ko kailangan ko ring tulungan si Kris sa mga gastusin ayaw kung maging hayay ang buhay habang siya ay naghihirap magtrabaho kahit mag-asawa kami ay ayaw kung umasa sa kaniya. 

Pumara ako ng taxi pagkapabas ko ng bahay hindi dapat ako malate ngayon dahil nakakahiya pag nagkataon . 

"Manong sa Makati po" magalang kung sabi sa driver bago tuluyang pumasok. Tumango naman ito at umandar na habang nasa byahe ay di ko mapigilang ang mapaisip.Bali-balita kasi sa kompanyang yun ay masungit daw ang may-ari siguro matanda na kaya mainitin ang ulo. Ano na kaya ginagawa ni Kris at ang mga bata ngayon.

 Since pareho kaming nagtratrabaho ni Kris ay kumuha na kami ng Yaya para sa dalawa dahil si Clarence ay matagal ng bumalik sa trabaho niya kaya wala na akong mapagiiwanan pag umalis kami ng bahay.

 "Andito na po tayo Maam" pukaw sa aking ng driver. 

Pagkatapos kung maibigay ang bayad ay bumaba na ako.G rabe ang laki talaga ng kompanyang to pakiramdam ko ay nasa harap ako ng building ni Christian Grey ng Fifty Shades of Grey. 

"Goodmorning Maam" bati sa akin ng guard pagkapasok ko sa building.

 "Good morning din po hmm kuyang guard saan po dito yung interview room? Isa po kasi ako sa iinterviewhin" nahihiya kung sabi sa guard ngumiti naman ito bago sagutin ang tanong ko.

 "Ah maam diretso lang po ang lakad niyo sa may bandang dulo po ay may makikita kayong room doon nag-iisa lang po iyon kaya mabilis niyong makikita" nagpasalamat ako sa guard at dumiretso na sa sinasabi niyang room.Nang makarating ako sa dulo ay totoo nga may nakalagay sa gitnan ng pi.tuan na Interview Room. 

Kinakabahan ako kaya dahan dahan kung pinihit ang doorknob sinilip ko muna ito at nakita kung may mga tao na nakaupo sa upuan ng parang nakalinya tuluyan na akong pumasok at marahang sinara ang pintuan pagkaupo ko ay agad akong nakarmdam ng kaba. Nagbuntong hininga ako at nirelax ang katawan at isipan ko.

 'Kaya mo yan Bianca' sabi ko sa sarili ko

.Bali pangatlo ako sa iinterbyuhin dahil nasa pangatlong upuan ako . Yung iba naman ay nasa kabilang upuan.Napatingin ako sa pintuan ng nigla itong bumukas at iniluwa ang dalawang babaeng yayamanin ang itsura at ang huli ay lalaki napasinghap naman ang mga kasama ko at para bang pinipigilan nila ang tumili kaya napakunot ang noo ko. 

Anong meron?Tinignan ko ulit ang mga kakapasok lang na sa tingin ko ay ito ang mga judges.

 "Okay guys pag tinawag ang pangalan niyo lumapit kayo" seryosong sabi ng isang bakla habang busy ito kakasita sa mga babaeng kilig na kilig. 

Unang tinawag ang babaeng kanina pa nagpipigil ng tili. Nanonood lang ako hanggang sa ako na nga agad naman akong kinabahan ng tawagin ako nung lalake seryoso ito at mukhang masungit.

The Principal Is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon