Chapter 8

5.4K 131 3
                                    

Bianca P.O.V

 Pagkauwi ko sa bahay ay umupo muna ako, okay na ang aking pakiramdam at walang bakas ng pag iyak kung titignan.

Nakakapagod ang araw na ito napabuntong hininga ako at tumayo na ulit. Susunduin ko pa pala ang anak ko. Iniiwan ko kasi ito kay Clarence pag ganitong may pasok ako sa umaga pag gabi naman ay iniiwan ko din paminsan minsan at kukunin nalang pag umaga na. May asawa na si Clarence napangasawa niya ang katrabaho din namin noon.

Noong una ay tumatanggi pa ako na siya ang magbantay sa anak ko pero dahil mapilit at mahilig din siya sa mga bata ay pumayag na lang ako kahit na nakakahiya na sa kaniya at sa asawa niya. Kakatok pa lamang ako sa pintuan nila ng bumukas ito asawa pala ni Clarence.

 "Oy Bianca kukunin mo na ba si Angelo?" nakangiti nitong tanong sa akin.

 "Hmm pede bang iiwan ko ulit siya dito mamaya. Papasok pa kasi ako sa trabaho eh" nahihiya kung sabi sa kaniya. 

"Naku oo naman nakakatuwa nga yang anak mo eh. Sige ang mabuti pa huwag mo nalang kunin ngayon mukhang pagod ka okay lang na si Clarence ang mag alaga para naman may kalaro din yung anak namin tsaka may pasok ka pa sa trabaho" masigla nitong sabi.

Minsan kung sino pa yung mga taong hindi mo kadugo ay mas pinapahalagahan ka pa. Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong handang tumulong sa akin. 

 "Naku maraming salamat talaga Nida ah. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala kayo ni Clarence, mahina kung sabi habang napa buntong hininga. 

"Sus maliit na bagay tsaka ano ka ba sino sino paba magtutulungan kaya wag ka na mahiga kami lang to " masaya nitong sabi kaya natawa na lang ako at bumalik ulit sa apartment ko.

Naligo at nagbihis ako ng uniporme at nag apply na din ng light make up sa aking mukha. Pagkatapos ay gumayak na sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Kahit pagod ay hindi pwedeng magpahinga may pinapagatas kasi ako.

Naglalakad lamang ako papunta sa pinapasukan ko malapit lang naman kasi kaya keri lang. Habang naglalakd ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin pero pag lumilingon ako ay wala naman. Pagdating ko sa restaurant ay binati ako ng mga katrabaho ko agad akong dumiretso sa isang lamesa para sa  attendance at nagsimula ng magtrabaho.

Sa kalagitnaan ng paglilinis ko ng lamesa ay kapansin pansin ang dalawang kakapasok lamang agaw pansin ang mga ito dahil sa sobrang sweet nilang tignan. Napakurap kurap ako ng makitang si Kris ito kasama si Mam Grivencia na nakapulupot ang kamay sa siko ni Kris.

Hindi ko alam na bumaba pala ang standard niya pagdating sa babae hindi sa pagmamayabang pero kung pagandahan din lang naman ay ay may maibubuga ako. Napailing nalang ako at tinigil na ang pagmamasid sa kanilang dalawa pero hindi ko maiwasang tignan ang  kamay ni Kris na ngayon ay nakalagay na sa beywang ni Mam Grivencia. Nag-iwas muli  ako ng tingin at nagkunwaring walang nakita. 

"Bianca paki assit naman yung table 2" nang tignan ko ang table 2 ay table nila Kris iyon.

Shit! 

"H..Ha Ako ba?" muli kong tanong dito. 

"Oo bilis maraming tao ngayon di kailangan ang mabagal sa trabaho" labag man sa aking kalooban ay tumango at tuluyan ng pumunta sa kanilang lamesa. 

"G...Goodevening M..Maam and Sir, can i have your order now?" kahit kinakabahan ay pinatili kung pormal ang boses ko. Tinignan nila akong dalawa halata sa Mukha ni Mam Grivencia ang pagkagulat pero kay Kris ay walang emosyon na mababasa, hinayaan niyang si Mam Grivencia ang umorder habang nagsusulat ay halatang sa akin ito nakatingin kaya lalo akong nailang at pinagpawisan, natapos ang pag oorder at agad akong umalis doon at hindi na sila muling tinignan.

Sa tingin ko ay annulment papers nalang ang sadya niya sa akin. Sana ay matapos na agad ito.

Natapos ang gabi at madaling araw na nang matapos ako sa akin shift,  pagod na pagod ako at kailangan ko ng magpahinga may pasok pa ako bukas. Salamat at hindi ko na iintindihin ang aking anak dahil may nag-aalaga naman nito para sa akin.

Nang makalabas ako ng restaurant ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Nagbuntong hininga ako bago maglakad pauwi kailangan ko na palang mag bayad sa apartment sa susunod na linggo, gatas pa ni Angelo namimiss ko na ang anak ko di bale wala naman akong pasok sa susunod na araw kaya makakasama ko din siya.

 "Ganito ba lagi ginagawa mo?" napaigtad ako ng biglang may magsalita sa likuran ko ng lingunin ko ito ay mas lalong nanlaki ang aking mga mata.

"K...Kris" mahina kung sambit sa kaniyang pangalan.

 "Hindi mo ba alam na delikado ang maglakad ng mag isa! God woman madaling araw na" umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Ano bang pakialam niya?

"Sanay ako. Tsaka ano bang ginagawa mo dito" tanong ko sa kaniya ng makabawi sa kaniyang presensya at binilisan ang pagpalakad. Narinig ko siyang nagmura pero binalewala ko lang ito.

 "A...Ano bumili ako ng ice cream napadaan ako dito a..at nakita kita " kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ice cream? SERYOSO ba siya.

Nagtataka man ay tumango na lamang ako. Nang makarating ako sa apartment ay akala ko nakaalis na siya pero nagulat ako ng nakasunod pa rin ito at parang iniinspeksyon niya ang aparment ko buti nalang at wala si Angelo dito.

''Ano ba tong bahay mo isang tulakan nalang siguradong sira agad yung pinto mo" kunot noo nitong sabi tinignan ko siya ng nagtataka ulit.

Ano bang pakealam niya? 

"Pwede ba Kris kung lalaitin mo lang ang bahay ko huwag sa harap ko. Ano bang ginagawa mo dito umalis kana papasok na ako" pagod kung sabi sa kaniya bago buksan ang pinto isasara ko na sana ngunit nakaharang ang ulo niya na tila may sinisilip.

 "A...Anong ginagawa mo?" gulag kong tanong tumikhim muna ito bago umayos ng tayo. 

"Wala, ilan kayo nakatira dito may bakante paba?" tanong nito sa akin 

"May tatlong kwarto pang bakante dito magtanong ka nalang sa may-ari. Umalis kana gusto ko ng magpahinga" humihikab kung sabi bago siya tignan.

"Okay, goodnight t-then" sabi nito bago umalis.

Hmm pano niya nalaman dito?  

The Principal Is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon