Bianca P.O.V
Dahil day off ko ngayon at tamang tamasa sabado wala ring pasok sa School kaya gaya nang ipinangako ko kay Angelo ay mamasyal kami sa park ngayon. Natatawa nalang ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin marunong magsalita ang anak ko kaya hindi ko naiintindihan kung ano gusto niyang sabihin. Sobrang aga niyang nagising hindi naman hatang excited siya kaya maaga din kaming gumayak sa park.
Uubusin namin ang oras namin sa park ngayon dahil alam kung sa mga susunod na araw ay magiging busy na ulit ako. Hinahayaan ko lang si Angelo na tumakbo ng tumakbo kahit anong gawin ko ay kamukhang kamukha talaga siya ni Kris pero may anggulo din naman na kamukha ko siya.
"Baby dahan dahan lang" sabi ko sa kaniya tumingin ito sa direksyon ko at nginitian lamang ako kaya napangiti nalang din ako.
"Hi miss" bati sa akin ng isang lalake matangkad ito at maputi ang kulay ng balat. Nginitian ko lamang ito bago ibaling ang tingin sa anak kong nakikisali ng laro sa mga batang kaedaran niya din.
"Hmm pwedeng makiupo" nakangiti nitong sabi sa akin
"Ahh oo naman" ngumiti ako at umusog ng konti para makaupo siya.
"Thank you" tumango lamang ako.
"Anak mo?Ang gwapo naman." wika nito habang nakatingin kay Angelo.
"Salamat" ang tanging sabi ko.
Madaldal ito kaya kahit papaano ay hindi ako naboryo kakaupo. May lalaki pala talagang madaldal sa panahon ngayon. Tumawa at tumango tango ako ng magbiro ito.
Pangalan niya ay Mark taga kabilang subdivision lang naboryo daw siya sa bahay nila kaya naisipian niyang lumabas saglit at dito nga napadpad. Maingay ito at makulit hinahayaan ko na lamang siya dahil baka ano pang sabihin nito. Natigil lamang siya sa pagsasalita ng biglang may tumikhim sa likuran namin.
"Bianca andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" seryosong sabi ni Kris sa aking likuran. Nanlaki ang mata ko nang maalalang andito pala ngayon si Angelo kasama ko.
"A...Anong ginagawa mo dito" kinakabahan kong tanong dito si Mark naman ay tahimik lang sa gilid.
"Hinahanap ka" sabi nito at umupo sa pagitan namin ni Mark.
Bastos talaga tong taong to bigla bigla na lamang umupo kaya pareho kami ni Mark na natumba ng bahagya. Wala ba itong trabaho ngayon principal siya kaya dapat ay nasa School ito ngayon hindi yung nandito.
"W...Wala ka bang trabaho?"
"Ako? Wala holiday ngayon kaya andito ako" sagot nito at kinain ang tinapay na hawak hawak ko.
Holiday? Hindi ko maalala na holiday pala ngayon.
"Sino itong kasam mo?" seryoso nitong sabi.
"Mark pare" nakangiting sagot ni Mark bago inilahad ang kamay pero itong isa ay parang walang nakita kaya ibinaba na lang ni Mark ang kamay niya.
"Maaaaaaaa" sumisigaw na tawag sa akin ni Angelo ang kabang naramdaman ko kanina ay muling bumalik niyakap ako ni Angelo bago nagpakuha ng pagkain sa basket nang tignan ko si Kris ay halos hindi na masubo ang kinakain nito habang matalam ang mukha habang nakatingin sa akin.
"Anak mo b...ba siya?" seryoso nitong tanong hindi ko alam kung anong isasagot ko labis ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Mark.
"Oo pare, gwapo no" nakangisi nitong sabi agad namang bumalik si Angelo sa paglalaro niya.
"Bianca let's talk" sabi nito bago ako hilahin sa pagkakupo.
"T...Teka Kris" pigil ko dito.
"Pare mukhang ayaw niyang makipag usap sayo a-"
"SHUT UP I DONT NEED YOUR FUCKING OPINION. GET LOST!" galit nitong sabi bago ako hatakin paalis sa lugar na iyon.
"SIYA BA ANG ANG IPINALIT MO SA AKIN? HA BIANCA AT MAY ANAK PA TALAGA KAYONG DALAWA! PUTANGINA" galit nitong sabi tinignan ko siya ng hindi makapaniwala! Iniisip niya bang may relasyon kami ni Mark at si Angelo ang anak namin?
"A...ano bang sinasabi mo oo anak ko siya pe-"
"GOD...ALL ALONG YOU HAVE A SON! GANUN BA AKO KADALING KALIMUTAN BIANCA HA? HININTAY KITA TAPOS MALALAMAN KUNG MAY ANAK KA? BAKIT" sigaw nito na may pagkabigo habang mariin akong hinawakan sa magkabilang balikat.
"WALA KANG PAKEALAM KUNG MAY ANAK AKO-"
"IKAW WALA PERO AKO MERON BIANCA MAHAL KITA , MAHAL NA MAHL PA RIN KITA HANGGANG NGAYON. AKALA KO NAKALIMUTAN NA KITA DAHIL SA BIGLA MONG PAGKAWALA PERO HINDI! MAY KINAKASAMA KANA PALA AT MAY ANAK PA KAYO" bigong bigo nitong sabi habang nanghihina. Natigilan naman ako sa mga sinabi niya.
Joke ba yun! Bakit parang masaya ako, nanggigilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha. Bumagsak ang mga kamay nito at agad akong tinalikuran!
"GAGO KA TALAGA" sigaw ko sa kaniya pabalik ng makabawi!
"GAGO KA! ANAK MO SIYA, ANAK NATIN" umiiyak kung sabi habang pinagmamasdan ang reaction niya. Lumingon ito bigla sa akin na may pagtataka at gulat sa mga mukha.
There! Nasabi ko din, natatakot ako sa maari niyang reaction pero okay nandin ito kesa itago ko pa.
BINABASA MO ANG
The Principal Is My Ex-Husband
Любовные романыI will love you forever that's a promise-Kris Santiago Cover credits to Ish Solarez