Chapter 20

4.6K 75 3
                                    

Bianca P.O.V 

Pagkauwi ni Kris sa bahay ay hindi ko ito kinibo.

"Baby, may problema?" nag-aalala nitong tanong umiling lang ako bago ibalik ang atensyon sa panonood ng TV si Angelo naman ay naka kila Clarence. 

"Baby, alam kung meron come on tell me" nafru-frustrate nitong sabi bago ako tabihan sa sopa, pinatay ko ang TV at hinarap siya ng seryoso.

"Magkatabi ba kayo ni Jessa natulog kagabi?" seryoso kung tanong sa kaniya kitang kitang sa ekspresyon niya ang pagkakagulat.

"B...Baby " sabi nito sabay iwas ng tingin. "Sagutin mo ako" galit kung sabi sa kaniya. 

"Yes, magkatabi kami dahil natatakot siya kagabi kaya sinamahan ko siya sa pagtulog pero Baby walang nangyari sa amin. Tinabihan ko lang siya may pagitan naman and i never touched her" direstong sagot nito sa akin sabay hawak sa kamay ko ako nanan ngayon ang nag-iwas ng tingin. Akala ko magsisinungaling siya kaya napangiti ako doon sa sinabi niya. Hindi ka talaga marunong magsinungaling Kris no?

I doubted him pero sa oras ganito siya ay alam kong totoo ang sinasabi niya!

"Hey, anong nakakatawa?" nagtataka nitong tingin pero agad din naman itong napangisi.

 "Are you jealous?" nakangising sabi nito kaya ako naman ang napasimangot. 

"Malamang! Tinawagan kita kagabi" panimula ko nang tignan ko siya ay biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin.

 "S...Si Jessa ang sumagot ng tawag ko sayo sabi niya tabi daw kayong natutulog at pagod na pagod ka daw at...at tinawag ka pa niyang boyfriend" pag-aamin ko dito bigla namang umigting ang mga panga niya at mukha na itong handang pumatay ng tao.

"Kaya ba hindi mo ako pinapansin kanina? Damn! That's why i don't like the idea of yours na pumunta doon alam kong ganito ang mangyayari" sabi nito na nangangalaitibsa galit marahan naman akong tumango sa kaniya tanong.

"Diba may tiwala ka sa akin" tanong nito tumango naman ako agad ng walang pag alinlangan!

"Good! Magtiwala kalang sa akin, i will not do anything that will ruin our family" wika nito sabay halik sa nga labi ko.

Mabilis na lumipas ang buwan at ngayon ay kabuwanan na ni Jessa at andito kami ngayon sa hospital habang naghihintay sa labas habang si Kris naman ay hindi mapakali. 

"Bianca" pukaw nito sa atensyon ko kaya nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Sorry" pag hingi ng tawad nito kahit di ko nanan naiintindihan.

"Sorry kasi wala ako sa panahon na kailangan niyo ako ni Angelo" madrama nitong sabi napangiti naman ako at tinapik ang upuan para tumabi siya sa akin nakuha niya naman agad ang ibig kung sabihin at naupo ito hinawakan ko naman ang kamay niya

"Wala na yun ikaw na nga ang nagsabi diba ang importante ay yung ngayon. Sorry din kasi pinagkait ko si Angelo sa iyo ng dalawang taon"  malungkot kong sabi sa kaniya.

Minsan naiinggit na din ako kay Jessa dahil simula ng una ay nandyan na si Kris sa tabi niya para alalayan siya sa pagbubuntis niya habang ako noon ay walang Kris na nagbabantay at naiintindihan ko iyon dahil kasalanan ko naman. Napatingin kami sa pintuan ng lumabs ang doctor doon.

 "Doc," sabay naming sabi ni Kris habang naghihintay ng sasabihin ng Doctor nag buntong hininga ito bago magsalita!!  

Kahit hindi maganda ang pagtatagpo namin ni Maam Grivencia ay nalulungkot parin ako sa nagyari.

"Doc" tawag ulit namin sa Doctor.  "Sorry Mr. and Mrs. Santiago pero hindi kinaya ng pasyente ang panganganak. I'm sorry ginawa namin ang lahat pero mas pinili niya ang buhay ng bata" malungkot na sabi ng Doktor na nagpagulat sa aming dalawa.

Shit!

"A...Anong ibig niyong sabihin Doc?" kinakabahan kong tanong dito.

"Wala na po ang pasyente mas pinili niya pong isalba ang anak niya kaysa sa sarili niya."tugon nito sa akin nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng Doctor.

"Safe naman ang bata at normal niya itong nailabas once again i'm sorry" yun lang ang nasabi niya bago umalis. Dalawa kaming hindi makapaniwala sa balitang iyon. Hindi kami okay pero hindi tama ang iwan niya nalang ang anak niya!

Tatlong linggo na ang nakalipas nang mangyari iyon at ang tungkol naman sa anak ni Jessa ay nakompirmang anak nga iyon Kris noong una ay ang hirap tanggapin tatlong araw ko din siyang hindi kinibo nun pero naisip ko wala namang kasalanan yung bata.  Andito kami ngayon sa bahay si Angelo ay naglalaro sa lapag habang si Kris naman ay kakaupo lang sa sopa katabi ko kakatapos niya lang kasing patulugin si Brianna, yes babae ang anak nila ni Jessa. Nakalibing na rin ang bangkay ni Jessa dahil wala namang magulang si Jessa ay kami na nag asikaso nito kahit papaano ay naaawa ako sa kaniya.

"Baby, pagod na pagod ako" kunwaring nagtatampo nitong sabi. Hinarap ko naman siya at kinurot ang magkabilang pisngi

 "Sabi ko naman sayo ako na magpatulog diba pero ang kulit kulit mo" pagsasabi ko sa kaniya nag pout lang ito bag ako dampian ng halik sa labi.

 "Nakakahiya sayo Baby" malungkot nitong sabi pakiramdam niya kasi ay hindi ko pa rin siya napapatawad, "Bakit ka naman mahihiya eh asawa mo ako" naiinis kong sabi sa kaniya.

"Dahil malaki ang kasalan ko sayo. I really thought na hindi akin to. Pinagdudahan ko ang bata" malungkot nitong sabi kaya agad ko namang hinawakan ang pisngi nito at tinitigan siya ng mariin.

"Kris, pinapatawad na kita at masaya ako na dumating ang bagong anghel sa pamilya natin. Mahal kita kaya, kaya kung tanggapin ang mga kasalanan mo at sana hindi na ito mauulit. Let's just accept it, at ang bata alagaan natin siya ng mabuti wala siyang kasalanan." malungkot kong sabi sa kaniya kumunot naman ang noo niya ng marinig ang huli kung sinabi.

 "Hindi na mangyayari iyon ulit Baby, pangako iyan hinding hindi na ako magkakamali. And the baby i love her at tama ka wala siyang kasalanan thank you so much!" ngumiti lang ako sa kaniya.

Hindi naman perpekto ang buhay natin eh may mga bagay ka talagang magagawa na mali. Kung mahal mo ang isang tao kahit ano pa siya o kahit ano pa ang pagkakamali niya ay kaya mo itong matanggap sabi nga nila everyone deserve a second chance pero siguraduhin mong worth it ang taong pagbibigyan mo nito.

"By the way baby, next month na pala ang graduation mo excited kana ba?" masaya nitong sabi habang niyayakap ako.

 "Syempre naman, dahil matutupad na ang mga pangarap ko" nakangiti kung sabi sa kaniya.

"Ano-ano ba pangarap mo" bulong nito sa akin.

"Simple lang ang mabuo ulit tayo bilang isang pamilya at makapagtrabaho  sa magandang kompanya para naman makatulong ako sayo" masaya kong sabi sa kaniya napangiti naman siya sa naging sagot ko.

"Ang swerte ko talaga sayo" sabi niya bago ako siilin muli ng halik sa labi.  

Wala namang perpektong pamilya ito ang reyalidad pero wala tayong magagawa kundi tanggapin. Sisiguraduhin kong papalakihin ko ang mga anak ko sa maayos na paraan!

The Principal Is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon