Scandal 4 - In which the husband returns

19.8K 221 1
                                    

Scandal 4 – In which the husband returns

Cassandra stared at the window, she was sitting at the chaise near her window. It was still dark but she woke up from one of her headaches. After taking the pain meds, she couldn’t sleep anymore.

A knock startled her and she turned her head towards the door and saw Linda enter swiftly holding a tray. “Good morning ma’am.” She greeted Cassandra formally.

Cassandra nodded and gestured her to put the tray to the table, she turned back to the window. “Nagawa mo na ba yung mga inutos ko?”

“Yes ma’am. Naka-block na po yung number ni Dr. Torres sa buong estate. Nag-hire na rin po ako ng attorney para kausapin si Dr. Torres.” Sagot ni Linda habang nilalagay sa lamesa yung mga pagkain.

Tumango si Cassandra at nilingon si Linda. “Good. Sigurado ka ba na walang koneksyon yung attorney sa mga attorney na nasa paycheck ni James at Anton?” tanong niya dito. “We can’t trust anyone because everyone would do anything for money.” Saad niya. Tumayo siya at naglakad papunta sa lamesa.

“Ayos na po ang lahat ma’am. Hindi na magsasalita si Dr. Toress.” Sagot ni Linda. Kinuha nito ang tray at naglakad papunta sa pinto.

“Linda, paki sabi kay Bert na ipahanda yung sasakyan at ilagay yung mga binili ko kahapon sa sasakyan.” Utos niya kay Linda, tumango si Linda at lumabas na rin ng kwarto niya.

Kumain ng tahimik si Cassandra. Iniisip niya ang pupuntahan niya mamaya, hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. She felt dreadful and hopeful at the same time.

Siguro kahit alam na niya kung anong mangyayari ngayong araw sa bisita niya at nangangarap parin siya na iba yung mangyayari ngayon. Na hindi siya itataboy. For seven years the hope never did flare out of her. She dared to hope that one day they would accept her once again.

Nang natapos na siyang kumain at maghanda para sa pupuntahan niya ay bumaba na rin siya, nang nasa foyer na siya ay tinignan niya si Bert, halatang hindi ito sigurado kung ayos lang na umalis si Cassandra ngayon.

At dahil wala naman binigay na utos si James kay Bert ay hindi nito mapipigilan na umalis si Cassandra, natuklasan ito ni Cassandra nang umalis siya kinabuksan ng umalis si James.

“Don’t worry Bert, I’ll be coming back before your master comes back.” Sinabi niya dito, alam niyang hindi pa babalik si James, babalik lang ito sa araw ng Carmichael Benefit at may dawalang linggo pa bago ang benefit.

Hindi na niya hinintay na sumagot si Bert at naglakad na siya palabas ng bahay at sumakay sa naghihintay na sasakyan.

She felt wary during their journey to the province. Sa totoo lang may parte niya na ayaw ng ituloy ang pagbisita dahil siguro alam na din naman niya sa loob loob niya na walang nagbago, hindi parin siya tanggap.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay, hinintay na pagbuksan siya ng bago niyang driver. When the door opened, she hesitated on getting out, it was the nerves of course.

The Shackled WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon