Chapter 16

1.9K 44 0
                                    

Alyssa's POV

Andito kami ngayon sa mall, hinihintay namin si Dani dahil may get together kami.

Ramdam kong naiinip na si Den, mainipin kasi talaga to eh kaya nga pag may lakad kami ayaw nya na nauuna kaming dumating dahil ayaw nya ng naghihintay.

We were sitting in one of the restaurant here nang matanaw ko sila Amy na nagmamadali.

"Besh, I think they're here na" kalabit ko kay Den.

Nakita ko namang tumingin si Den at parang nagulat sya.

"Besh, si Tita Mozzy." Sabi ni Den na hindi man lang inaalis ang mata nya sa tinuro ko.

"A-ano? Si t-tita mozzy?" Tanong ko.

Di agad ako tumingin dahil bigla akong kinabahan dahil hindi pa ako handang harapin sya ngayon.

Anong ginagawa ni Tita dito? Si Dani lang naman ang ka-meet namin ah. Anong gagawin ko?

"Ly? Ikaw na ba yan?" Narinig kong tanong ng isang babae na sigurado akong si Tita Mozzy.

"O-opo T-tita." Sagot ko na lang.

Tinignan ko sya dahil it's rude na hindi tumingin sa kausap.

"Miss na miss na kita, Ly. Ang tagal mong hindi nagpakita samin." Sabi nya sabay yakap sakin.

Niyakap ko din sya dahil namimiss ko na din ang pamilya nila.

Sila Tita Mozzy ang naging pangalawang pamilya ko dahil nga nasa Batanggas sila Inay.

When we broke our hugs, I saw a tears falling from her eyes.

"T-tita, bakit ka po umiiyak? Di ka po ba masaya na nagkita na ulit tayo?" Tanong ko while wiping her tears.

"Tears of joy, anak. Na-miss lang talaga kita." She said.

Hindi pa din talaga nagbabago si Tita Mozzy, she still calls me "anak". Siguro kung hindi kami naghiwalay ni Kief, talagang anak nya na ako.

"Ate ako ba? Di mo ba ako yayakapin? Na-miss din naman kita ah, nabitin pa nga ako dun sa unang pagkikita natin ulit eh." Sabi naman ni Dani na nakasimangot pa.

Naawa naman ako bigla dahil parang lahat ng atensyon ko ay natuon kay Tita Mozzy.

"Hay, Dans. Selos ka na naman, halika nga dito"

I pulled her then I give her a one big tight hug.

"A-ate, I can't breath na." She said.

"I'm sorry, Dani. Na-miss kasi kita eh, baka kasi magselos ka na naman ulit." Natatawang sabi ko.

"Guys, order na kaya tayo noh? Di tayo mabubusog kakachika dyan." Sabat naman ni Ella.

Ayan na naman po ang dakilang biik, nagutom na naman.

"Tara na nga. Mamaya magwala pa yan dito." Sabi ko sabay tawa ng malakas.

After namin mag-order, nagchikahan na lang kami. Catch-up lang sa buhay ng bawat isa.

We were about to call the waiter tk ask for the bill when Tita Mozzy's phone rang.

*Kringg..Kringg..Kringg..*

"Hello? Oh Kief, anak? Napatawag ka may problema ba?"

Nabigla ako sa narinig ko,si Kief nga ba ang kausap nya? Bigla na lang akong napatahimik dahil dun.

"Ah, okay. Sunduin ka namin sa airport on wednesday. See you, I miss you also son." Sunod sunod na sabi ni Tita Mozzy.

Wait, tama ba yung narinig ko?! Uuwi dito si Kief? Naguguluhan ako.

"Mom, si Manong ba yun?" Tanong ni Dani kay Tita Mozzy.

Nakayuko lang ako habang hinihintay kong sumagot ai Tita Mozzy.

"Oo, Dans. Sinabi nya lang na sa wedenesday ang flight nya at sabi ko susunduin natin sya." Masayang sabi ni Tita.

"Oh my God! Mom, excited na ako makita si Manong." Natutuwang sabi ni Dani.

Kung sya masaya, ako hindi ko alam. Kaya ko na ba? Sa mga naririnig ko ngayon, parang bumabalik lahat ng nangyari 3 years ago.

Nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko kaya nagexcuse muna ako sa kanila.

"Ahmm, guys. Excuse lang sandali ha, I'll just go to the wash room." Paalam ko sabay turo sa direction nito.

"Sure." Sagot nila.

Binilisan ko ang lakad ko dahil nararamdaman ko ng babagsak na ang mga luha ko.

Pagpasok ko dumiretso ako sa isa sa mga cubicle dito at dun ko nilabas ang mga luha ko na kanina pa kumakawala sa dibdib ko.

Diba dapat kinakalimutan ko na sya? Bakit parang habang sinusubukan ko lalo lang akong nasasaktan?

"Bakit Kief? Bakit kasi ang hirap mong kalimutan?" Bulong ko sa sarili ko habang umiiyak.

After a minute, I decided na maghilamos na at lumabas dahul baka sugurin pa nila ako pag di pa ako lumabas dito.

Pagbalik ko sa table, lahat sila nakatingin lanft sakin.

"Guys, baka naman matunaw ako nyan?" Natatawang sabi ko.

"Besh, anong nangyari sa mata mo? Bakit ang pula pula?" Nagtatakang tanong ni Ella.

Oh,shit! Di ko napansin yun ah. Isip ng palusot Ly, bilis!

"A-ah eh, eh kasi naghilamos ako sa washroom. Nalagyan ng sabon, nahilam ako." Pagpapalusot ko.

Mukhang effective naman sa kanila pero si Den nakatingin lang talaga sakin at parang nakakakita ako ng kakaibang aura sa mga mata nya.

Parang ang lungkot ng mga mata nya na parang may pagkaguilty ito.

Hi Guys! You can give your comments about my story :) salamat sa mga nagvo-vote at sa nagbabasa :* Lalo akong naiinspired magsulat dahil parami kayo ng parami. Love youu Guys :*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon