Chapter 23

1.8K 41 0
                                    

"Si Ly?! Kasama nyo sya?! Kabadong tanong ko sa kanila.

Ang tagal bago sila sumagot. Lahat sila nakatingin lang sakin.

"Ma?! Ano? Kasama nyo ba si Ly?!" Paguulit ko.

Huli na nang makita kong nagpipigil si Thirdy ng tawa.

"Kuya, pag nami-miss mo si Ate Ly agad?! Uyyyyyy, di pa sya nakaka-move on." Pang-aasar ni Thirdy sabay tawa nang malakas.

"Ferdinand Ravena III!!" Sigaw ko sa kanya.

Tinawanan lang nila akong apat, pati sa Papa nakikisali sa trip ng kapatid ko.

"Sige. Tawa pa! Ayoko na, babalik na ako ng US." Sabi ko at akmang papasok na ulit sa airport.

"Manong naman. Joke lang yun, si Manang yung tinutukoy ni Kuya na kasama namin sa van." Pagpapaliwanag ni Dani.

Nakakainis naman! Kabadong kabado pa ako, di naman pala si Ly yung kasama nila. Hopia alert ako dun ah.

"Sa susunod anak, wag masyadong pahalata ah. Nahuhuli ka sa sarili mong salita eh." Natatawang bulong ni Mommy sakin.

Napa-buntong hininga na lang ako sa kalokohan ng pamilya ko.

"Tara na nga! Bago pa magka-aminan ng nami-miss dito sa airport." Aya ni Papa na natatawa pa.

"Pa!" Saway ko kay Papa.

Sabay sabay nila akong pinagtawanan. Tama ba talaga yung idea na umuwi pa ako dito? Hahaha. Syempre, kahit lagi nila akong pinagti-tripan. Mahal ko pa din tong pamilya kong bully.

Pagdating namin sa van, nakita ko nga na si Manang lang ang kasama nila.

"Kief, anak! Totoo nga na andito ka na. Tara nga dito, nami-miss na kita." Bungad sakin ni Manang at nag-alok ng yakap.

"Kuya, ayan na yung proxy ni Ate Ly. Payakap daw oh." Natatawang sabi ni Thirdy.

Siniko ko si Thirdy at tinignan ko ng masama tsaka ako lumapit kay Manang para yakapin sya.

"Pasensya ka na anak ha, hindi kasing sarap ng yakap ni Ly yung yakap ko eh." She said between our hugs.

Napa-bitaw ako sa yakap namin and I look at her confusingly.

"Manang, pati ba naman ikaw?" Sabi ko sa kanya habang nagpapa-awa.

I can't imagine na pati si Manang dinadamay ni Thirdy sa mga kalokohan nya.

"Hahahaha. Eh namiss ka namin anak eh, wag ka mag-alala. Malay mo sa susunod si Ly na ang sasalubong sayo katulad nito." Sabi ni Manang at tinapik tapik ang balikat ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa kalokohan ng pamilya ko.

Nang makauwi kami,kumain lang kami ng dinner at nagpahinga na din kami.

Pumasok ako sa kwarto ko at namangha ako dahil halos walang nagbago sa itsura nito.

Makikita mo pa din ang mga trophies,medals at awards na nakuha ko and my first pair of Jordan shoes ay nandito pa din sa isang shelf dito sa room ko.

As I started to reminisce everything, I saw a familiar frame placed beside my bed. It was a picture of us, me and Alyssa.

Kinuha ko yung frame at habang tinitignan ko yun di ko mapigilang mapa-ngiti.

"Ang saya na'tin noon,Ly." Bulong ko sa sarili ko.

Pero biglang napawi ang mga ngiti ko nang maalala ko na nakaraan na lang ang meron samin ni Ly.

Binaba ko yung frame sa bedside table ko at humiga ako sa kama.
Nagmuni-muni ako for a while, walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang nakaraan namin ni Ly.

Kung paano pinag-planuhan ng barkada namin kaming dalawa ni Ly, yung mga tulong nila sa tuwing isu-surprise ko si Ly at yung pangaasar nila samin sa tuwing namumula si Ly kapag sinabihan ko ng sweet words.

"Besh, I'm here na at Manila. Na-move kasi flight ko eh, andito ako sa bahay namin ngayon. When do you want to talk?" I asked Den thru text message.

Denden's POV

We were in Ly's unit when I recieved a text from Kiefer.

From: Besh Kiefer

"Besh, I'm here na at Manila. Na-move kasi flight ko eh, andito ako sa bahay namin ngayon. When do you want to talk?"

Mukhang napa-aga ang uwi nya ah. Ang alam ko Thursday pa sya makakarating dahil wedenesday afternoon ang flight nya.

To Kiefer:

If you are free tomorrow, we can meet at 6 o'clock after our training.

Reply ko sa kanya. Ewan ko ba, pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari eh.

From Kiefer:

"Sige besh, meet me at Vikings na lang and kain na din tayo kasi I now pagod ka bukas."

"Besh, sinong katext mo?" -Ly.

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon