Chapter 15

1.9K 43 0
                                    

The day matapos ang pagu-usap namin ay lalong naging mailap ako kay Mika.

Kung minsan nga, umaalis ako bago sya magising para hindi kami magpang-abot.

Alam ko naman na nasasaktan sya sa kinikilos ko pero sa tingin ko mas tamang ito ang mangyari kesa magkasakitan pa kami ng sobra.

It's Sunday morning and I already made my plan on how am I going to spend this day.

"Aalis ka na naman?" She asked.

"Yes. Wag mo na ako hintayin mamaya." Sagot ko at umalis na agad.

Kief, konting tiis na lang. 2 days na lang makakawala ka na sa kulungan na'to.

First, I decided to go to church. Gusto ko kasing magkaroon ng oras para sa sarili ko at kay God.

Pumasok ako ng isa sa simbahan dito at umupo ako sa harap. Lumuhod ako and I placed my hand in a praying position.

"God, I'm here in front of you asking for some guidance with everything that might happens the next days." I peacefully said.

Nang matapos akong magdasal, umupo ako at nanatiling nakatitig sa image ni Jesus Christ na nakapako sa krus.

As the minutes goes by, di ko napansin na naiyak na pala ako.

"Nami-miss ko na ang Gesu." Bulong ko at nagpakawala ng buntong hininga.

"That was heavy huh."

Nagulat ako sa nagsalita dahil ang pagkakaalam ko ako lang ang tao ngayon dito.

"Oh,God!" Gulat na sabi ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Hi, I'm Isaac Tolentino. Pilipino ka noh?" Tanong nya habang nakalahad ang kamay asking for a shake hands.

"A-ahmm. Yes, Pilipino ako. I'm Kiefer Ravena." Pagpapakilala ko din.

"Ang lalim ng buntong hininga mo ah. Parang ang laki ng problema mo, babae yan noh?" Natatawang sabi nya.

"Pano kung iniwan mo yung taong mahal mo para sa kaligtasan nya?" Tanong ko.

"I think you are brave enough. Brave enough dahil mas pinili mo na masaktan para lang mailigtas sya. Naging selfless ka, alam kong mahirap yun sa part nating mga lalaki." Seryosong sabi nya.

"So, anong dapat kong gawin? In a few days, babalik na ako ng Manila. I don't know kung gusto nya pa ba akong makita." Nakayukong sagot ko habang tumutulo ang luha ko.

"Balikan mo sya. Itama mo ang lahat bro, you're lucky enough dahil may pagkakataon ka pa. Ipaglaban mo sya hangga't kaya mo pa. Dahil wala nang mas sasakit pa sa makita mo syang masaya sa iba dahil lang sa wala kang ginawa. Mas magandang matalo dahil lumaban kesa matalo dahil lang sa natakot ka." He said while tapping my shoulder.

"Pano kung ayaw na nya?" Tanong ko.

"Kief, you will never know hangga't di mo sya tinatanong. Have some balls, bro! Kung ayaw na nya, accept it. Move on, move forward atleast you try to fix everything." He said.

"I'll try, bro." I answered.

"Don't try,Kief. Do it." He answered.

After that,nagpaalam na sya na aalis na dahil may pupuntahan pa sya pero bago sya makalabas, tinawag nya pa ako at nagsalita sya.

"Kief, mahirap kalaban ang oras. Fight for her as long as you can and as long as you have time. See you around." Last words he said then leave me.

Tumango lang ako sa sinabi nya at parang bigla na lang may nag-utos sa kamay ko na kunin ang cellphone ko at itext si Den..

"Den, my flight is at 3 o'clock on Wednesday afternoon."

Still hoping na sana magreply sya.

Denden's POV

1 message received
From:Kieffyy

"Den, my flight is at 3 o'clock on Wednesday afternoon."

I was with Ly when Kief texted me. May get together kasi kami nila Dani ngayon.

"Besh, are you okay?" Tanong ni Ly.

"Uh-uhmm, y-yes Besh. Wala pa ba sila Amy at Dani?" Tanong ko na kunwaring naiinip na.

"On the way na daw Besh. Masyado ka talagang mainipin. Just chill." She said.

I guess something will happen today, I'm just not sure about it.

I replied on Kief's message to me.

To Kief:
Just text me when you arrived here in Manila. We need to talk.

Di ko alam kung bakit ko sinabi kay Kief yun, basta ang alam ko kailangan naming mag-usap dalawa tungkol sa lahat ng nangyari.

Sana lang talaga maintindihan ako ni Ly once na nalaman nyang alam ko ang lahat, lahat ng dahilan kung bakit iniwan sya ni Kief.

Alam ko kung gaano ka-mahal ni Kief si Ly. Hindi yan gumagawa ng desisyon kung alam nyang masasaktan si Ly, kahit sya ang masaktan wag lang si Besh.

Humahanga ako sa tapang nya pagdating kay Ly, kaya nga nagawa kong itago ang sikreto nya para makatulong ako. Ayaw nyang malaman ni Ly, na nagsakripisyo sya para lang mailigtas sya.

So, bibitinin ko muna kayo :D Hahahahaha. Continue reading and voting po, pasensya na kung may mga pasakalye pa. Ayoko munang saktan kayo eh.

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon