Chapter 66

2.1K 57 6
                                    

"Besh, kamusta kayo ni Kiefer? Kailan ba ang kasalan?" Tanong saakin ni Den.

"Okay naman kami. And about wedding, it's up to him pa din. Wala pa namang paramdam about dun." Sagot ko.

Matagal na nila akong kinukulit about wedding talks. Well, actually hindi pa naman namin napaguusapan ni Kief at wala pa din namang mga palipad hangin from him.

"Ano? Ngayon pa kayo aarte? Hello! 3 years nang delayed ang lovestory nyo, magpapabebe pa ba kayong dalawa!" singit ni Ella sabay irap.

"Bakit ba kasi kayo nagmamadali? Hintay lang tayo kung kailan sya magpopropose noh." Sagot ko naman.

Beshies time namin ngayon pero about wedding ang ibini-bring up nila.

"Okay. Kung magpopropose man sya sayo, what set-up do you want?" Tanong ni Bea.

"Something that is simple but full of love. Yun lang, okay na ako." Sagot ko at ngumiti habang iniimagine ko yung mga mangyayari.

"It's nice. Sana nga magpropose na sya sayo, para wala nang atrasan pa. Baka kasi bigla na lang syang magsawa sayo eh dahil pabebe ka!" Sabi ni Ella at tumawa ng malakas.

Binatukan sya ni Den dahil hindi maganda yung sinabi nya. Paano nga kung magsawa na sya saakin? Kakayanin ko ba? Kaya ko ba ulit? Well, I guess hindi.

--

Simula pa kahapon hindi pa ako tinetext ni Kiefer hanggang ngayong umaga. Ano na bang nangyari dun?

"Thirds, kasama mo ba manong mo?" Tanong ko kay Thirdy thru phone.

"Nako, ate Ly. Wala sya dito,hindi ba nagpunta dyan? Maagang umalis, nakaporma pa nga eh. Akala namin may morning date kayo." Sabi saakin ni Thirdy.

Morning date? Wala ngang paramdam saakin, morning date pa kaya.

"Ah. Sige Thirds, salamat." Paalam ko sa kanya at inend ko na ang call.

After ko tawagan si Thirdy ay tinext ko naman si Kiefer.

To: Babe🐷💙

"Babe, saan ka ngayon?"

After almost 20 mins. ay nagreply din sya.

From: Babe🐷💙

"I'm on a meeting, Ly. Later na lang tayo usap." Reply nya.

Nalungkot ako. Not because ang tagal nya bago nakapagreply, kundi "Ly" na lang ang tawag nya saakin and he don't even care to say "Good Morning" to me.

"Okay. Text me when you're not busy anymore." Last text ko sa kanya and I never bother him again.

Lumipas ang umaga hanggang umabot na lang nang maghapon ay wala pa ding paramdam si Kiefer saakin.

Tutal, mukhang wala naman na ata syang balak magparamdam o dalawin man lang ako sa condo ko ay napagpasyahan kong magpunta ng mall. Habang nasa mall ako ay nakasalubong ko na lang bigla si Jia at Miguel.

"Oh ate Ly, what are you doing here?" Tanong ni Jia.

"Huh? Bakit bawal na ba ako dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nakita namin si Kuya Kief dun sa coffee shop nakaupo, bumili kasi kami ng frappe. Sabi nya magkasama kayo, nasa restroom ka lang daw." Kwento ni Jia.

"Hindi naman kami magkasama eh. Wala kaming usapan ngayon." Sagot ko.

"Eh sino yung sinasabi ni Manong? Babe, ate Ly tara puntahan natin baka nandun pa." Pag-aaya ni Jia kaya tumango na lang ako at sumunod.

Habang palapit kami ng palapit sa coffee shop na sinasabi nila Jia ay lalong bumibigat ang mga paa ko sa paghakbang. May kakaiba akong nararamdaman, sana hindi totoo.

And now, we're here na in front of the coffee shop.

"Kiefer please. Sana hindi tama ang iniisip ko. Please." Bulong ko sa sarili ko before entering the coffee shop.

Hi guys! Kamusta po kayo? Continue reading and voting po :) Thank you sa walang sawang pagvote kahit minsan nakakaboring yung chapter :D I really appreciate your votes and comments po :* Thank you again! Leave your comments.

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon