Chapter 60

2K 66 14
                                    

Naglakad lakad ako sa mga benches habang dahang dahang umuugoy ang mga dahon at sanga ng mga puno. Kumakapit sa balat ko yung lamig ng simoy ng hangin dito.

I stopped in the place where I and Alyssa were sitting that night. Umupo ako at sumandal doon, pumikit din ako habang dinadama ko yung malamig na hangin.

Masakit. Pero hindi dahil sa labi ko na dumudugo, pero yung puso ko na bugbog na dahil sa sobrang pagka-miss ko kay Ly.

Hindi ko namalayan na umaagos na naman ang mga luha ko. Idinilat ko ang mata ko at yumuko, pinupunasan ko ang mga luha ko na tumutulo nang bigla na lang..

"Hi."

Napatingin ako dun sa babaeng umupo sa tabi ko at nag-hi saakin and my tears started falling so hard again. It was Alyssa.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya nakatingin sa malayo. Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko, kung nananaginip lang ako sana hindi na lang ako magising.

"Remember you told me before na hindi ka na pupunta dito dahil malungkot ka. Kasi sabi mo you replace your memory here with the happy ones, and that's with me." She said without looking at me.

Lalo akong naiyak, narealize ko na hindi nga talaga ako nananaginip. Yung babaeng hinahanap ko at pinaglaanan ko ng oras sa loob ng 1 1/2 buwan nandito sa tabi ko at kinakausap ako.

"Nung bumalik ka, akala ko okay lang. Okay kasi ang sabi ko naka-move on na ako sayo, okay lang kasi masaya naman na tayo pareho. Nakuntento ako sa "okay." Hindi ko na pinansin ang napakaraming "bakit?" Bakit mo ba ako iniwan? Bakit ka ba bumalik? Bakit mas pinili mo yung babaeng walang ibang ginawa kundi saktan ka noon? Pero alam mo ba kung ano ang paulit ulit na tanong sa utak ko? Yun yung, "Bakit kahit sinaktan ako ni Kiefer, mahal na mahal ko pa din sya?" Until now, wala akong maisagot dyan." She said habang tumutulo ang mga luha nya.

"Alam mo ba kung ano yung narealize ko while I'm away? Yun yung hindi ko naman talaga mahahanap yung happiness na gusto ko kung malayo ako sayo. You take everything away from me, you're my light,you're my dark, you're my happiness, you're my sadness. In short, Kief you are my everything, you're the missing piece that will totally complete me." Pagpapa-tuloy nya.

Every word na sinasabi nya ay natutumbasan ko ng luha. Hindi ko alam ang sasabihin ko, all I want is to hear her voice saying those words.

"Masyado akong naging selfish, Kief. Masyado kong inisip ang sarili ko, natakot ako. Natatakot akong marinig yung totoo, natatakot akong malaman na baka iiwan mo ako ulit. Pagod na akong masaktan nang walang basehan, pagod na akong umiyak sa hindi ko naman alam na dahilan. Gusto ko nang tapusin lahat ng sakit na meron ako dito sa loob ko." Sabi nya habang umiiyak.

Punong puno ng emosyon ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Akala ko din noon Ly okay na ako. Sabi ko noon when I left you na okay lang mag-suffer ako basta safe ka. Nahirapan din ako Ly, yung every time na gigising ako parang pinapatay ako knowing na wala ka na sakin. I have my second thoughts in going back here, ayokong makita mo ako na nagkakaganito. I need to sacrifice para mai-save kita at yung sarili ko sa mas mahirap na sitwasyon." Sagot ko sa kanya while crying.

"I have my courage now, Kief. I'm ready to lend my ears to you, tell me the truth behind everything so that I can understand." She said.

Kinuwento ko lahat kay Ly ang mga nangyari, simula sa mga threats na narerecieve nya until Mika and I met and I decided to agree with what we talked about.

Kung kanina, ako yung umiiyak ng sobra. It's vice versa, si Ly iyak ng iyak while I'm telling her the story. I hate seeing her cry, especially when it comes to me.


Hi guys! So another chappy for all of you :* sorry kung ngayon lang ako nakapag-update ✌ busy kasi and wish me luck please, we're joining in a contest later eh. :* continue voting and reading :) leave your comments :*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon