Chapter 59

1.8K 63 2
                                    

Another week pass by, wala pa ring Alyssa na nagpapakita saamin. Isang buwan, isang buwan na ang nakakalipas at puro paghahanap lang ang ginawa ko.

"Negative. Wala si Alyssa dun, pero meron nga daw nag-check in na Alyssa din." Sabi ko kay kila Den habang nakaupo sa couch.

"Di ka pa ba napapagod? It's been a month, andaming clue na pinapadala saatin but then, wala naman si Ly dun. Baka ito yung sign Kief, sign na hindi na talaga magpapakita si Ly." Sagot ni Den.

Kakabalik ko lang galing Ilocos dahil may nakapagsabi saamin na nandun si Alyssa. Pinuntahan ko kaagad dahil nagbabaka-sakali ako na makikita ko na sya.

"You already know my answer, Den. Hangga't kaya ko, maghahanap ako. Not unless na sya na mismo ang lumapit saakin at sabihing tumigil na ako." Sabi ko.

Ayokong sumuko dahil mahal ko sya, ayokong mawalan ng pag-asa kahit sila nawawalan na. Ayokong isipin na hindi na sya magpapakita kasi hindi ko kaya.

--

"Ano Kief? Wala pa din bang update kay Ly?" Tanong saakin ni Von.

Magkasama kami ngayon dito sa bar dahil tinutulungan din nila ako sa paghahanap. Nag-unwind lang kami for a while.

"Wala pa, Paps. Pero baka bukas may clue ulit." Sagot ko.

"Ganun mo talaga sya kamahal noh? Kung ibang lalaki yun, malamang sa alamang sinukuan na yung babae. Pero ikaw iba ka, ibang iba." Sabi ni Von habang umiinom ng alak sa baso nya.

"Iba naman talaga yang si Kiefer eh! Dakilang tanga yan, nagpapaka-baliw sa isang babae lang!" Sabi ni Kevin Ferrer.

Nagpantig ang pandinig ko sa sinabi ni Kevin, alam kong lasing na sya pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Anong sabi mo?! Hoy Kevin, pinapa-alala ko sayo! Hindi babae LANG si Alyssa! Hindi sya katulad ng mga babae mo na kung saan saan mo lang nakukuha!" Sagot ko habang nakakuyom ang kamao ko.

"Oh talaga ba, Kief? Atleast ako hindi katulad mo, bakit tingin mo mahal ka ni Alyssa? Gago bro! Kung mahal ka nun, matagal nang nagpakita sayo yun. Eh mukhang pinagtataguan ka na eh! Sinukuan ka na din nun, gago ka kasi! Nakakaawa ka!" Natatawang sabi pa nya.

Hindi na talaga ako nakapag-pigil kaya sinapak ko sya that causes him na mapahiga sa floor.

"Tarantado ka pala eh noh! Wala kang alam saming dalawa, kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan! Alam mo hindi na ako nagtataka kung bakit iniwan ka ni Mystica noon! Kasi walang babae ang gustong magtagal sa ugali mo! Walang makatagal sayo!" Sigaw ko sa kanya habang sya nakasalampak pa din sa floor ng bar.

Tumayo sya at bigla naman akong sinapak. Napahawak ako sa labi ko na tinamaan nya, ako naman ang tumatawa sa kanya ngayon.

"Ano Kev? Masakit pa din? Di mo pa din ba tanggap? Oh c'mon! Oo tanga ako, pero sating dalawa ikaw ang mas kawawa. Trying to date anyone para lang mapagtakpan yung ginawa sa kanya ng ex nya? How pathetic you are. Nakakaawa ka bro." Sagot ko sa kanya then give him a death glare with a smirk.

Susugurin nya pa dapat ako kaso hinarang na sya nung bouncer at pilit syang pinapakalma. Lumabas na ako ng bar dahil hindi ko na kayang pigilan yung sakit.

"Paps, okay ka lang? Gusto mo ba ipag-drive na lang kita?" Tanong ni Von.

"Okay lang ako, Paps. I can still manage, di pa naman ako lasing." Sagot ko kay Von at nagpaalam na din.

Habang umaandar yung kotse ko, naguunahan naman sa pagpatak ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Hanggang sa napatigil ako sa isang pamilyar na lugar saakin. Park. Yung park kung saan ko dinala si Ly. Sabi ko noon, sa susunod na pagpunta ko dito, hindi na ako iiyak o malulungkot pero wala eh. I'll end up like this pa din.




Hi guys! Whoaaa! End is near na talaga T.T Continue reading and voting :) comments are allowed po :* See you until the end :*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon