Chapter 55

1.8K 54 0
                                    

Nagstay pa ako ng isang araw sa Batanes bago ako umuwi ng Batangas. Patuloy pa din naman sa pagtetext at pagtawag sila Den at Kiefer saakin pero ni isa dun ay wala akong sinagot.

Sinalubong ako nila mama pagdating ko sa gate namin sa Batanggas.

"Ineng, mabuti naman at nakauwi ka dito." Sabi saakin ni mama at saka ako niyakap ng sobrang higpit.

Sa ilang araw na pagmumukmok at pagiyak ko sa Batanes, ngayon ko lang narealize na namiss ko pala ng sobra ang family ko kaya di ko na napigilang umiyak.

"Oh, bakit ka umiiyak Ineng?" Tanong ni Papa saakin.

"Masaya lang ako, Pa. Namiss ko ang Batangas lalo na kayo." Sagot ko naman.

"Nako, anak. Namiss ka din ng Batangas lalo na din kami." Sabi nya at niyakap din ako.

I feel safe. After couple of days na puro pain ang naramdaman ko, parang ngayon naibalik ako where I really belong and it was with my family. Ang sarap sa feeling kapag nararamdaman mong nandyan lang sa paligid ang mga kamay ng magulang mo na anytime sasaluhin ka once you fall. Nakakabawas ng sakit. Hayst.

"Ma, Pa, Ineng. Dito nyo na ituloy sa loob ang usapan nyo dyan." Sabi saamin ni Kuya Nicko kaya pumasok na kami at doon nagusap ulit.

"Kamusta ka naman sa Manila, anak?" Tanong ni mama.

"Okay lang naman po, Ma. Mejo busy dahil sa work pero kaya naman." Sagot ko at ngumiti sa kanila.

Ngayon lang ulit ako nakangiti ng ganito, yun bang parang walang nangyari dahil feel na feel ko yung security at yung comfort na kailangan ko the last couple of days.

"Nako, anak lagi mong tatandaan ang mga paalala namin sayo ng mama mo. Wag ka masyado magpaka-pagod, wag mong pagurin ang sarili mo sa trabaho at kumain ka lagi sa tamang oras." Pag-aalala ni Papa.

"Opo, pa. Di ko naman nakakalimutan yun eh." Sagot ko.

Madami pa kaming pinagusapan hanggang abutin na kami ng gabi dahil sa kakakwento nila mama tungkol sa mga pinsan ko. I really missed a lot about them.

"Mga anak, Ruel. Halina kayo, kakain na." Narinig kong tawag saamin ni mama.

"Eto na po, ma." Sagot ko at pumunta na din kami sa mesa.

Habang kumakain kami ay patuloy pa rin ang mga kwento nila saakin which is naeenjoy ko naman. Hanggang sa lumalim na ng lumalim ang usapan at napunta saakin ang topic nila.

"Anak, balita ko bumalik na si Kiefer ah." Biglang sabi saakin ni mama.

Napahinto ako sa pagkain ng marinig ko ang pangalan ni Kiefer. Nagflashback lahat saakin yung ginawa nya pati na din ang ginawa nila Den saakin. Masakit.

"Oo nga daw po." Matipid kong sagot at pilit ngumiti sa kanila.

Opo, bumalik sya at sinaktan na naman nya ako katulad nung ginawa nya nung umalis sya-Utak

Pinag-usapan pa nila ulit si Kief pero hindi na lang ako nakikisali. Sumasagot lang ako everytime na tatanungin nila ako about him, ayokong malaman at makita nila yung nararamdaman ako at yung nangyari kaya mas mabuting tahimik na lang ako.

Hello guys! Short update muna today😥 Hell week kasi in my school eh😢 pero I'll make bawi naman :) Thankyou!😘 continue reading and voting po :*

Peace✌ and Love💙

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon