When You Say... "I DO" <3 oChapter 1

1K 9 0
                                    

CHAPTER 1:

“PARTY,PARTY!” sigaw ni JM (short for Jose Marie) habang hawak-hawak ang isang bote ng San Miguel. Kasama ni JM ang dalawa pa niyang mga kabarkada na sina Archie at Buern sa isang bar sa QC. They are celebrating JM’s 28th Birthday.

“Hay naku Girl…lagot ka na naman sa Daddy mo mamaya pag-uwi mo. Alam mo naman na nagprepare sila ng party  para sa’yo tapos di mo na naman sinupot.” Saad ni Archie na may hawak pang yosi.

“As usual. Lagi naman siyang absent sa sarili niyang birthday.” Si Buern naman sabay subo ng mani.

“Pwede ba. Ayokong pumunta dun. Araw-araw akong nagpapanggap na lalaki at bruskong anak ni Jose Marie Viceral Senior. Gusto ko kahit sa araw man lang ng birthday ko…maging totoo ako sa sarili ko noh. Wag na lang natin pag-usapan yan dahil nakakabad vibes eh. Sayaw na lang tayo!” sabay tayo at pumunta na nga silang tatlo sa gitna ng dance floor.

Masayang-masaya si JM sa pagsasayaw. Hindi  naman siya yung tipong nagdadamit babae at make-up ng sobra-sobra. Kaya di rin masyadong obvious na bakla siya plus the fact na gwapo naman talaga siya.  Ilang minuto din silang todo sa pagsasayaw nang may nakitang isang gwapong lalaki si Buern.

“Marie tignan moa ng paparating… gwapo…” ani Buern. Kapag gumigimik sila Marie ang tinatawag nila kay JM.

“Oo nga…sige iwan niyo na muna ako. Baka mahiya pa yan.” Kinikilig naman si JM.

Nung lumapit na ang gwapong lalaki…

        “Hi” bati  ni JM sa malambing na boses.

Ngunit nabigla si JM sa tanong niya “Di ba ikaw ang anak ni President Viceral of JMV Company? Bakla ka ba?”

Biglang binago ni JM ang kanyang sayaw at tindig. Pati ang kanyang boses na malalim na which is his natural tone “Ha?  Hindi ah. Do I know you pare?”

“No. I’m Drake. I was invited in your party at your house earlier. Your Dad invited me. I was hoping that  I would meet  you there but wala ka so umalis na lang ako. Pwede ba kitang makausap?”

“No. I’m here to enjoy myself. I don’t want to talk about business.” Pag-iwas ni JM sabay alis.

JM’s POV:

Hay kinabahan ako dun ah. Muntik na. Tsk! Gwapo sana pero I donn’t want to take a risk. Baka kapag nakipagjam pa ako dun, mapansin pa niya ang secret ko. Patay ako sa Tatay ko! Hmmm… lilipat na lang siguro ako ng ibang bar. Asan na kaya ang dalawa kong bestfriends…

Dahil hindi mahanap  ni JM sina Buern at Archie, he decided to sit down for a while  to call his friends.

“Hello? Asan na ba kayo Buern?”

“Umuwi na kami!”

“Ano?! Bakit kayo umuwi?”

“Heler! Sabi mo kayang iwan ka na namin. Hinatid ko na si Archie sa bahay niya. Pauwi na ako. Baba ko na kasi I’m still driving. Bye!” sabay baba ng phone.

“Teka….” Tinignan na lang ni JM ang kanyang phone. Napansin naman niya na tingin ng tingin sa kanya si Drake sa isang sulok kaya nagdesisyon siyang lumabass na lang ng bar at umuwi.

JM’s POV (while driving on his way condo):

28 years of existence… Di ko pa rin kayang maging tapat sa aking pamilya. Paano ba naman kung magtatapat akong bakla baka mamatay pa ang Daddy at Mommy  ko pati si Lolo baka atakihin pa sa puso! Bakit  ba naman kasi tatlo lang ang anak ni Lolo eh! Tapos si Daddy lang ang lalaki at ako lang ang nag-iisang anak na magdadala sa family name na VICERAL… ang hirap! Simula pagkabata naramdaman ko na ganito talaga ako… at alam kong napansin na nila yun pero pilit pa rin nilang binabago. Gaya na lang noong 4 years old ako na gusto kong maglaro ng manika pero dinala nila ako sa isang toy store na puro panlalaki ang laruan yung robot at baril-barilan. Naalala ko pa noon wala nga akong napili pero pagdating namin sa bahay, si Lolo pinuno ng laruang panlalaki ang kwarto ko! Tapos kahit nung highschool ako, nirereto na ako ng mga magulang ko sa iba’t-ibang babae. Pagkacollege ko naman, ayaw  nilang nagbabarkada ako kina Buern at Archie baka daw mahawa ako sa kabaklaan nila. Ang hindi alam nina  Mommy at Daddy sa akin pa sila natuto kung paano maging bakla.

Kahit na nahihirapan nakakaya pa rin ni JM na ngumiti sa pag-alala sa kanyang sitwasyon. Isa sa mga kahinaan ni JM ay ang pagiging tamad niya at pagiging easy-go-lucky. Matalino naman siya at naging comlaude pa nga siya sa business course niya sa College. Proud na proud ang kanyang buong pamilya sa mga achievements niya pero pagkatapos niyang mag-graduate, he decided to take his masters in the U.S. para na rin makaiwas sa kanyang ama. Nanatili din siya doon ng ilang taon ngunit hindi pa rin siya ganun kalaya kasi lagging binibisita siya dun ng kanyang mga magulang. Tanging sina Buern at Archie lamang ang nakakaalam na bakla siya. Ang galing naman kasi niyang mag-arteng lalaki. Mga isang buwan pa lamang siyang nakabalik at kahit na may condo na siya, sa kanilang bahay pa rin siya pinapauwi. Dumadaan lang siya sa condo niya kung magbibihis siya. Halimbawa ngayon, kailangan niya ng magbihis na panlalaki talaga tsaka siya uuwi sa bahay ng kanyang mga magulang.

WHEN YOU SAY... &quot;I DO&quot; &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon