Chapter 15

224 5 3
                                        

When You Say… “I DO” <3 Chapter 15-january 10 2014

“JM… sorry na talaga. May nagging emergency lang kasi eh… ‘wag ka ng magalit sa akin.” Patuloy pa rin sa pagkatok si Karylle sa pinto ng kanyang silid. “I thought the interview will be 2pm…but na-move. Sige na.”

Hindi pa rin sumasagot si JM na sobra ang sama ng loob.

JM’s POV:

First time kong magluto ng pagkain na galing talaga sa bulsa ko ang pera pero hindi ka pa dumating. May pa-emergency ka pa… ano ng aba ‘yung sabi niyang emergency? Interview?!

Biglang binuksan ni JM ang pinto at pagbukas niya ay kamao ni Karylle ang tumama sa noo niya.

“Aray!”

“Ay sorry JM.”

“Bakit ang taas ata ng katok mo?! Tsaka ang lakas!” nakahawak sa kanyang noo.

“Para marinig mo talaga…direct sa tenga mo…” hindi maiwasan ni Karylle na matawa.

“Tumatawa ka pa… what do you mean by the interview?”

“ahmmm…nag-apply ako ng trabaho…halika na kain na tayo. Aside sa sweldo mo, may dapat tayong i-celebrate.” Sabi ni Karylle habang naglalakad sila ni JM papunta sa mesa.

“BUNTIS KA?!” biglang hila ni JM kay Karylle para iharap ito.

“Hinid noh! Pwede ba!” waksi ni Karylle sa mga kamay ni JM na nasa sa mga balikat niya. “Natanggap na ako.”

“Really? Congrats ha.” Niyakap naman niya si Karylle.

“Sige na. Happy ka na for me. Let’s eat. I’m really hungry na.”

Masayang natapos ang dinner nilang dalawa. Napuno ng tawanan at kwentuhan habang sila ay kumakain.

“Tao po… Ma’am Ana…” si Mang Isko ang caretaker ng bahay ni Karylle.

“May tao ata sa labas.” Si JM na unang nakarinig. Agad naman na tumayo si Karylle.

Binuksan ni Karylle ang pinto. “Manong Isko? Ano pong kailangan ninyo?”

“Ah, Ma’am Ana gusto ko lang po sanang imbitahan kayo sa bahay. Fiesta kasi sa baryo naming at may konting handa naman.” Medyo nahihiya pang imbita ni Mang Isko kay Karylle.

“Masaya po sana kaya lang…” panimulang tanggi ni Karylle ng biglang magsalita si JM na nasa likod niya.

“Fiesta? Hindi pa ako nakakapunta sa ganyan…punta tayo Karylle…” pilit naman ni JM.

“Pero tapos na tayong kumain…” bulong niya kay JM.

“pambawi mo na sa pagiging late mo…sige na please.”

“Sige na nga… Manong Isko okay lang ba kung maghintay kayo sandali?”

        “Oo naman po Ma’am.”

Nagbihis sandali sina JM at Karylle at umalis na sila papunta sa baryo ni Mang Isko.

“Bakit ba tayo naglalakad ulit? Sakit na ng paa ko.” Bulong ni JM kay Karylle habang naglalakad.

“Ano ba JM 30 minutes na tayong naglalakad hindi mo ba napansin ang liit ng daan syempre hindi makakapasok ang sasakyan. Sarap mong sipain. Sino ba ang gustong pumunta ha? Nangulit ka pa sa akin.” Bulong din ni Karylle.

“Sorry na nga. Hay naku mukhang kakain ako ulit ng marami pagdating dun dahil sa pagod.” Bulong ni JM. “Manong Isko malapit na po ba tayo? Kasi gusto ko pa pong maglakad ng mas malayo eh… mga 3x pa…” hindi na rin natiis ni JM na magtanong. Natawa naman si Karylle sa tanong ni JM para lang hindi maoffend si Manong Isko.

WHEN YOU SAY... &quot;I DO&quot; &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon