Chapter 13

151 3 0
                                    

Chapter 13

“Hmmmm…bakit na naman ba?” sabay buka ng mga mata ni JM na ginigising ngayon ni Karylle.

“Gumising ka na nga. Magluluto ako. Kailangan mong manood para matuto ka naman.” Yugyog pa rin ng yugyog si Karylle sa balikat ni JM.

“Sige,sige,sige.” Sa pagkakarinig ay biglang umupo agad si JM.

“Dapat maaga kang gumigising para marami kang magawa sa araw mo. Huwag mong aksayahin sa pagtulog ang oras mo.” Habang nagsasalita ay naghahanda naman si Karylle ng mga kakailanganin sa pagluluto si Karylle.

For the first time, hindi nagtalo ang dalawa. Buong araw na nagturo si Karylle kay JM ng mga gawaing bahay at buong araw naman na nanunuod at tumulong si JM kay Karylle. Mula sa pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, at paglilinis ng bahay. Nang matapos na ay nagpicnic sila sa beach.

“Ang saya naman.” Sabay paghiga ni JM sa banig at nagsubo ng grapes.

“saya ng ano?” si Karylle na naka-indian sit na nakaharap sa dagat.

“Ewan ko…basta masaya ako…siguro dahil marami akong natutunan ngayon. Tapos may bago akong nakilalang bagong tao na hindi ko kailangang magpanggap… ang sarap sa pakiramdam na may katuwang ka kaya hindi ko naramdaman ang pagod ko ngayon kahit mas marami akong ginawa ngayon kesa kahapon.” Masayang-masaya na pagshare ni JM. “For the first time in my whole life I felt so proud of myself… for the first time. I don’t even know which part but I am proud of myself today.” Nag-indian sit na rin siya at tinignan si Karylle.

“Maybe because it’s the first time you lived on your own… without any support from your family and friends. Kahit emotional support wala kang nakuha.” Natawa naman si Karylle at tinignan si JM. Nang magkatitigan sila ay si JM ang unang umiwas at tumingin sa dagat.

“I have a wealthy family and maswerte ako na ako ang nag-iisang anak at nag-iisang lalaki in my generation. I’m a good performer in school…one of the best I may say…before I met you I thought those are the things that I could be proud of but now I realized, mas nakakaproud na may nagagawa ako galling sa sarili kong sikap. I always dependent from my parents ni hindi ko kayang umamin na bakla ako dahil natatakot akong hindi nila matanggap, baka atakihin pa ang ama ko sa puso, mawawalan ako ng mana, at wala akong pera.” Naiiyak na si JM habang nagsasalita.

“It’s so funny. Ikaw ayaw mong kumawala sa mga magulang mo while me… I always wanted to go on my own.” Si Karylle na nakaharap na rin sa dagat.

“Maybe if I have the same determination and courage of what you have…sana hindi ko na kinailangang magpanggap.”

“Hindi mo rin ‘yan magagawa…” hinarap niya na si JM at hinintay na humarap ito sa kanya. “dahil alam ko at nararamdaman ko…ayaw mong masaktan ang pamilya mo.”

“Siguro nga.” Si JM na nakaharap na kay Karylle. “Ikaw? What’s your story?”

“As far as I can remember, I am not obliged to talk to you.” At kumain na rin ng grapes si Karylle.

“Unfair! Sige na…” pangungulit ni JM.

“Baka gusto mong halikan kita ulit para lang tumahimik ka? Daldal mo.” At nagtawanan na silang dalawa pareho.

“Wow,aga gumising ha…” nagulat naman si Karylle pagbaba niya papuntang banyo ay nakahanda na ang mesa at  nakaligo na rin si JM na nakatapis pa ng tuwalya.

“Nagluto na ako bago maligo, baka kasi amoy pagkain ako pagpasok ko sa office.” Si JM na pinaplantsa ang kanyang pantalon.

“Masarap ha…not bad for a first timer.” Habang nginunguya ang corned beef na luto ni JM.

“Because I have the best teacher.”

“bola…sige magbolahan tayo…if I’m the best teacher, you’re a fast learner student.”

“Hahahahahaha… anyway, ano bang gagawin mo ngayon?”

“Pass my application letter then take care of my Lola. She said she’s fine but I think ayaw lang niyang mag-alala ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita ko siyang nanghihina but she’s already old so I’m really worried about her health.”

“At least may malambot na puso ka rin pala.”

“Ngayon mo lang nalaman? Sa tingin mo kung wala akong awa at konsensya, andito ka kaya sa bahay ko? Hmp…makaligo na nga lang.” sabay pasok sa banyo.

Karylle’s POV:

Infairness, hindi ako nagsisisi na tinulungan ko ang kumag na ‘yun. Fast learner talaga siya at hindi talaga nasayang pagtuturo ko. Mas nauna pa siyang gumising sa akin at pumasok sa trabaho. Ako naman ngayon…hmmm…I’ll just submit my application letter and go to Lola. Then sa susunod na mga araw… I’ll look for a condo.

“Lola, I’m back.” Sabay mano at beso sa Donya na nasa hardin at nakawheelchair.

“Oh I thought maghahanap ka ng matitirhan mo?” gulat na gulat naman ang Donya.

“Well, I decided na bisitahin ka at alagaan ka and tomorrow na ako maghahanap ng condo.”

“Can I give you a suggestion Hija? Kahapon I scanned some condo and I found one that is the best and secured. Pwede bang doon ka na lang para naman mapanatag ako.” Pakiusap ng Donya.

“Lola talaga…sige na nga. Anyway,bakit po ba kayo andito and nasaan si Eesha?”

“I really hate to be in this wheelchair Ana but gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Si Eesha kakaakyat lang niya sa taas may kinuha lang.”

“Samahan ko na lang kayo dito. Tapos let’s watch some movies later.”

“Good idea. I’m really glad you’re here Ana.”

“JM, wait.” Tawag ni Drake kay JM na nagmamadaling lumabas sa office.

“Yes?” Huminto naman siya sa paglalakad.

“You’re suggestions during the meeting were good. Bakit bigla ka yatang nagbago for just a weekend.”

“Wala lang. May mga narealize lang ako sa buhay ko.” Nangiti naman si JM.

“Oo nga pala, where are you staying now?”

“Ha? Ahhh… sa kaibigan ko.”

“I thought…Okay. It’s good to see you in a different aura..”

“Pasensya na Drake but I have to go nah. I still have to drive. Bye.”

“Sige---” Hindi na naituloy ni Drake ang pamamaalam dahil umalis na nga si JM.

JM’s POV:

Grabe ba talaga ang pagbabago ko? Hmmmm…. Napansin pa niya talaga. Pakipot na lang muna ako ngayon. I have to go home early 4pm na.1 hour drive pa kung hindi traffic and I need to cook para may makain na si Ms.Girlfriend. Ang bait niya talaga at gusto ko sanang magluto sa kanya ng masarap pero wala pa akong pera. Next time na lang siguro. For now I really need to go home.

Sa pagmamadali ni JM ay hindi niya napansin na nilampasan niya ang kanyang Daddy at Mommy sa lobby.

“There is something new about that Kid.” Ani ng Mommy ni JM.

“Yeah…and I hope its good news.” Kahit hindi pinapakita ni President Viceral ay nag-aalala pa rin siya sa kanyang anak.

-----END OF CHAPTER 13----

(Pasensya na kung parang waley ang chapter na 'to... EXPIRED pa rin kasi ako eh... ='(

WHEN YOU SAY... "I DO" <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon