Chapter 14

166 4 1
                                    

When You Say… “I DO” <3 Chapter 14-january 7 2014

Lumipas ang mga araw na wala ng gulo na namagitan kina JM at Karylle bagamat ganun ay nanatili pa rin na  tahimik Si Karylle sa kanyang buhay hindi tulad ni JM na nasabi na lahat.

“Alam mo Karylle parang wala na ata akong maitatago sa’yo.” Si JM na nakaupo sa gilid ng kama ni Karylle at si Karylle ay nakasandal sa baba ng kama na nagbabasa.

“As far as I remember wala akong sinabi sa’yo na magkwento ka.” Patuloy pa rin sa pagbabasa.

“Suplada mo talaga…hmmm…aalis na nga ako you’re so cold pa rin to me.” Napahinto naman si Karylle ng maalala kung anong araw na.

“Oo nga pala Thursday nga pala ngayon. Bukas sweldo mo di ba?” Nakatingin na kay JM.

“Yeah. Umuwi ka agad bukas ha.” Nakangiting mukha ni JM.

“Bakit naman?” bumalik naman sa pagbabasa si Karylle.

“Basta.”

“I’ll try. Let’s just see.” Nagbabasa pa rin ng libro.

“Sige. Labas na ako. Masyado ka kasing busy eh.hmp.” sabay kiss sa pisngi ni Karylle. “sweet dreams.” At lumabas na ng silid si JM at si Karylle ay napapangiti na lang. Nasanay na kasi silang ganun.

Karylle’s POV:

Si JM talaga parang bata ang hilig maglambing. Ano na naman kaya ang kailangan nun bukas. May interview pa naman ako bukas ng hapon. Siguradong gabi na ako makakauwi. Bahala na nga.

JM’s POV:

I’m really excited for tomorrow. Sweldo na and gusto ko talagang ipagluto si Karylle ng maraming masarap na pagkain. Hindi niya alam na nag-aaral na akong magluto maliban sa mga tinuturo niya. Lagi ko ngang pinapanood sa youtube. Magugulat talaga siya.

GOODNIGHT ^_^ 

          “Arlene, when is Ms. Ana Karylle Tatlonghari’s interview schedule again?” Nagmamadaling nagpunta si Drake sa mesa ng kanyang secretary ng makita ang application ni Karylle.

          “This afternoon po 2pm.” Ang secretary ni Drake na nakatakda ng umalis next week.

“Can you contact her and schedule it at 5pm after my meeting with Mr.Reyes. I would like to personally interview her.”

“Okay Sir.”

Pumasok na sa kanyang office si Drake at naupo.

Drake’s POV:

I can’t believe this. Is this destiny? No… she’s JM’s girlfriend…pero bakit dito pa siya nag-apply? Hmmm…nakakalito talaga but I’m excited to see her again. Tanungin ko kaya si JM tungkol dito…

Lumabas ulit si Drake  and checked JM’s office which is empty.

“Arlene what is Mr.Viceral’s schedule for today?”

“Sir sa labas po naglunch break si Mr.Viceral. and he asked me to inform you that he will go home early.”

“Okay. Thanks.”

Drake’s POV:

Kung maagang uuwi si JM ibig sabihin hindi talaga siya nakatira kay Karylle dahil kung magkasama talaga sila, syempre they will go home together. Well, if I’m her boyfriend, that’s what I’m gonna do.

“My god! 8pm na asan na kaya siya. Hindi man lang sinasagot mga text at tawag ko.” Inip na inip naman si JM dahil apat na oras na siyang naghihintay kay Karylle. “Ano ba ‘to…mapapanis na yata ang pagkain namin hindi pa siya dumarating.” Umupo na lamang si JM at tinataboy ang mga langaw sa mesa.

“Goodafternoon po Sir.” Bati ni Karylle sa Vice President ng JMV Electronics.

“Goodafternoon Ms.Tatlonghari. Maupo ka.” Nakangiti naman na bati ni Drake.

Professional interview talaga ang nangyari kay Karylle lalo na at hindi naalala ni Karylle si Drake. Masayang-masaya naman ang pakiramdam ni Drake.

“Well, Ms. Tatlonghari I should say you have a very impressive records and experience. At sa interview naman, excellent. So you don’t have to wait for the news… you are hired.”

“Talaga Sir? Thank you po.” Masayang-masaya naman si Karylle.

“Let’s go outside and I will introduce you formally to my current secretary.” At lumabas na nga sila ng office ni Drake.

“Arlene, meet my newly hired secretary Ms. Ana Karylle Tatlonghari. Ms.Tatlonghari, this is Arlene Calibo my secretary. She will train you for one week and she will leave after that.”

“Hi. Ms.Tatlonghari” With a super friendly smile na bati ni Arlene.

“Karylle na lang po.”

        “Ako din, Arlene na lang.”Ngumiti na lang si Karylle at napansin niya ang oras…oh my god 7pm na!

        “Sir, Arlene I have to go now. Someone’s waiting for me at home.”

        “Sige Ms.Tatlonghari. Just be here on Monday 8am. Don’t be late on your first day.”

        “Okay Sir. Goodbye.” Paalam ni Karylle at nagmamadali pa siyang umalis.

Karylle’s POV:

That guy Mr. Sandoval is really familiar to me… di ko nga lang maalala…Anyway may mas Malaki akong problema. Naku patay ako ngayon kay JM. Traffic pa naman. Sana hindi siya magalit sa akin. Hmmmm…bibili na lang ako ng cake para peace offering ko…

“Bakit ngayon ka lang?! I told you to be home early!” sigaw agad ni JM ang bumungad pagkapasok na pagkapasok ni Karylle sa bahay niya.

“Sorry but----” pagsisimula ni Karylle ngunit di niya na naituloy ng nagsalita ulit si JM.

“AHH! I HATE YOU! EWAN KO SA’YO!” sabay akyat sa kwarto at malakas na isinara ang pinto ng kwarto ni Karylle.

“Sandali! Kwarto ko ‘yan…” hirit pa ni Karylle.

-----END OF CHAPTER 14---

Alam ko na sasabihin niyo…bitin ano…mas mabibitin kayo sa balita ko…heheheh…uuwi kami ng Mindanao…3 days akong di makakagamit ng laptop…heheheh…focus muna kayo sa school ^_^ Hope you like this chapter

WHEN YOU SAY... &quot;I DO&quot; &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon