Chapter 3
“Saan ka na naman ba nanggaling JM?” Pagpasok pa lang ni JM sa loob ng bahay nila ay tanong ng ama na agad ang sumalubong sa kanya.
“It’s my birthday so I went out to celebrate. What’s the problem with that Dad?” ani JM sa mababang boses.
“Hindi ka na naman pumunta sa birthday party mo! Ano bang problema mo? Matalino ka naman pero ang tamad mo.Hanggang aral ka na lang ba ha Jose Marie? Maswerte ka nga dahil nakahanda na para sa’yo ang lahat. Pera at kumpanya na sa iyo na pero hindi mo pinapahalagahan ang mga bagay sa harap mo! Tapos nakikipagkaibigan ka pa sa mga barkada mong bakla! Bakla ka ba?” dilat na dilat ang mga mata ni President Jose Marie Sr.
“Dad huwag ka ngang sumigaw! Baka magising pa si Mommy. Anyway,hanggang ngayon ba isyu pa rin kung bakla ako? Dahil ba wala akong pinapakilala na babae at mga barkada ko mga bakla…bakla na rin ako? My God!” sabay hubad ni JM ng jacket niya . Sinadya pa talaga ni JM na hubarin ang jacket niya para makita ni President ang kanyang mga muscles since nakasando lang siya.
“Ewan ko sa’yo! Ang sakit na talaga ng ulo ko sa’yo. Hindi na naming alam kung anong gagawin naming sa’yo.” ‘Yun na lamang ang nasabi ni President Viceral at umalis na papunta sa master’s bedroom. Habang si JM naman ay naiwang nakaupo sa sala.
JM’s POV:
Hay naku mas masarap talaga ang buhay estudyante. Ayoko talagang magtrabaho sa company. Sana magkaboyfriend naman ako na kaya akong buhayin. Gusto ko sanang nasa bahay lang at mag-aalaga sa aming mga anak. Kahit hindi ako marunong ng mga trabaho sa bahay, pag-aaralan ko talaga lalo na ang pagluluto. Mabuti pa matulog na lang ako.
Umagang-umaga pa lang maganda na ang gising ni Karylle. Pupunta kasi siya ngayon sa JMV electronics para mag-apply. Gustong-gusto ni Karylle ang tumayo sa kanyang mga paa. Gusto niya kasi kapag nagkapamilya na siya, magiging responsible siya. Mapatrabaho sa bahay o hanapbuhay, gagawin niya. Kaya naman ngayon nagluluto siya para sa lola niya. Practice na rin niya in the future.
“Ang bango naman niyan. Anong niluluto mo Ana?” umaamoy pa ang Donya sa pagkain.
“Lola bakit nagpunta pa kayo dito sa kusina? Hintayin niyo na lang ako sa mesa. Scrambled egg po nilulutto ko…yung special para lang sayo.”
“Ang sweet mo talaga. Sige I’ll wait for you in the table.”
“Ma’am Ana kami nap o ang maghahanda niyan sa mesa.” Ani Chita ang working student nila na nasa Kolehiyo na rin.
“Sige Chita maraming salamat. Maliligo lang ako sandali.”
Habang naglalakad si Karylle papunta sa mesa kung saan naghihintay si Donya Maria, hindi maiwasan ni Donya Maria na mag-isip.
Donya Maria’s POV:
Ang bilis ng panahon. Binatang-binata na si Ana ko (sabay ngiti). Kilanman hindi ako nahirapan na tanggapin ang pagkatao niya dahil sobra ko siyang mahal. Hindi man niya sinasabi, alam kong hanggang ngayon nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon niya. Alam kong nahihiya pa rin siya sa akin dahil kailanman hindi siya nagshare tungkol sa lovelife niya. Doon ako nalulungkot dahil parang may isang malaking pader sa gitna naming at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at nararamdaman niya. Isang matatag na tao si Ana. Lagi kong nararamdaman na gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at ‘yun ang kinatatakutan ko. Hindi ko makakayang iwan niya ako.
Nalungkot naman ang Donya sa kanyang naisip.
“Lola bakit ang lungkot niyo po? Pangit po ba ang luto ko?”
“Hindi naman Hija. Ang sarap nga eh.”
“Lola, may sasabihin sana ako sa inyo.” Habang paupo si Karylle upuan para kumain.
“Remove your cap first before anything else. Nasa mesa tayo.”
“Ay sorry po.” Tinanggal naman ni Karylle. “Lola, can you still remember before I left for the states? When I asked you to let me move out from the mansion once I finish my studies?”
Bago sumagot huminto muna ang Donya and she took a deep breath. “Yeah, I can still remember it. But I changed my mind.”
“Wha—what?!” di maiwasan ni Karylle na sumigaw at tumayo dahil excited pa naman siyang magsimula ng mag-isa.
“I realized that I have been so loose and soft with you. I’ve never been demanding towards you before but from now on everything will change---”
“Lola please! Ayoko na lagi akong nakasandal sa’yo habambuhay. Tumatanda ka na dapat di ka na nag-iisip ng problema lalo na sa akin---”
“Sit down Ana Karylle!” sigaw ng Donya. Nabigla naman si Karylle dahil kailanman hindi siya sinigawan ng ganun ng Lola niya at nakikita niyang seryoso at galit ang Donya dahil tinawag talaga siya sa buo niyang pangalan. Kaya napaupo siya.
“You are right. I am not getting younger. I will let you move out but there will be bargains in my advantage. First, I will pay your expenses…everything while you are living outside my house.”
“Pero Lo---”
“Second,I will still give you your allowance every week and you can’t say NO!” napasigaw pa ang Donya sa huling salita dahil akmang magsasalita na naman sana si Karylle. “Third,you will be trained in the advertisement company, in the airlines, resorts mangament, and in the ranch. In short you will be trained in dealing all aspects of what I have. Fourth, you have to get married before you turned into 27…”
“But Lola you know---”
“I don’t care if you’re getting married to a girl or man!”
“Lola this is too much!” Sigaw ni Karylle at tumayo na siya para umalis.
“No, it’s not the end of it yet Ana Karylle.” Napahinto naman si Karylle sa paglalakad. Tumayo ang Donya at kinuha ang cap ni Karylle, at naglakad patungo kay Karylle. Nang nasa harap na siya ni Karylle ay nilagay niya sa ulo ni Karylle ang cap sabay sabing, “For the last condition… you have to give me a child with your own blood.” Nagsimula na maglakad ang Donya paakyat sa hagdanan.
Hindi agad nakagalaw si Karylle sa narinig niya. “What if I won’t do it?” Kahit naiiyak na si Karylle ay pinigilan pa rin niya ang luha at hindi pumiyok.
Tumigil naman ang Donya sa paglakad at nagsalita ng hindi tumitingin sa kanyang pinakamamahal na Apo. “Then forget about ME! I told you I’m not going to be soft on you this time. Take it or leave it my dear.” At tuluyan ng naglakad palayo ang Donya.
Sa halip na mag-apply si Karylle ay umalis siya at nagpunta sa isang lugar kung saan siya lang ang nakakaalam… sa kanyang paraiso.
END OF CHAPTER 3

BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
FanfictionTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...