Chapter 2

265 2 3
                                    

Chapter 2:

Dahan-dahan na naglalakad si Karylle sa madilim na daan ng kanilang sala para di makagising ng sinuman na nasa bahay ngunit na bigla siya ng buglang bumukas ang ilaw ng buong bahay at nakaupo ang isang matandang babae sa sofa.

“Saan ka na naman nanggaling ha Ana Karylle?” Galit na nagtitimpi na tanong ni Donya Maria Tatlonghari sa kanyang nag-iisang apo.

“Lola goodevening po. Bakit gising pa po kayo? 11pm nap o.” sweet na bati naman ni Karylle sabay mano sa kanyang Lola.

“Buti naman alam mo kung anong oras na. Aba kararating mo pa nga lang kung umuwi ka para kang lalaki. Isa kang magandang dalaga Ana at nakakatakot sa labas. Nung panahon nga naming alas sais pa lang…” di na natuloy ng Donya ang kanyang sasabihin nang biglang nagsalita si Karylle.

“Lola sa panahon niyo yun. Aba ngayon ang 6pm, kagigising pa lang ng mga tao. Sige Lola akyat na po ako ha.” Sabay lakad patungo sa hagdanan.

“Ana Karylle huwag kang bastos. Hindi ka na nga sumipot sa press con kanina, umalis ka na lang ng walang paalam.”

“Lola di ba nga sabi ko sa inyo ayoko sa mga ganyan. Tapos pipilitin niyo pa akong magdress eh ayoko naman. Lola alam mo naman po na tomboy ako di ba. Ayokong mapahiya ka kaya ayokong malaman ng ibang tao ang  tungkol sa akin.” Sagot ni Karylle.

“Hija no matter what I am very proud of you kaya nga gusto ko ng ipakilala ang aking tagapagmana. Hindi ako bumabata Ana. Tapos andyan pa ang kompanya…” napahinto sa pagsasalita ang Donya ng naglakad pabalik si Karylle at lumuhod sa harap ng kanyang Lola. “Dahil mahal na mahal kop o kayo…I have decided to work for the advertisement company okay. Kaya wag na po kayong mag-alala sa akin. And please sa ngayon po yan lang po muna magagawa ko. I’m not yet ready for all of your business. Lalo na sa airlines. Goodnight Lola. I love you po.” Sabay halik sa pisngi.

Pagdating ni Karylle sa kanyang kwarto humiga siya agad.

Karylle’s POV:

Si Lola talaga grabe ang pagmamahal niya sa akin. Sanggol pa lang ako siya na ang nag-alaga sa akin. Ang sabi ni Lola sa Amerika ako ipinanganak at ilang araw pagkatapos akong ipinanganak iniwan na kami ni Mommy. Walang ibang anak si Lola maliban kay Daddy kaya umuwi si Daddy noon. Hindi daw nakaya ni Daddy kaya nalulong siya sa sugal at paglalasing. Isang araw nagmamaneho si Daddy ng lasing at naaksidente siya causing his death. Wala akong maalala sa mga magulang ko puro kwento lang ni Lola tapos pictures ni Daddy. Hindi rin daw nakita ni Lola si Mommy kahit sa picture at tanging pangalan lang niya ang alam ni Lola. Anarylle Lagdameo daw pangalan ni Mommy. Hindi mahirap para kay Lola na punan ang mga pangangailangan ko physically simula pa noong bata ako dahil mayaman si Lola at bilib ako sa kanya dahil kahit sa pagmamahal para sa akin hindi siya nagkulang. For 25 years  inalagaan niya ako at minahal. Noong 17 years old pa ako,napansin ko na Tibo na ako. Inamin ko kay Lola ang kasarian ko noong pinipilit niyang magdebu ako. Para matigil siya, sinabi ko na lang ang totoo. Natanggap naman niya agad ako…siguro dahil wala siyang choice. Wala na kasing ibang apo eh…or siguro dahil sobra niya akong mahal. Gusto niya sana na ipakilala na ako sa publiko pero ayokong mapahiya ang Lola ko. Hindi lamang ang pagiging tibo ko ang reason pero gusto ko rin patunayan ang sarili ko na kaya ko rin maging katulad niyang successful sa business. Kaya nagdesisyon ako noon na sa U.S. mag-aral pati masters ko din ko na rin kinuha. Ngayong nagbalik na ako, desidido akong magtrabaho sa kompanya niya as well as sa ibang company para talaga marami akong experience. Bukas I’ll submit a resume sa JMV. Gusto kong subukan doon para side line lang kahit anong posisyon dun papasukin ko.

WHEN YOU SAY... "I DO" <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon