Chapter 4

190 4 0
                                        

Chapter 4

Malalim ang paghinga ni Karylle habang  pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Sa kanyang paraiso siya magmumuni. Isang beach na may bahay ang nabili ni Karylle mula sa naipon niya noong nag-aaral pa siya sa U.S. Hindi alam ng Lola niya ang tungkol dito at sa kanyang pagtatrabaho ng sideline noon bilang assistant chef sa isang restaurant sa U.S.

This is her first time to visit it. May care taker siyang binabayaran at lagi niyang nakikita ang kanyang paraiso sa pictures. Nakakatulong din sa kanya na magtambay muna sa beach pero lagi pa rin niyang naririnig ang mga kondisyon nga lola niya.

Karylle’s POV:

“I will pay your expenses… give you your allowance… you will be trained in dealing all aspects of what I have… get married before you turned into 27… you have to give me a child with your own blood…” (di na napigilan ni Karylle na tumulo ang kanyang mga luha.)

Ano baa ng nangyari kay Lola? Hindi naman siya ganito. Paano niya nagawang hingin sa akin ang mga yun?(tumayo si Karylle sabay haggis ng kanyang cap papunta sa dagat) “you can’t say NO…”

“HINDI! HINDI! HINDI! HINDI…..” hindi ko magagawang saktan ang Lola ko…

…At wala ng ibang nagawa si Karylle kundi ang umiyak ng umiyak para mailabas ang sama ng loob niya.

“Son…JM gising na anak…” ang napakabait na Mommy Rosie ni JM.

“Hey,it’s just 6 in the morning Mommy.”Sabay takip ng unan sa mukha.

“Kailangan mo nang gumising. Dalawang araw ka nang tulog ng tulog. Ni hindi ka nga kumakain eh.”

“I’m not hungry Mom…”

“Pero Anak---” Hindi na natuloy ni Mommy Rosie ang kanyang sasabihin ng dumating ang kanyang asawa at sumisigaw.

“Jose Marie tumayo ka na diyan! Ang tigas talaga ng ulo mo! Get up because you have to go to the office today!” pinipilit pang itayo ni President Viceral ang kanyang anak na nakapikit pa ang mga mata.

“why should I---”

“because today will be your first day of work! Kapag hindi ka pa tumayo diyan magkalimutan na tayo! Itatakwil kita!”

“Daddy wala naming ibang tagapagmana ng ari-arian mo…ako lang.” confident pa si JM.

“Oh don’t you dare challenge me! You have 5 cousins working in my company! Mas babae ka pa nga kung kumilos kesa sa kanila! Kung makagasta ka ng pera para kang prinsesa! Buti sana kung may dinadala kang babae wala naman! Mas masipag pa sa’yo ang mga pinsan mong babae! Naturingan ka pa naman na nag-iisang lalaki sa inyo! And you are even so confident na ikaw lang ang lalaki at tagapagmana---” namumula na si President sa inis dahil nakatabon pa rin ng unan ang ulo ni JM

“Honey tama na!” awat naman ni Mommy Rosie. “Baka ano pa mangyari sa’yo.”

“Get up you spoiled brat! You are going to work whether you like it or not!” sabay alis sa kwarto.

“Tapos na ba? Mommy ang sakit ng tenga ko…” sabay tayo at pumunta na siya sa banyo.

JM’s POV:

Ano pa nga ba ang magagawa ko?Hindi ko pa kayang tumayo with my own feet.If I will meet my prince charming….hmmmm…that is the time that I will leave here…but of course I FORGOT ONE THING… I have a responsibility for my family. Ang hirap naman nito! I have conscience. Hirap naman kapag pamilya na ang kaaway. Sana next lifetime ko na. At sana next life ko… wala na lang akong pamilya…para magagawa ko na ang gusto ko… hay naku.

Pagkatapos maligo ni JM ay nagbihis na siya ng pang-office attire with all the long sleeves, black suit and red tie. Ang gwapo nga naman ni JM kaya hindi mo talaga aakalaing bakla eh. Habang naghihintay sa kanyang trainer nakaupo lang si JM sa opisina ni President Viceral.

“Mr.President dumating na po si Mr.Sandoval.”

“Okay get him inside.”

Bumukas ang pinto at nagulat si JM dahil ang lalaking nakilala niya sa Bar noong birthday niya ang pumasok.

“Goodmorning President Viceral. Goodmorning Sir.” Bati ni Drake sa mag-ama.

“Goodmorning Mr.Sandoval. This is my son Jose Marie Viceral. JM this is Mr.Drake Sandoval our new VP here in JMV Electronics. He graduated in Australia and he has been working in the company for almost two years now. Actually I invited him in your birthday party but you didn’t appear.”

“Hi.” Natulala naman si JM dahil sobrang gwapo pala ni Drake lalo na at malinaw ang paligid at nakaformal pa ito.

“But we have met Sir the same night----”

“Aahhh…Dad may opisina ba ako? Gusto ko sanang makita…”Putol ni JM sa sasabihin ni Drake.

“Mamaya na anak.”

“Hindi. Gusto ko ngayon na.” Sabay labas ng opisina ni President Viceral.

JM’s POV:

Kinabahan ako dun ah. Muntik na. Naku hindi dapat malaman ni Daddy na pumupunta kami sa mga bar. Patay talaga ako. Hay naku buti na lang ang gwapo ni Drake.Hmmm…magpapasensya muna ako ngayon.

“Mr.Viceral” natigil ang pagmunimuni ni JM nang tawagin siya ni Drake. “As what your Father has said earlier, you will be under my supervision. I will train you and teach you anything that you need to know or whatever you want to know.” Drake saying with a friendly smile on his face.

“Ok…Thank you Drake----- I mean Mr. Sandoval.” Papalit-palit yung boses ni JM palibhasa kinikilig.

“No,you can call me Drake Pare.” Sabay hampas sa balikat ni JM.

JM’s POV:

Can I call you “mine” <3 yiiieeehhh…ang gwapo mo naman…hay naku Pare…if you only know… this guy’s in love with you Pare =)

“Para mas easy sa’yo ang pag-observe at para mas malapit kung may kailangan tayo sa isa’t-isa…I just asked to adjunct your office to mine. So magkatabi lang ang office natin tapos nasa tapat ng office mo ang table ng secretary ko.” Tinuturo na ni Drake ang tatlong office pero si JM sa mukha pa rin ni Drake nakatingin. Nagkataon naman na hindi pa nakakaget over si JM at nakatingin pa rink ay Drake …nang biglang napatingin sa kanya si Drake at nagtagpo ang kanilang mga eyeballs o_0

“Pero asan na ang secretary mo?” Mabilis naman agad na umiwas si JM.

JM’s POV: my God ang bilis ng tibok ng puso ko dun…

“ahhh… bumaba lang sandali. May pinapaphotocopy akong papers. Actually she handed me her resignation letter this morning lang din. Maghahanap na rin ako ng bagong secretary. Sige iwan na muna kita MR.Viceral. Nasa office lang ako.”

Pumasok naman si JM sa office kilig na kilig na sumisilip sa katabing office.

JM’s POV:

Hindi na rin masama. At least ngayon may inspiration na ako. Grabeh kanina kinabahan talaga ako at kinilig <3 I think my experience here will be good. Sana si Drake na ang hinahanap kong Prince Charming ^_^

-----END OF CHAPTER FOUR----

WHEN YOU SAY... &quot;I DO&quot; &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon