Chapter 10
Habang nagmamaneho ay hindi na matanggal ang ngiti sa mukha ni JM. Masaya siya ngayon na at least may matitirhan na siya.
JM’s POV:
Mga isang linggo na lang siguro. Hihintayin ko lang ang sweldo ko next week at aalis na ako. Kakapalan ko na ang face ko. Kapag naibalik ko na ang lahat sa akin, babayaran ko na lang siya sa lahat ng mga kasalanan at pangunguliut ko. Ngayon wala na akong ibang mapupuntahan. Mukha naman siyang mabait. Buti na lang at weekend na bukas, walang pasok kahit gabihin akong dumating dun sa bahay ay makakapagpahinga ako ng 2 days.
“Lola,kailangan ko munang umuwi para magbihis at maligo. Nagmadali kasi akong pumunta ditto and I forgot to bring my things. Are okay now Lola?”
“I’m okay Ana. Sige lang. Bukas ka na lang bumalik ditto para makatulog ka ng maayos. But can I ask where are you staying?”
“Ahmm…I’m staying in a hotel Lola.” Pagsisinungaling ni Ana. “Sige Lola, Chita please take care of Lola. I’ll be back tomorrow.”
Karylle’s POV:
Hindi pwedeng malaman ni Lola na bumili ako ng bahay…hindi muna. Baka sumama pa ang loob niya lalo na ngayon that I agreed to her conditions. She still want me to be dependent to her kapag nalaman niyang may bahay na ako, magtatampo yun. Parang nakakapagod ng magmaneho… hmmm… check-in na lang siguro ako sa hotel… but I have to get my things pala. Hay naku…gutom na ako but I can’t dine in dahil gagabihin na ako sa daan. Take out na nga lang.
Nang dumating si Karylle sa bahay ay kumain siya sandali at naligo. Hindi tulad ng mansion ng lola niya na bawat kwarto ay may kanya-kanyang banyo, sa bahay niya isa lang ang kwarto at isa lang ang banyo na nasa baba pa malapit sa kusina. Simple lang naman talaga ang gusto niya kaya hindi siya nahihirapan sa bahay niya. Mas masaya pa nga siya.
“Naku naman basa pa ang robe ko…hmmm…towel na nga lang muna gagamitin ko.” Bumaba na si Karylle para maligo sa banyo nang may narinig siyang kaluskus sa pinto. Mabilis niyang kumilos para kunin ang baseball bat, pinatay ang ilaw at nagtago sa likod ng pintuan.
Nang bumukas ang pintuan, hindi na nagdalawang-isip si Karylle at pinalo ng pinalo ang taong pumasok.
“Aray! Aray! Aray!”
Karylle’s POV:
That voice seems familiar… could it be…
JM’s POV:
Hay salamat nakarating na rin ako…hmmm… mukhang hindi pa nga nakauwi si Ms.Girlfriend. Tamang-tama talaga. Kahit medyo Malaya ito sa office pero okay na rin dahil malaparaiso naman ang lugar na ito. Ang ganda pa ng beach tapos tahimik pa.
Pagkatapos magtambay ni JM sa beach ng ilang minute ay pumunta na siya sa loob ng bahay. Pagbukas niya ng pinto ay bigla na lang may masakit na bagay ang tumama sa kanyang likod kaya siya napaluhod. Tapos hinampas pa siya ng dalawang beses.
“Aray! Aray! Aray!” sigaw niya dahil sobrang sakit ang naramdaman niya sa kanyang likod at braso.
Tinigil ni Karylle ang paghampas and she turned on the lights.
“Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?” sigaw ni Karylle kay JM na nakaluhod at nakayuko sa sahig.
“My gawd! Di ka man lang ba magsosorry? Ang sakit ng braso at likod ko…grabeh ka makahampas. Ang sakit.Amazona!” Hindi na makagalaw si JM sa sakit ng kanyang katawan.
“Ako pa ang magsosorry?! You’re the one who’s trespassing in MY....HOUSE!” Hindi man lang tuminag si Karylle sa pagkakatayo at galit na gali na siya. “Kung alam ko lang na ikaw ‘yan hindi na lang sana ako tumigil sa paghampas! Ang sarap mong hampasin! ” Hahampasin niya sana ulit si JM…
“’wag!please have mercy!” lalong umatras palayo si JM sa takot kay Karylle. Hindi na lang itinuloy ni Karylle ang paghampas dahil naawa siya ng maalala niyang… bakla pala kaharap niya. “Ano bang ginagawa mo dito?”
Biglang lumapit si JM kay Karylle, lumuhod sa harapan at niyakap ang mga legs ni Karylle…
“What the--- Sandali wag kang yumakap baka saan pa tumapat ang ulo mo!” Pigil ni Karylle sa ulo ni JM.
“Parang awa mo na Ms.Girlfriend! Pwede bang tumira ako ditto kahit isang linggo lang.”
“Ano?! Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Hindi ka na talaga nahiya! Ni hindi nga kita kilala!”
Nakaluhod pa rin si JM sa harap ni Karylle. “I’m JM. Ako ay nag-iisang anak na itinakwil ng aking mga magulang. Hindi ako magnanakaw, hindi ako magnanakaw. Gusto ng aking ama na magpakasal na pero ayoko kaya nakafreeze lahat ng accounts ko at hindi nila ako bibigyan ng kahit na magano kung hindi ako papaya sa kondisyon nila. Kahit magbayad ako sa rent gagawin ko pero next week pa ang sweldo ko. PLEASE MAAWA KA!” deretsong salita ni JM (imagine the way Vice talks so fast but in low voice). Hindi agad nakasagot si Karylle at nagpuppy eyes pa si JM para kaawaan.
Karylle’s POV:
Dapat ko ba itong kaawaan? Wala ng dinala sa akin ang baklang ito kundi kabwisitan ha. Pero… halos magkapareho pala kaming nagigipit between our own desires versus our families. Kaibahan nga lang itong mokong na ‘to pinalayas samantalang ako naman ayaw manatili sa puder ng Lola ko. Hay ang mundo nga naman. Tutal aalis na rin naman ako, mabuti na rin yung may tao ang bahay ko para may mag-asikaso at maglinis ditto. Mukhang hindi naman siya magnanakaw at bakla naman ito kaya wala ring mangyayari sa amin.
“O sige pero dapat maglinis ka at magluto dito sa bahay. Kung nakikita mo, isa lang ang kwarto dito at syempre ako dun. Kaya ikaw dito ka lang sa sofa. Pati mga gamit mo dito na rin dahil hindi na kasya dun sa kwarto ko.”
“Maraming salamat Ms.Girlfriend!” sa sobrang saya ay napayakap ulit si JM sa legs ni Karylle at muntik ng malaglag ang tuwalyang nakatapis sa katawan niya. “Ay, sorry.” Lumayo naman si JM at tumayo.
“Okay lang. Wala na naman kasi akong maitatago sa’yo eh. Hindi na ako mahihiya sa’yo dahil nakita mo na ang lahat ng ‘to. At alam ko naman na di mo ako pagnanasaan kung nasa matinong kaisipan ka…you know I know you’re a beki…naamoy din ako ng tulad ko…” Karylle was smiling as she was teasing JM.
Pulang-pula naman ang mukha ni JM sa hiya ng maalala ang note ni Karylle noon sa part na may nangyari sa kanila. “Pwede ba wala akong matandaan. At hindi ako bakla…tapos…tapos…teka sabi mo nakakaamoy ka ng katulad mo?”
“Yeah.It’s not that obvious but I am. Kaya nga confident akong patirahin ka dito.” At nagsimula ng maglakad palayo si Karylle.
“Teka, Ms.Girlfriend----”
“Pwede ba tigilan mo ang pagtawag sa akin niyan!” Patuloy pa rin si Karylle sa paglalakad going to the bathroom. “It’s Karylle.” At tuluyan na siyang pumasok habang si JM naman ay nakatingin lang sa pinto ngunit biglang bumukas ulit ang pinto.
“Remember…It’s Karylle…hindi…” binago ni Karylle ang kanyang mukha at tumitig sa mga mata ni JM sabay sigaw ng “I’M COMING DRAKE!” Ginaya pa niya ang sigaw ng isang taong katatapos lang mag-TOOOT. Tawa lang siya ng tawa at hindi niya na hinintay pa na magreact si JM.Isinara niya na agad ang pinto.
“SHET!Sinabi ko ba talaga ‘yun while…doing it?!”
“HAHAHAHAHAH…OH DRAKE! PUSH…PULL…YES DRAKE!” sigaw ni Karylle habang nasa loob ng bathroom.
“Ano ba lumabas ka dyan!” Katok ng katok naman si JM.
Kahit nasa loob ng banyo ay dinig pa rin ni JM ang mga tawa ni Karylle.
“Malunod ka sana sa tubig!”
JM’s POV:
Sige lang.Tumawa ka lang Tomboy ka.May araw ka rin sa akin! Damn, I can’t wait for this nightmare to end!
-----END OF CHAPTER 10-----
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
FanfictionTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...