Chapter 6
Dahil sa sama ng loob ay umalis muna si JM at nagpunta sa bar.
JM’s POV:
Paano nagawa nila ‘to nagawa sa akin? Si Daddy… kung alam lang niya kung anong sakripisyo ang ginagawa ko para sa pamilyang ‘to! Kahit sarili ko isinasakripisyo ko.
Simple lang. If you reach the age of 30 at hindi ka pa kasal, itatakwil ka ng buong angkan ng Viceral…
“DAMN!” sabay lagok ng alak ni JM. “Isa pa!” 20 shots of tequila na ang nainom ni JM pero ayaw pa rin niyang tumigil sap ag-inom. Habang naghihintay ay lumingon si JM sa kanyang paligid at may napansin siyang gwapong lalaki.
JM’s POV:
Ganun pala ah…total pinush niyo ako…and you pushed me into my limits…magrerebelde na lang ako.
Biglang lumapit si JM sa gwapong lalaki at umupo sa bakanteng silya na bakante sa tabi nung gwapong lalaki.
“I’m sorry but I’m waiting for---” nabigla din ang lalaki.
“My name’s Marie. What’s yours?” sabay himas ni JM sa balikat ng lalaki. Kahit na nakadamit lalaki si JM nakatulong ng malaki ang alak to boost his confidence.
“I think you’ve mistaken me---” sabay hawi palayo nung lalaki sa kamay ni JM.
“No--” naputol ang sasabihin ni JM ng may magsalita mula sa likuran niya.
“Is there a problem here?” tanong ng lalaki sa likod.
Pagtingin ni JM sa likod ay lalo siyang nabigla ng makita ang lalaki… si DRAKE! Parang binuhusan ng malamig na tubig si JM.
JM’s POV:
Lintik na! Ano bang problema ng lalaking ito?! Sa dami ng bar ditto pa napunta! Hindi pwedeng malaman niya ang secret ko! Baka hindi na umabot ng pagka-30 years old ko ay itatakwil na ako ng angkan ko! Shet!
“Mr.Viceral… Is there a problem here?” tanong ni Drake.
“Wala naman. Magkakilala kayo?” tumayo na rin si Vice.
“Yeah. This is my brother. Brother this is JM.”
“JM?” taking tanong ng kapatid ni Drake dahil kanina “Marie” ang pagpapakilala ni JM.
Nalito naman si JM kaya matagal siyang nakasagot ng…. “ahmmm..short for Jose Marie. Jose Marie Viceral. Ahm maiwan ko na kayo. Mali pala ang mesang napuntahan ko. Sige.” Sabay talikod ni Vice nang marinig niyang sabi ng kapatid ni Drake na…
“Bakla yun bro…”
Lumingon uli si JM sa kanila.
“Nakita ko na ang mesa naming. Nasa kabila pala umupo ang kasama ko.” Sabay turo sa isang babae na nag-iisa sa isang mesa. Mga dalawang mesa ang pagitan sa kanila.
“Can I meet her?” excited naman na pahayag ni Drake.
“Of course.” Nagsimula ng maglakad si JM papunta sa babae at sumunod naman si Drake.
Drake’s POV:
Pagpasok ko pa lamang sa bar, hindi ko na matanggal sa babaeng nakaspaghetti ang aking mga mata. Napakaganda niya kahit simple lang at walang make-up. Is this love at first sight? Well, I don’t want to waste the chance na makilala siya dahil paano kung siya na ang the one ko… Lalapit na sana ako sa kanya para magpakilalang mapansin ko ang aking kapatid na may lalaking kausap at hinimas pa ang balikat niya. Pero si JM pala yun. Wala akong pakialam kung bakla siya o ano basta ang swerte ko naman at ngayon makikilala ko na ang love at first sight ko.
Excited at sobrang saya ni Drake na ipapakilala siya ni JM sa kanyang LAFS (love at first sight) pero laking gulat niya sa sunod na nangyari nang tumayo ang babae ayipinulupot ni JM ang kanyang kaliwang braso sa bewang nung babae at binigyan siya ng smack kiss sa labi at narinig na lang niyang sabi ni JM… “This is my girlfriend.”
JM’s POV:
Bahala na kung anong mangyari. Ang mahalaga mawala ang pagdududa ng mga baklang ito. Bakit pa kasi sumunod pa si Drake eh. Alam ko ang ginagawa ng mga lalaki kapag lumalapit sila sa mga girls kasi nakikita ko sa mga movies.(Pagtayo ng girl) Sakto ah…
Hawak sa bewang…
Then kiss sa cheeks….oh not this time… sa lips na lang para mas kapanipaniwala.
Then sabay sabing…
“This is my girlfriend.”
-----End of Chapter 6----Nakakaloka ang linyang “This is my girlfriend” ^__^

BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
FanfictionTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...