Chapter 5
Donya Maria’s POV:
Alam kong darating ang panahon na gugustuhin ni Ana na umalis pero hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa kanya at gusto kong kahit wala na siya sa puder ko ay may panghahawakan pa rin ako sa kanya. Gusto ko na maging parte pa rin ako ng buhay niya so I wanted to provide her financial needs. Kailanman walang hiniling sa akin si Ana at lahat na binibigay ko sa kanya ay ginusto ko. Ang tungkol naman sa mga kayamanan ko…kapag hindi tatanggapin ni Ana ang mga kayamanan ko magiging walang silbi ang lahat. I’m very proud of her that despite of her losses, she grew up strong and responsible which made me appear weak and useless for her life dahil hindi niya na kakailanganin ang tulong ko. Ayokong ipitin siya pero kinakailangan na talaga. Hindi ko naman talaga gustong saktan siya ngunit kapakanan lang naman niya ang iniisip ko. Bawat isa naman mapatomboy, bakla, babae, lalaki, bata o matanda…hindi mabubuhay ng mag-isa.Gusto kong maging secure na may mag-aalaga sa kanya at tutulong sa kanya anuman ang mangyari lalo na kung mawawala na ako. Gusto ko rin na magkaroon siya ng anak para naman mapagpatuloy ang family business ng Tatlonghari. Sa dami ng mga kondisyon ko sa kanya… ngayon ko naisip na marami pa pala akong pagkukulang sa buhay ni Ana at napagtanto ko na tama lang ang ginawa kong desisyon.
Kahit kumbinsido ang matanda sa kanyang mga desisyon, hindi pa rin niya maiwasang malungkot dahil alam niyang mas lalong nalilito at nasasaktan ang kanyang apo sa ginawa niya. Halos isang linggo na rin mula nung umalis si Ana at hindi na bumalik. Bagamat kay dali sa Donya na kumuha ng imbestigador ay hindi niya ito ginawa dahil gusto niyang bigyan ng pagkakataon at panahon si Ana na mag-isip ng mabuti. Sa mga nakaraang araw napansin ng Donya ang madalas na sumasakit ang kanyang dibdib. At habang nagmumuni nga siya ay sumakit ang kanyang dibdib at buti na lang nadala siya agad sa ospital.
Mag-iisang linggo na rin si JM sa kanyang training pero hindi pa rin siya nagseseryoso at kahit si Drake ay nahihirapan sa kanya kasi minsan nahuhuli niya itong tulog lang sa opisina tapos kung magkasama sila… laging tulala.
“To speak frankly Sir… he is not serious with the company. Maybe this is not his field.” Kaya nasabi ni Drake ‘yun dahil feeling niya JM is gay kasi nga lagi niya itong nahuhuli na tulala kapag kinakausap niya. Tapos kahit ang attitude niya at mga actions. Drake has no problem about it if ever he is gay kaya nga he is suggesting nab aka iba talaga ang gusto ni JM.
“No! This can’t be! Wala nang ibang lalaki sa pamilya na magdadala ng apelyido naming at magmamana ng lahat na ari-arian…hindi lamang ang kompanyang itinayo ko…kundi ang lahat ng negosyo ni Papa! Nakasaad na tanging lalaking Viceral lamang ang magmamana ng ari-arian ni Papa! Dapat matuto siya sa pasikot-sikot sa mga business.”
“Pero Sir you can’t force him if he doesn’t really want it to do----”
“You have no right to talk to me like that Mr.Sandoval. Just do your job in training my son and I’ll do the rest. You can go now .”
“I’m sorry Sir. I will go now.”
Pagkalabas ni Drake agad na tinawagan ni President Viceral si Atty.Lofranco, ang family lawyer nila.
Di pa rin makapaniwala si JM sa document na kanyang binabasa ngayon.
“Daddy what is the meaning of this?!” sumigaw na si JM sa harap ng kanilang mga kamag-anak at pamilya. Andun din ang lolo at lola niya at si Atty. Lofranco.
“Simple lang. If you reach the age of 30 at hindi ka pa kasal, itatakwil ka ng buong angkan ng Viceral. Walang bahay,kotse,condo,company,kayamanan at walang kahit na katiting na pera! At wala kang makukuhang pera mula sa aming lahat. Simula ngayon dapat mo ng paghirapan ang iyong pera!”
“What?!You can’t do that to me! I’m your only heir---”
“I told you don’t challenge me! You have nor ight to waste the money that you didn’t earn! You have pushed me to my limits! Ubos na ang pasensya ko kaya ngayon! Everything is in legal document now and talking about witnesses…well say hello sa buong angkan ng Viceral! Now if you want to stay alive for another day… maghanap ka na ng matutuluyan mo at magseryoso ka sa opisina! You will be treated same as an ordinary employee!” Seryosong seryoso ang mukha ng kanyang ama. Hindi na kaya ni JM ang nangyayari kaya tumayo na lang siya at umalis sa bahay nila.
“K, buti naman at binisita mo ako.” Kausap ni Karylle ngayon si Nikki, isa sa mga malapit na kaibigan niya.
Kung si Donya Maria “ANA” ang tawag sa kanya, ang mga malalapit naman niyang mga kaibigan ay tinatawag siyang “K”. Si Nikki ay singer sa isang bar sa Laguna. Minsan kumakanta din si K dun kapag nasa mood, maganda din naman kasi ang boses niya pero hindi niya masyadong pinapakita ang talent niyang ito dahil lagging napagkakamalan siyang girl sa super girlie na singing voice niya. Minsan nakaka-offend yun para sa kanya…yung nakaboy attire siya tapos sasabihang babae siya.
“Manghihiram sana ako ng mga damit mo diyan. Wala na akong masusuot eh. Mga one week na akong lumayas na walang bitbit kundi ang sasakyan ko. Kahit wallet wala ako.” Pakiusap ni Karylle sa kaibigan.
“Ha??? Bago ito ah. Ngayon lang ata nangyari na di kayo nagkasundo ng Lola mo. Where are staying now? Paano pagkain mo?” alalang-alala na tanong ni Nikki.
“Ewan ko nga kung anong nangyari kay Lola. Okay lang naman ang tirahan ko… actually I want to be honest with you and please keep this to yourself…ahmmm bumili ako ng beach at bahay mula sa ipon ko… hindi alam ni Lola.”
“Ang galling mo naman. Ewan ko talaga sa’yo kung bakit gusto mo pang pahirapan ang sarili mo samantalang ang lahat ng kailangan mo nasa harap mo na…sobrang-sobra pa. Anyway, ang nasa akin lang diyan ay shorts at spaghetti. Okay lang ba yun sa’yo?”
“Oo naman. Sa sitwasyon ko ngayon tingin mo pipili pa ako?” sabay pacute kay Nikki.
Pagkatapos magbihis ni Karylle ay naiwan siya na nag-iisa sa table dahil kasalukuyang kumakanta si Nikki sa stage.Ibang-iba ang ayos niya sa pagkakataong yun dahil nga walang ibang damit ay naka-white shorts at blue spaghetti lang siya tapos nakalugay ang kanyang basang buhok dahil nakiligo na lang din siya. Lutang na lutang ang tunay niyang ganda. Habang tumitingin sa paligid si Karylle ay may nahagip ang kanyang paningin na biglang nagpabilis ng tibok ng puso niya at nagpakirot dito… si Karina… ang kanyang first love and girlfriend na may kasamang lalaki who is her boyfriend. Lalo siyang nataranta ng napatingin si Karina sa gawi niya at tinitigan siya pati ng boyfriend nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at bigla na lang siyang tumayo para umalis sana nang biglang may isang brasong pumulupot sa kanyang bewang at pagtingin niya sa mukha ng nagmamay-ari ng braso… laking gulat niya ng may labing papalapit sa kanyang mukha…at naramdaman na lang niyang dumampi ang mga labing ‘yun sa kanyang mga labi. Tapos mas naloka siya nang narinig na lang niyang sabi ng lalaki na… “This is my girlfriend.”
----- END OF CHAPTER 5 ------
Hay naku….anubayan…pati ako kinikilig!SHET!
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
FanfictionTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...
