Chapter 7
“This is my girlfriend.”
“Hi, I’m Drake.” Sabay abot ni Drake ng kanyang kamay kay Karylle.
Hindi alam ni Karylle kung ano ang gagawin. Nung inabot ni Drake ang kamay niya, tinignan lang niya ito. Hindi pa rin kasi siya makarecover sa kiss pero mabilis din siyang nag-isip. Nakita niya sa kanyang peripheral vision na nakatingin pa rin sa kanya si Karina. Dapat niyang ipakita na nakarecover na siya sa kanya kaya…
“Karylle.” Sabay ngiti kay Drake.
“Ahm,babe tayo na.Sakit ng ulo ko. Bye Drake.” Nakahawak pa rin si JM sa bewang ni Karylle habang naglalakad sila palabas ng bar.
Drake’s POV:
Bakit parang ang sakit sa pakiramdam? Ang buong akala ko he was gay. I thought she was one of her cousins, or friend… but I never thought she was her girlfriend.
Sobra ang lungkot na naramdaman ni Drake but life must go on. Dahil nawalan na siya ng gana ay lumabas na rin sila ng bar kasama ang kapatid niya. Kakasakay pa lamang nila sa sasakyan niya ng makita niyang akay-akay ni Karylle si JM papunta na wala ng polo at nakaboxers na lamang. Napansin niyang kalalabas lang nila mula sa sasakyan ni JM at papunta naman sa kotse ni Karylle. Selos na selos si Drake habang tinitignan ang pag-aasikaso ni Karylle kay JM.
Drake’s POV:
Ako na lang sana…
“…Bye Drake.”
Habang naglalakad sina JM at Karylle papunta sa pinto ng bar ay di maiwasang lingunin ni Karylle si Karina. Nakita naman niyang ngumiti ito sa kanya at ngumiti din siya sa kanya. Pagdating sa pinto ay agad naman na siniko ni Karylle ang tiyan ni JM.
“Ano bang iniisip mo at ginawa mo yun?! Tapos hinalikan mo pa ako and I don’t know----” napatigil si Karylle sa pagsasalita ng makita niyang nasa sahig JM. “Ano na naman bang drama ‘yan? Tumayo ka nga dyan!” Ngunit hindi pa rin gumagalaw si JM at nakapikit pa rin.
“Nalintikan na! Hay Naku! Kung wala lang akong konsensya! Nakakaasar ka na.” Nilapitan na lang ni Karylle si JM at inakay siya patayo. “Alin ditto ang sasakyan mo? Ang bigat mo!”
“hmmm…” ungol naman ni JM.
Kinapa naman ni Karylle ang bulsa ni JM at kinuha ang susi niya. Nung tumunog ang isang red jaguar na car ay dinala niya si JM sa loob. Pagbukas pa lang ni Karylle sa pinto ay biglang sumuka si JM at nabitawan ni Karylle si JM sa takot na masukaan. Bagsak si JM sa kanyang sinukaang upuan.
“Shit! Ang baho!” Inis na inis na si Karylle. Lumabas na lang muna si Karylle para mag-isip.
Karylle’s POV:
Ang sarap niyang iwan! Ang baho ng suka niya yuck! Iinom tapos hindi naman kaya. Kung wala lang talaga akong konsensya kanina pa kita iniwan. Haizt… Now I have no choice but to use my own car and dalhin ka sa bahay. Dagdag problem aka talaga!
Hinubad ni Karylle ang polo at pantalon ni JM dahil ayaw niyang mabaho ang sasakyan niya. Dinala niya ito sa passenger’s seat ng sasakyan niya at kinabitan ng seatbelt. Nang dumating sila sa bahay ni Karylle ay saka niya naalala na isang kwarto lang ang meron siya…at syempre isang kama. Dahil gentleman naman siya, si JM ang pinahiga niya sa kama at agad siyang pumunta sa kusina para kumuha ng towel at tubig na ipampupunas niya sa kanyang bisita. Habang si JM ay walang kamalay-malay at tulog na tulog.
Karylle’s POV:
Ang amo pala ng mukha mo kapag nalinisan na. Laki din siguro ng problema mo para gawin ‘yung kanina.
(Flashback ng kiss…)
Nang maalala ni Karylle ang ginawa ni JM ay agad na bumalik ang inis niya dito.
“Tutal hindi kita maaaway ngayon…maghihiganti na lang ako.” Tinabunan ni Karylle ng kumot ang katawan ni JM at hinila ang boxers ni JM. “Buti na lang natabunan na ng kumot” ^_^ At ginulo naman niya ang mga gamit na malapit sa pinto. Ang mga unan ay nilagay niya sa sahig pati ang lampshade at tinumba niya.
Karylle’s POV:
Maghahanda na lang ako ng tuwalya para kapag gising na siya… sasabihin ko na lang galling ako sa banyo…hehehhe…matataranta siguro siya…hiningi niya ‘to!
Napapangiti pa si Karylle habang naiisip ang magiging reaction ni JM kapag gising na ito. Lumabas na naman ang pagiging childish niya kasi naman ayaw niyang magpatalo. Gusto niya talagang makaganti.
Nasa sofa na lang nahiga si Karylle at nagmunimuni…
Karylle’s POV:
Kung iisipin niligtas na rin ako ni JM mula sa kahihiyan ko kay Karina kaya nga sinakyan ko na lang ang trip ng lalaking ‘yun para makalabas na ako ng bar. Grabeh ang ganda pa rin niya (flashback of Karina’s smiling face) pero napatawad na kaya niya ako sa nagawa ko noon? Dahil siya napatawad ko na…although deep inside I still love her.
Inaalala pa lang ni Karylle ang mga moments nila noon ni Karina nang biglang magring ang kanyang cellphone.
“Si Nikki. Patay di na ako nakapagpaalam sa kanya…hello Nikki?”
“Karylle, ang lola mo dinala sa ospital. Inatake sa puso.”
“Ano?!”
Mabilis na naghanda si Karylle at bago siya umalis ay sinilip niya muna si JM sa kwarto. Habang tinitignan niya ang kanyang bisita ay bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang.
------END OF CHAPTER 7------
BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
FanfikceTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...