Chapter 11
“Gising! JM gumising ka!” kahit anong gawing pagtawag ni Karylle kay JM ay ayaw pa rin nitong gumising. Umakyat naman si Karylle sa kanyang kwarto at kumuha dun ng unan. “HOY! Gumising ka! 6AM na!” Pinaghahampas ni Karylle ang ulo ni JM ng unan.
“Hmmmm…aray! Ang aga pa. Stop it! Ang sakit!” umupo naman si JM na nakasando na ngayon.
Napansin naman agad ni Karylle ang mga pasa sa kaliwang braso at pinilit niyang hubarin ang sando ni JM para makita ang likod nito. “Ano bang ginagawa mo Karylle?” Takang-taka naman ni JM.
“I’m sorry nga pala sa pagpalo ko sa’yo last night. Tuloy ang dami mong pasa.Nakalimutan ko pang mag-apply ng cold compress. Pagod na kasi ako kahapon.”
“Hindi mo naman kasalanan eh. Okay lang.” Sinuot niya na ulit ang kanyang sando.
“Nagluto na ako. Tapos na rin akong kumain. Ikaw na bahala maghugas ha, tapos maglaba ka may mga labahin doon sa kwarto ko at sa labas ka na maglaba. Pagkatapos mong maglaba, maglinis ka dito sa bahay. Tapos sa hapon don’t forget to water the plants outside.” Habang sinasabi ni Karylle ay nakanganga lang si JM.
“May sweldo ba ako?”
“Ayaw mo? Eh di umalis ka na lang.”
“Ha? No, namisinterpret mo naman ako…” sabay tayo. “Tinatanong ko lang kasi kung meron,donate ko sana sa mga taong walang matitirhan. Kain muna ako ha.” Di naman maiwasan ni Karylle ang matawa sa kanya.
“Hmmm…ang sarap naman ng luto mo…Pwedeng magtanong?”
“Hindi mo ito bahay so you don’t have the right to ask anything about me. I’ve got to go.” At umalis na siya.
JM’s POV:
Gusto ko lang naman tanungin kung bakit hindi siya kagaya ng ibang Tboom na ginagaya talaga ang itsura at action ng lalaki. Hmmmm… kahit na tboom siya, hindi pa rin siya nawawalan ng ugali ng babae. Gaya na lang ng pagiging super duper na pagkasuplada niya and strict. Gusto ko sanang makipagkaibigan sa kanya pero parang ayaw niya. Okay lang naman din sa akin dahil one week na lang naman ako dito.
Karylle’s POV:
Kapag okay na si Lola tsaka na ako lilipat at mag-aapply ng trabaho. Sana naman mabilis ang pagrecover ni Lola. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa kanya. Ngayon naman may dumagdag pa sa problema ko. Sa reaksyon niya kanina parang hindi ‘yun sanay sa gawaing pambahay. Naku kapag hindi niya talaga magawa ang pinapagawa ko sa kanya…ako mismo ang magtuturo sa kanya para matuto naman siya aba ang tanda niya na.
Pagdating sa ospital ay laking gulat ni Karylle dahil wala ng tao ang room ng kanyang lola.
“Doctor Uy where’s Lola? May nangyari po bang masama?” Alalang tanong ni Karylle ng makita niya ang Doctor sa Nurse’s station.
“Kumalma ka lang Hija. They didn’t tell you? She decided to have her treatment continued in the house. She said that the environment her in the hospital is not helping her. I’ve run some test to her and I think she’s better and I also recommend a private nurse for her to take care of her. So don’t worry.”
“Si Lola talaga. Okay Doc thanks for everything. I have to go now.” Paalam niya.
“Lola bakit di niyo sinabi sa akin na uuwi kayo?” ani ni Karylle ng makapasok na sa silid ng Donya. Nasa kama ito nakahiga at nasa tabi ng kama ang isang private nurse na nakaupo.
“Because I know hindi ka papayag. Anyway, this is Eesha. Eesha ito ang nag-iisa kong apo si Ana.”
“Goodmorning po.” Bati ng private nurse.
“Hi. Lola, how are feeling?”
“I’m okay my dear. How about you?”
“I’m fine.”
“Kailan ka maghahanap ng condo?”
“Ahmmm…I don’t know. Right now, ikaw ang priority ko Lola.” At naupo na si Karylle sa tabi ng Lola niya.
“No, no. You don’t have to worry about me. I want you to start your dream.” Sabay hawak sa kamay ni Karylle.
“But are you sure you’re okay Lola?”
“Yes.”
“Maybe I’ll start looking tomorrow. But I will be visiting you here,okay?”
“Thank you, Ana.”
“But for today, I will be stying here with you.” Sabay yakap sa Donya.
“Buern ano na ang susunod kong gagawin? Nilagyan ko na ng powder ang mga labada.” Iritang-irita na si JM habang kausap si Buern sa telepono. Wala talaga siyang ideya sa paglalaba.
“Soak mo muna yan ng mga 1 hour tapos tsaka mo kusuhin. Bakit ba kasi ikaw pa ang naglalaba eh ang dami niyong mga maids diyan.”
“Ay basta. Sige bye.” Dali-dali naman niyang binaba ang phone.
JM’s POV:
Pagod na pagod na ako. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin. Sa U.S. nga may yaya pa ako dun. Ano ba ‘to! Naku kailangan ko pang magdilig ng halaman. Ano ba ‘to 4pm na baka umuwi na si Karylle, hindi ko pa nalilinis ang bahay. Doon na lang muna ako sa flowers.
Habang nagdidilig ng halaman ay biglang nagulat si JM sa narinig.
' “What the---- JM!”sa lakas ng sigaw ni Karylle ay parang mababasag ang eardrums ni JM. Tumakbo naman si JM sa likod ng bahay.
“Bakit anong nagyari?” Hinihingal naman si JM sa pagtakbo.
“Anong ginawa mo sa mga damit ko?! Bakit mo pinagsama ang mga puti at decolor! Aaaaahhhhh!!!!” sabay bato ng palanggana kay JM.
“Ooopppsss….” Sabay ilag naman ni JM. “Oh my God! I’m sorry! I’m sorry talaga hindi ko alam na---” hingi naman ng patawad ni JM ng makita ang nangyari sa mga damit ni Karylle.
“Ginawa mo ng rainbow ang mga damit ko…hindi mo pa nalinisan ang bahay…basag ang dalawang plato ko…”habang nagsasalita ay papalapit naman ng papalapit si Karylle kay JM. Kitang-kita ang inis sa mga mata ni Karylle at takot na takot naman si JM. “anong gawaing bahay ba ang alam mo?” at nakapamaywang na siya ngayon.
“ahmmm…wa…water the plants?”sabay taas ng sprinkler.
Karylle’s POV:
Mababaliw ako sa taong ito…wala nan gang ibang ginawa sa buhay ko kundi bwisitin ako… Patience… Patience… Patience…Hindi ko pa pangarap magkaroon ng anak…pero mukhang mapapaaga ang pagiging ina ko…grrrrr…Baby Damulag na Bakla!
“Follow me.” May kasama pang deep breath ni Karylle bago naglakad papasok sa bahay.
-----END OF CHAPTER 11----

BINABASA MO ANG
WHEN YOU SAY... "I DO" <3
Fiksi PenggemarTHIS IS A VICERYLLE FAN FICTION STORY ;) "Ana Karylle Tatlonghari…tinatanggap mo ba si Jose Marie Viceral… ” Habang binibigkas ng pari ang mga salitang ito hindi maiwasan ni Karylle na kabahan at balikan ang lahat… Karylle’s POV: Paano ba ako nakar...