CHAPTER 5: Sky House

59 6 0
                                    

Chapter 5: Sky House



=Nayumi's POV=



Yeah, I admit it. Maganda dito sa Sky House kaso mukhang magiging haunted gawa nitong lalaking makakasama ko dito. Kailan kaya dadating si kuya? =____________=



"Miss Nayumi, Sir Ivan at Miss Ionna ihahatid ko na po kayo sa kanya kanya niyo pong silid." basag sa katahimikan dito sa living room. Inuna muna kasi yung mga bagahe dalahin sa silid namin.



Walang second floor itong Sky House. Malawak siyang sobra at may limang kwarto. Hiwalay pa ang mga guest room sa silid namin.



"Dun po kayo Sir Ivan." turo ng housemaid sa left side.

"Dun naman po kay Miss Ionna sa katabi pong room ni Sir." - housemaid

"Dun naman po kayo Miss Nayumi sa gitna." turo ng housemaid.

"May intercom sa bawat silid niyo. Gamitin niyo na lang po iyon kapag may kailangan pa po kayo." at saka umalis na yung housemaid.

"Ang ganda naman dito!" sabi nitong kapatid ni Ivan.



Sa gitna kasi nitong mga silid at para rin living room ay may isang set na white and black na couch at center table.

Umupo muna ako. Pumasok na si Ivan sa kwarto niya at lumapit sakin ang kapatid nito.



"Hi ate. ^__________^" nakangiti nitong bati sakin.

"Hi din. (^-^)" bati ko rin sa kanya.

"Hayaan mo na lang guy si kuya. Kala mo parang laging may dalaw talo pa ang babae. Ako nga pala si Ionna Katherine at ang full name naman ni kuya ay Ivan Kurt. Pag nagpapakilala kasi siya Ivan lang lagi ang sinasabi niya. ^___________^" ang daldal pala nitong kapatid ni Ivan buti hindi nahawa ng kasuwangitan niya.

"Mukha nga. =_________= I'm Nayumi Shannon. Just call me Yumi." pakilala ko kay Ionna.

"Okay, ate Yumi." sagot nito. At least may kasundo na ako kahit papano wag lang akong kulitin masyado.



=Ivan's POV=



Pumasok na ako dito sa room ko. Tch. -_________-

Nakakaboring naman dito. Makapaglayas muna nga. Pagkalabas ko si Ionna na nakaupo sa couch. May pinagkakabisihan ang babaeng ito. Hindi ko na lang pinansin.



"San ka pupunta kuya?" tanong nito.



Tch. Ayan na naman para na namang magulang ko yan.



"Magpapahangin lang." sagot ko. Tch. -________-

"Bumalik ka agad bago magdinner. Hindi natin pwedeng pabayaan kumain mag-isa si ate Yumi." - Ionna.

"Tch." at umalis na ako.



=Nayumi's POV=



Nang makapasok ako sa room ko ang ganda niya. May parang living room siya at kita ko sa labas si Ionna venician blinds ang nagsilbing kurtina lahat naman ng kwarto ganito siguro. Tapos may isa pang pinto at pagpasok ko rito ay ang bedroom na mismo.

All white siya. Malaking kwarto pero wala akong walk-in closet dito. Yung personal bathroom ko naman malaki rin. Yung bathtub ko ay kasing laki ng pang jacussi na tub at may malalaking kabinet para sa mga damit at ibang gamit.



"Haayyy.." humiga ako sa kama.



*phone vibrates*



Calling Kuya Nathan...



"Kuyaaaaa!~" parang bata kong sabi.

("Sorry princess kung di pa ako makauwi dyan tinatapos na namin ni kuya Lucas lahat dito e. May surprise naman ako sayo paguwi ko. - kuya Nathan.)

"Malapit ka na ba umuwi?" tanong ko.

("Malapit na princess konting hintay na lang. Mag-iingat palagi ha. I miss you. Sige na. Mahal ang bayad sa pagtawag baka mapahaba pa. sagot ni kuya.)

"You too kuya. Pakisabi rin kay kuya Lucas. Bye." at binaba ko na rin ang telepono ko.



=Ionna's POV=



"Kuya, nasan ka na ba?" tanong ko.



Sinabihan ko na kasi siya na umuwi na siya bago pa magdinner. Kawawa naman si ate Yumi. Ang ganda ganda kaya niya. Siya na ang idol ko. ^_________^



("Samahan mo na lang siyang kumain. Nandyan ka naman kaya di naman siya mag-iisa kumain. sabi ni kuya at binabaan ako ng telepono.)



Aist! Kahit kailan talaga. Pag sinumbong ko siya kay mom at dad. Lagot siya.

Gabi na rin kasi. Lumabas ako ng silid at sakto kalalabas lang din ni ate Yumi.



"Ate Yumi, tayo lang ang magkasabay kumain ngayon kasi nasa layasan pa si kuya. Pasaway talaga yun. ^_______^" sabi ko sa kanya.

"Okay lang." sagot naman nito.



Napansin ko lang. Hindi rin palatawa si ate Yumi. Bihira nga e. Atleast hindi siya kasing sungit ng kapatid ko.



"Miss Nayumi at Miss Ionna, handa na po ang hapunan. Si Sir Ivan po?" - housemaid.

"Wala si kuya kaya kami lang ang kakain." sagot ko sa housemaid.



I hope everything works. Gusto ko si ate Yumi para kay kuya.

Undying Love (REVISED EDITION)Where stories live. Discover now