Chapter 10: Strange Feeling
=Nayumi's POV=
Tumakbo ako paalis ng school at umuwi ng Sky House. Kinuha ko ang sasakyan ko at pumunta sa isang hotel at nagcheck-in. Ayoko ng umuwi sa Sky House.
Bakit ba niya ako hinalikan?! Ayoko ng ginagawa niyang laro dahil hindi nakakatuwa! Sa lahat ng ayoko, ang feelings ko ang pinaglalaruan. At aaminin ko, oo! madali akong ma-fall. Kaya ngayon pa lang umiiwas na ako. I wanted to stop all of this and return to my own world.
Mahirap makipagpatintero sa kanya kaya kung hindi ko siya mapapaatras ako na ang tatapos ng lahat ng ito. Ayokong maging kaawa-awa sa huli.
TT____________TT ----- ako.
Traydor talaga 'tong luha ko.
=Ivan's POV=
What's this feeling? Parang ang bigat ng loob ko pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Ba't mo ba kasi ginawa yun Ivan ha?! I was tempted to kiss her lips. It was very warm and soft. The feeling is like I wanted to kiss her forever.
Pero saan naman kaya siya pupunta kung baka mapano yun. Bumalik ako ng room at tinanong si Rina kung bumalik si Yumi dun.
"Hindi pa siya bumabalik." sagot ni Rina
"Ivan." tawag naman sakin ni Scarlett.
"Anong nangyari?" tanong niya pero ba't naiinis ako ngayon. Hindi ko na lang pinansin si Scarlett. I have no time for her. Si Yumi muna ang kailangan kong hanapin. Maybe I was foolish to blame her. What I did was wrong and I need to apologize to her for what I did.
*phone vibrates*
Calling Ionna...
("Hello kuya?" - Ionna)
"Dumaan ba diyan si Yumi?" tanong ko agad.
("No. Why? Did something happen between you two?" tanong naman nito.)
"Nevermind." at pinatay ko na ang tawag.
Wala akong contact number ni Yumi. Hindi ko na hingi kay Rina. Tch!! Bumalik akong room para hingin kay Rina ang number ni Yumi at agad naman nitong ibinigay.
Nakalabas na ako ng room ng lapitan ako ni Steven.
"Ano bang nangyari?" tanong nito
"Mind your own business. Tch." sagot ko sa kanya.
"Kapag may nangyari kay Yumi. Ewan ko na lang." sabi nito.
"At ba't ka ba nakikialam?" - ako.
"Dahil gusto ko siya at kung isang katulad mo lang ang magpapahamak sa kanya.. Baka kung anong magawa ko." sagot niya. Kwinelyuhan ko siya.
"She's my fiancee. So back off." sabi ko naman sa kanya.
"Fiancee mo pa lang siya. Hindi pa kayo kasal kaya hindi mo pa siya pag-aari." - Steven. Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo ng polo niya.
Umalis na ito. Pumunta na rin akong parking lot. Kinontak ko ng kinontak si Yumi at ring lang ito ng ring. Sh*t! Halos gusto ko ng gulpihin ang lalaking yun sa sinabi niya. Ba't ganito ba ako mag-react?
"Where the hell is she?!" nasabi ko habang nagmamaneho ako pabalik ng Sky House.
Nang makarating akong Sky House. Sinalubong ako ng housemaid.
"Sir, umuwi po dito si Miss Nayumi na umiiyak. Kinuha niya po ang sasakyan niya at umalis rin po agad." - housemaid
Sumakay ulit ako ng sasakyan at ulit ulit ko pa rin siyang tinatawagan.
"Nasaan ka na ba Yumi?" - ako.
YOU ARE READING
Undying Love (REVISED EDITION)
Teen FictionIvan Kurt La Pierre & Nayumi Shannon Montefalco ALL RIGHTS RESERVED 2016. Copyrights © by CHRISTALE' STORIES