Alliyah's P.O.V
"Iyah. bilisan mo dyan at marami pang nakatambak na plato dun, kailangang matapos mo lahat yan! kailangan na yan mamaya! dumadami na ang costumer ko!" sigaw ni aling luz sakin, kanina pa niya ko pinagmamadaling matapos. pano ba naman ako matatapos niyan kung maya't maya may dumadagdag sa hugasin ko? hay!
Nandito ako ngayon sa karinderia ni aling luz, dish washer kasi ako dito. nag apply ako para narin may extra income ako. Isa to sa mga part time job ko.
Pano ba naman kasi! naturingan ngang scholar ako sa Clifford Academy at wala akong binabayarang tuition fee kada sem,eh parang ganun parin kalaki ang gastos ko. Parang wala ding nabawas sa gastusin. Bwisit kasi yang mga project na yan pati mga ibang activities minsan! ang mamahal palibhasa mayayaman ang mga nag aaral dun kaya wala silang pake kung gano kamahal mga pinag sisingil nila.
Di ba nila na isip kung pano nalang yung mga gaya kong scholar na mahihirap? kaya nga nag apply ng scholarship para mabawasan ang sakit ng ulo pero wala din. andaming bayaran, kesyo pati nalang simpleng activity papers eh may bayad?
Akalain mo ba namang '1000 pesos' kada Activity! buti nalang at mga 4 o limang Activity lang ang ginagawa namin kada linggo. Pag minsan nga tuwang tuwa ako pag absent o walang pinaggagawang activity yung prof namin. Menus gastos din kasi yun.
Nababanas lang ako pag sunod sunod ung activities na ipapagawa sa school. medyo mabigat yun sa bulsa, grabe nakaka butas pa! tapos sabayan pa ng bayad sa kuryente, tubig at pagbabayad ng renta ko sa maliit na inuupahan kong bahay. hay! hirap talaga pag mag isa ka lang na nagtatrabaho eh noh? kaya nga heto ako ngayon tuloy parin sa pag hugas ng mga plato, baso, kutsara, tinidor at etc.
Tatapusin ko lang to at uuwi narin ako. tuwing sabado at linggo lang naman ako nag papartime job bilang dish washer dito kela aling luz eh. Nakakapagod. sabado ngayon, kanina pako dito, simula kasi kaninang 10 am naghuhugas nako, nag lunch din naman ako kaninang mga 11:30. siyempre libre yun kaya go, lang ng go. haha
2:30 na hanggang 3:30 lang naman ako dito. after nito uuwi nako para makapag pahinga na mayamaya.
------
3:30 na rin sa wakas sakto lang ako sa oras natapos. dadaan muna ako sa Elle's ice cream parlor, hehe.. mag te-take out ako tutal binigay din naman ni aling luz yung sahod ko kanina. kaya bibili muna ako ng foods na gusto kong kainin.
Paglabas ko dumeretso nako agad sa ice cream parlor at nagtake out ng favorite flavor kong Cookies 'n cream. Isang galon lang naman ang binili ko. Takaw ko eh noh? wahaha. Mauubos ko naman yun kahit mag isa ko lang, favorite ko yun eh
umuwi nako agad at nilantakan yung di naman kalakihang galon ng ice creeam ko. ^_^ weeh sarap haha. Gusto niyo?
6 nako natapos kumain ng ice cream, di ko pa na ubos kasi na brain freez nako haha. Tinabi ko muna yung iba sa ref at nag ayos na ng lulutuin for my dinner.
nga pala diko pa nasasabi na may kapatid pala ako haha. Si Ayesha ang nag iisa kong kapatid na babae. pareho nang wala ang parents namin namatay si mama sa car accident nung bata pa ko, may kaya naman kasi kami nun kahit papano, 14 palang ako nun nung nangyari yun, tapos 9 years old palang si yesh, grabe ang sakit na naramdaman namin nun nila papa. Parang halos minuminuto umiiyak kami. At dahil din dun sa pagkawala ni mama, di rin nakayanan ni papa ang sakit, agad siyang sumuko.
Matapos mawala ni mama 2 years lang ang nakalipas eh, sa kasamaang palad nawala rin si papa. Mag mula kasi nung nawala si mama eh halos araw araw ng naglalasing at nag wawala si papa. Although di niya kami sinasaktan ni yesh physically tuwing nag lalasing siya, eh nasasaktan naman kami emotionally! msakit para samin na nakikita si papa na umiiyak habang nag iinom, at habang isinisigaw pa niya ang pangalan noon ni mama. Di kalaunan dahil sa bisyo niyang yun nag kasakit siya sa atay 'Liver Cirrhosis' daw yun. Isang sakit na nakukuha kapag mahilig kang mag inom.
BINABASA MO ANG
Campus Prince Meets the scholar girl [ON-HOLD]
Teen FictionPapano kaya mag kakagusto si Prince Nathan Clifford na almost perfect guy sa isang tulad ni Alliyah Ramirez na tanging scholar girl lang sa campus nila? kung sakaling mahulog man ang loob sakanya ni Alliyah, mamahalin niya kaya ito? o paaasahin lang...