Chapter 2- Me and Yesh

1K 68 9
                                    

Vote and Comment and be my follower!

-------------------------------------------------------------

Nakarating narin kami ni yesh sa bahay, si Lindsey ay dumeretso na rin ng uwi para daw makapag pahinga na siya. Medyo pagod na rin daw kasi siya, kaya di na dumaan dito.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, eh dumeretso na agad si Yesh sa kwarto niya. 2 rooms naman kasi itong bahay na nirentahan namin medyo maliit nga lang talaga, isang C.R lang ang meron, wala itong taas at deretso ang sala sa kusina. May harang nga lang na parang sea shell curtains, bale yun yung nag didivide sa sala at kitchen namin.

Bigla kong naalala, kailangan ko pa palang pagsabihan yung babae na yun, kaya siguro tumakbo agad yun dun sa room niya at nag lock, kasi alam niyang may kasalanan siya sakin!

Humanda siya pano ba naman kasi kanina may nagawa akong katangahan dahil sakanya T.T

>>---FLASHBACK--<<


Nang matapos na ang misa eh agad na kaming lumabas nila Lindsey at Yesh. uuwi na sana kami ng mapansin kong wala yung kapatid ko sa tabi ko. Naglalakad na kasi kami palabas nitong simbahan. Madami pa namanng tao, kaya hanap ako ng hanap kung saan saan. Si Lindsey pinauna ko na halata kasing pagod eh, kaya ayun umalis na din siya.

Kanina pako lingon ng lingon sa paligid, medyo umo-onti na rin yung mga tao kasi nakalabas na sila.

Puloy parin ako sa pag hahanap at sa paglingon lingon ko sa paligid hanggang sa may napansin akong parang familiar na mukha, medyo malayo kasi ako dun sa babae.

Teka. kilala ko nga tong babaeng ito. nandun lang pala yung kapatid kong magaling e kung san san pako pinaghanap! bwisit!

Lalapitan kona sana kaya lang nakita kong may tinititigan siya sa bandang kanan niya. Kanina pa siya nakatulala dun at nag i-ismile ah. Sinilip ko yung tinitignan niya.

Yung lalaki nanaman sa simbahan? Ano bang meron dun? nakita ko namang parang napansin na nung guy na kanina pa siya tinititigan ng magaling kong kapatid kaya naman, napaharap siya dun kay yesh at saka nag smile, umalis na din agad pagtapos. Yung kapatid ko kulang nalang lumuwa yung mata nung nagsmile back yung cute guy. Hay buhay parang life! kebata bata gumaganyan na.

Nilapitan ko na siya at kinaladkad pauwi haha. Ang adik sobrang tulala.

Nung nakasakay na kami ng jeep eh kinausap ko siya.

"Hoy babae ka! sino yun huh?! bakit mo tinititigan yung lalaking yun kanina?" asar na sabi ko sa kanya.

"................................" wow talaga namang iniinis ako ng babaeng to. Ang ayos ko naman nag tanong tapos di sasagot? amfufu!

"Hoy! pag kinakausap ka sumagot ka" napalakas na sabi ko, kaya naman medyo nag tinginan na mga tao sa loob ng jeep samin. tsk! tsk!

"........................................." fowtek talaga to. Iniwan na nga ko kanina, tapos pinaghanap pa, tapos ngayon No response sa mga tanong ko. Naiinis nako humanda talaga to mamaya.

Di nalang ako umimik, pumara nako sa jeep at bumaba. Di ko na lang muna siya pinansin para di na muna ko maasar, mamaya ko na bubuhos yung bwisit ko sa bahay haha.

Paglingon ko sa likod ko paalis na yung jeep pero di ko napansin na bumaba si yesh kaya naman tinignan ko, ayun umaandar na yung jeep at pinag hahabol ko walangya anlayo na. Takbo parin ako ng takbo. Nagsisisigaw na rin ako. Kaya naman pinag titinginan nako ng mga tao.

" Wait manong. Yung kapatid ko! HOY MANONG YUNG KAPATID KO IBABA MO!" sigaw ko habang hinihingal parin sa pag takbo. Natigilan lang ako ng may marinig akong boses galing dun sa binabaan ko kanina. Naka alis na ng tuluyan yung jeep. Sasakay na sana ako sa jeep na paparating ng makita ko yung babaeng nag tatakbo papalapit sakin.. at ang amfufu naman! sheykis yan!

Kapatid ko to ah! akala ko naiwan sa jeep yun? panong napunta dun? Papalapit na siya sakin at ng makalapit na siya ng tuluyan, agad siyang nag tanong!

"Ate anong ginagawa mo? bakit mo hinahabol yung jeep? may naiwan kaba?" takang taka niyang tanong, halos masabunutan ko na siya dito. Kanina pako habol ng habol dun sa jeep tapos nag sisigaw pako. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao kanina eh, NAKAKAHIYA TALAGA! kala ko naiwan siya dun sa jeep! yun pala nakatayo lang siya dun sa may bandang gilid sa tabi ng puno kanina kaya di ko napansin! Amfufu yan!

"IKAW TALAGA BABAE KA HUMANDA KA MAMAYA SAKIN! NAPAHIYA AKO DUN! UMUWI KA NA AT SA BAHAY KITA SESERMONAN NG BONGGANG BONGGA!" sigaw ko sa kanya. Kaya naman ayun nagtatakbo na rin siya pauwi.

>>>>>>-------END OF FLASHBACK------

Ayun grabe lang ang kahihiyan ko nun. haist! pinuntahan ko na si Yesh sa kwarto niya kaya lang nakalock! arghh! BONGGANG BONGGANG BWISIT ang nararamdaman ko. Fowtek! nakulo na yung dugo ko oh!

--------

KINAUMAGAHAN

Kahit masama ang araw ko kahapon pinilit ko paring maging good mood ngayon. Monday na kaya pasukan na maaga ako gumising 4:30 palang, di na nga ako na kapasok kahapon sa karinderia nila aling luz wala tuloy ako sahod. Pagod kasi eh tsk!

Kaya naman nag ready nako ng almusal namin ni Yesh. Napag sabihan ko na rin siya kagabi nung natapos kami mag dinner. Kaya naman pala di umiimik nung kinausap ko siya kahapon sa jeep eh tulala naman pala daw at di maka get over sa pag smile back sakanya ng guy na yun.

Napag alaman ko rin na yun pala yung ultimate crush niya sa room nila. Classmate niya pala yun. Open kasi kami masyado sa is't isa eh kaya alam ko lahat ng tungkol sa kanya nag sasabihan kasi kami. Di ko nga lang alam ang iutsura ng mga kinukwento niya kaya di ko nakilala yung lalaki. Si Clarence Niel Alvarez. Yun yung name ng ultimate crush ng magaling kong kapatid. Hinahayaan ko lang para di siya magalit sakin. Crush lang naman yun eh at pinangangaralan ko naman siya palagi na study first, before anything. Um-oo naman siya palagi eh, kaya todo support nalang ako sa lahat ng gusto niya masunurin naman yan, mabait pag minsan XD at laging mataas ang nakukuhang marka sa paaralan.

Pagtapos kong i-ready yung almusal namin ginising ko na siya, dahil pareho lang naman kami na 6am ang pasok eh, pareho din kami ng school ng kapatid ko at pareho din kaming scholar. Matalino eh maganda rin yan at maputi, siyempre mana sa ate haha. joke! siyempre sa magulang namin kami nag mana.

Pagtapos naming mag ayos. Agad na kaming pumasok sa school. Sana maging ayos ang araw ko, sana wala ng mga kontra bruhildang gumulo sa masayang araw ko, pano ba naman kasi sa tuwing pumapasok ako eh lagi ako pinagtitripan ng mga babae dito, kumukulo daw mga dugo nila sakin kasi daw halos lahat ng lalaki sa 4th year collage pati ibang year eh,kilala ako at kaclose ko daw. Kaya ginagawa nilang miserable ang buhay ko tuwing nasa school ako.

May times panga na sobra na ang pambubully na ginawa nila. Binuhusan ako ng gellatin pagbukas ko ng pinto ng room namin, kaya ayun umuwi akong basa at malagkit. Buti nalang talaga at magkaklase kami ni Lindsey kaya siya lagi tumutulong sakin.

Argh! sana talaga walang maging panira sa araw ko. Kahit ngayon lang. sana. Sana talaga.

-------------------------------------------------------------

votes and comments please ☺

Campus Prince Meets the scholar girl [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon