Chapter 16- Iyah's P.O.V

483 52 2
                                    

Hello Am_Jam!! Thanks sa pag vo-vote dito lagi. I appreciate it. I dedicate this chapter to you!! Enjoy reading everyone!!

-----------


Iyah's P.O.V

Pagkatapos nyang sabihin yun dun sa babae na chelzie daw pangalan eh, dumeretso na kami ng parking lot at inihatid nya ko pauwi. Nag sorry sya dun sa nangyari um-ok nalang ako.

Sa totoo lang naku-curious talaga ako, gusto kong malaman kung sino talaga yung babae na yun.

Naalala ko bigla yung last na sinabi ni Ethan bago nya tinalikuran yung babae at saka ako hinigit at umalis.

"Sabi ko layuan mo nako! at itong babae na minamata-mata mo lang dyan ay ang pinakamamahal ko lang naman na 'Girlfriend!"

itong babae na minamata-mata mo lang dyan ay ang pinakamamahal ko lang naman na 'Girlfriend!

'Girlfriend'

ang sarap pakinggan ah? pero nakakapagtaka bakit nya yun sinabi sa harap nung girl? hindi kaya yun yung tinutukoy nyang babae? yung sa deal? di ba kaya nga kami nagpapanggpap kasi may iniiwasan na syang babae?

hayst! tama na nga kanina pako nag iisip dito. nandito nga pala ako sa kwarto ko nag mumuni muni.

malalim na ang gabi pero gising pa rin ako. hmmn? si Yesh kaya gising pa? masilip nga. la naman magawa eh.

lumabas ako ng kwarto ko. patay na lahat ng ilaw, binukas ko lang yung sa sala tas nagdiretso nako sa kwarto ni Yesh. dahan dahan kong binuksan ang pinto ni yesh.

tinignan ko kung tulog na ba. baka kasi magising ko eh. pero mali ako, kasi gising pa rin sya hanggang ngayon.

napansin nya siguro ang presensya ko kaya napatingin sya sakin sa may likuran nya.

nakatalikod kasi sya sa may pinto. may inaayos syang gamit.

"oh? bat gising ka pa? ano yang ginagawa mo?" tanung ko ng makalapit ako sa kanya saka umupo sa tabi nya.

"ah wala ate, tinatapos ko lang tong mga idadagdag ko sa decoration na gagamitin bukas. yung iba na kay Clarence na eh. Valentines Program na ate eh. pupunta ka diba?" sagot naman nya.

"ah oo nga noh. muntik ko na malimutan yun ah. magpupula daw ba lahat ng estudyante?" paniniguro ko. alam naman nya yan kasi isa sila sa mag o-organize ng program eh.

"oo ate, red t-shirt tas kahit ano nadaw sa pangbaba. bawal lang yung maikling palda" sagot naman nya.

"ok sige, mag skinny jeans nalang siguro ako nun tas red na blouse." pahayag ko. gusto ko kasi simple lang.

"pareho tayo ate." sabi nya tas nag ayos na ng mga gamit na ginamit nya kanina. "ayan tapos na rin. hay! makakapag pahinga na rin!"

"oh ate tulog na. tapos naman na ginagawa ko eh" sabi nya nung natapos na nyang ligpitin yung mga kalat, gawa nga ng pag gupit gupit nya.

"oh sige na tulog ka na rin. good night" saka ko sya hinalikan sa noo. ganito kami ka sweet nyan eh.

"good night din ate. paki patay nalang ilaw pag labas mo, thank you!" at nahiga na sya sa kama saka sinindi yung lampshade nya.

Ang galing talaga nun. ako pa pinagpatay ng ilaw nya. duwag ata haha..

matapos kong patayin ilaw nya, eh sinunod ko na rin yung sa sala at sa kwarto ko saka ko sinindi yung lampshade ko.

di pa ako makatulog, madilim na nga konti eh, di pa rin ako dinadalaw ng antok. hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin yung si Chelzie na yun. ano ba talaga sya sa buhay ni Ethan?

eh? bat ko pa ba pinoproblema yun?? makatulog na nga lang! pinikit ko na mata ko at sinubukan ng matul---ZzzZzz..

---------------------------------- 

SHORT UD. SORRY

Sorry Din late UD. nagloko internet namin eh. next chap. yung Valentines Program. medyo late na pero oks lang yun. kasi feb pa naman eh. love naman ang month ng feb eh. btw, 

sa 22 na js namin. just sharing excited eh.

Vote, Comment and be my Follower! 

thanks!

CuteLittleLollipop

Campus Prince Meets the scholar girl [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon