A/N: thank you ate ohemGD_88 sa bagong cover :D appreciate much talaga Ang cute po at Ang ganda
------------------------------
Lindsey's P.O.V
Emeghed!! im so freakin' nervous here. imagine, umabsent ako today. dahil lang dyan sa nonsense dinner na yan with my new fiance again!
Yes! you're definitely right. sinabi kong 'AGAIN' kasi hindi to yung first time na i-set ako sa isang lalaki! nakakainis lang! bakit ba kasi nauso yang arrange marriage na yan sa mga mayayaman??
aish. talaga kung pwede lang magback out ginawa ko na!
haler? ayaw ko kaya sa mga stupid arrange na ganyan! kung di ko lang talaga mahal sina mom di ko susundin yan.
am i that too irritating? sorry ok? di naman ako ganito kaya lang kasi, di ba pwedeng ako nlang pumili ng mamahalin ko?? gusto ko kasi yung taong papakasalan ko eh yung talagang mahal ako at mahal ko din.
hindi dahil sa stupid set-up na ganyan kaya ka mapipilitang magpakasal or should i say mag pasakal? kasi di ba? matatali ka sa taong di mo naman mahal at di mo pa nakikilala.
arrghh! i hate this talaga! kanina ka text ko pa si Iyah. sinabi ko sa kanya yung dahilan kung bat di ako nakapasok ngayon. syempre gulat siya pero sa huli ang sinabi eh ' good luck' nalang daw aish!
its already 6:45 pm at ang usapan ay 7 pm malapit na ang oras. syempre kabado parin. kahit ayaw ko naman wala nakong magagawa eh.
ita-try ko nlang kausapin yung guy na umatras. kasi pag sila mom ang pinakiusapan ko im sure sasabihin nanaman nun na 'dont worry baby, things would be fine. para sayo naman to eh. and also for our business' yan! yan lagi ang line ni mommy pag pinkikiusapan kong ipa-cancel nlang ang marriage.
buti nga yung mga past fiance ko eh. nakuha ko sa pakiusapan kung nagkataon bye bye lex na ang peg ko!
hahaha.. xD landee ko nanaman! eh buti sana kung sya fiance ko diba? eh di go lang ng go! sya yung crush ko eh may reklamo ka?! haha, joke!
im totally ready na rin naman. im just wearing a simple but elegant royal blue dress with a pair of same color shoes, oh wait! with matching sky blue pouch din.
im just brushing my hair na nakalugay lang tas may clip sa may bandang kanan, habang hinihintay si manong harry, driver namin. sya kasi susundo sakin. ayos pangalan ni manong noh? huma-harry styles ang peg eh?! haha..
kahit ayaw ko yung pupuntahan ko nag ayos parin ako kasi ayaw ko rin namang ipahiya sarili ko pati parents ko noh! alangan namang mag pants ako at t-shirt lang di ba? eh formal dinner nga e---
ay naputol ako sa page-explain nang may kumatok.
*knock knock*
"mam nasa baba na po si manong harry hinihintay na po kayo. aalis na daw po kasi kayo baka malate pa daw po kayo sa pupuntahan nyo" si ate lily yan. isa sa maid namin.
i don't prefer to call them maids or servants, kasi hindi naman ako brat na hindi marunong gumalang at bastos makipag usap sa mga di nila kauri. hellooo! mabait po ako. Honesto! Pramis XD!
"Yes ate lily susunod nako. bababa na rin ako agad kukunin ko lang phone ko" sabi ko then inayos na ang phone at pocket money ko na ilalagay ko lang sa pouch na dala ko.
"ok po mam, sige po" ate lily. tas ayun umalis na ata kasi di ko naman na inopen yung pinto kanina. alam ko namang sasabihin nya lang yun.
ayun na nga bumaba nako agad *tingin sa relo* ghaaad! 6:56 naaaah! pero ok lang yan kasi malapit lang naman dito yung restaurant na pagkikitaan namin nila mom at dad.
pagbaba ko naman nakita ko agad sa may gilid ng kotse si manong harry. naks! bumabagets si manong ah. pano ba naman kasi naka shade siya tapos naka gel ang buhok astig. with matching soundtrip pa sa kotse. and guest kung ano pinapatugtog ni kuya?
ano? no clue?? haha
what makes you beautiful lang naman ng One Direction. sinasabayan pa nya huh! hahaha.. kahit 48 na si manong harry feel na feel pa din pagiging bagets! kala mo harry styles talaga eh. haha.. ^_^
(A/N: play the song sa gilid yung sa multimedia.. tas isipin niyo si manong harry kumakanta haha... XD )
"ayos porma ngayon manong ah??" sabi ko habang pinagbubuksan nya ko ng pinto ng kotse.
"syempre mam. ganito pala feeling pag bumabagets eh noh? sarap sumabay sa uso ng kabataan ngayon mam. naalala ko tuloy bigla kabataan ko" speach ni manong nang makapasok na rin siya sa kotse tas nag drive na.
napapatawa nalang ako haha.. si manong talaga. pati kabataan nya naalala pa nya. haha.. anung year na kaya ngayon di ba?? haha, xD
nawala tuloy pag kabadtrip ko sa arranged marriage na yan haha.. kumakanta parin kasi si manong habang nagda-drive. eh? Harry Gomez naman pangalan malayo apelyido sa Harry Styles! haha..
-----
haist! heto na! andito nako sa tapat ng fivestar restau. Yep, talagang sa fivestar ang venue namin. mukhang pinaghandaan talaga ah?
aish! pagkapasok ko palang may servant na ng restau ang lumapit sakin then tinanong ako kung san daw ako.
nakakainis gusto kong barahin at sabihin na 'dito. dito lang ako pupunta! tatayo tas aalis din' kaya lang pag binara ko sya nakakahiya naman kasi nga masyadong fine-dine to eh may class! mapapahiya ako pag yun sinabi ko, kaya in the end tinanong ko nalang kung saan ang table ng fuentabella pero imbis na sa table ako dalhin eh sinamahan ako sa isang private room mga big time guest lang dito pag ganitong five star.
eh ano pa nga ba aasahan ko? pinaghandaan nga diba? ayaw paistorbo kaya nagpareserved pa talaga ng private room psh! mayaman siguro yung new fiance ko? i mean mga kasing yaman din siguro namin di ba??
hay nandito na kami sa tapat ng room.
*knock knock* kumatok
yung servant then nagsalita.
"Mr. Rodriguez your daughter is already here" sabi ni ateng servant aba! inglesera haha..
"Ok, let her come in" rinig kong sagot ni dad mula sa loob.
then inopen nung servant yung door tapos pumasok nako.
nakita ko agad si mom at dad na naka upo magkatabi. tas may kaharap silang dalawang matanda mga ka-edad lang din nila. nag bow ako then lumapit na kela mom and dad. nagbeso kami then umupo nako. nakayuko lang ako nakakahiya kasi eh.
may lalaking nakatalikod kasi may inaayos ata? di ko makita yung mukha. nakatalikod nga eh diba?
narinig ko namang nagsalita yung matandang babae.
"Wow is she your daughter Mr. Rodriguez? i dont expect that she's that gorgeous and beautiful, verry pretty huh? like her mom" psh! rinig kong pambobola naman ng mommy ata nung new fiance ko. si mom naman ayun tumawa then nagthank you same as dad.
ako naman nag bow lang ulit tas nag thank you din. para naman di magmukhang bastos di ba??
di ko parin talaga makita ang mukha nung lalaking nakatalikod sa harapan ko. di nya pa ako nakikita.
"ay oo nga pala lex say hi to lindsey" rinig ko namang sabi nung matandang lalaki. yumuko naman ako kasi nakakahiya eh. :")
unti unti naman syang humarap. kita ko lang na nag rotate katawan nya kasi nga nakayuko ako tas nasa harap ko lang sya mag katapat lang naman kami sa table eh.
diko pa sya nakikita eh. nagulat naman ako ng magsalita siya at tinawag ako na parang gulat.
"Lindsey?" sabi nya tas unti unti kong inangat ulo ko, parang familiar yung name nya na sinabi nung matandang lalaki kanina ah? pati boses? wierd. pagharap ko...
O_O
"lex?" gulat na sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/11173917-288-k811985.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Prince Meets the scholar girl [ON-HOLD]
Teen FictionPapano kaya mag kakagusto si Prince Nathan Clifford na almost perfect guy sa isang tulad ni Alliyah Ramirez na tanging scholar girl lang sa campus nila? kung sakaling mahulog man ang loob sakanya ni Alliyah, mamahalin niya kaya ito? o paaasahin lang...