Redux

1.2K 71 2
                                    

WRITTEN BY:

bubbletush05



"Hay!" I sighed, pagkababa ko sa FX sa tapat ng 21-storey building na iyon sa Makati. First day ko sa bago kong trabaho. Nakipila na rin ako papasok kasabay ng iba pa na sa tingin ko ay mga empleyado rin ng Hexa-Decagon Group of Companies.

Kinakabahan ako and at the same time, excited na rin. Sa wakas, matutupad na yung mga pangarap para sakin ni Nanay at Tatay, nakakalungkot lang na wala na sila para masaksihan ng personal.

"Applicant Ma'am?" nakangiting tanong sakin ng guard while inspecting my bag.

"Hindi po kuya. Actually, it's my first day." nakangiti ko ring sagot sa kanya.

"Ah. Sige, good luck po ma'am, and have a nice day!" masiglang pabaon pa sakin bago ako tuluyang makapasok.

Dumiretso ako sa information desk at binigay ang endorsement slip na ibinigay sa akin ng HR personnel na si Ms. Carrie when I signed the employment contract. Tinignan ng receptionist na si Ms. Nylenne (ayon sa nameplate) ang binigay ko and checked it against a list. Pinapirma pa niya ako sa tabi ng pangalan ko na nasa list.

"Welcome to the company Ms. Maine Mendoza." nakangiti niyang bati sa akin as she handed me my temporary ID.

"Thank you!" sabi ko rin na nakangiti.

"Punta po muna ulit kayo sa HR para ma-endorse kayo ni Ms. Carrie sa Accounting department."

"Ah.. Sige thank you ulit!"

+

Madami nang nakaabang sa tapat ng elevator pagdating ko dun. Maya-maya pa, bumukas na ang pinto pero bago pa ako makapasok, tumunog na ang buzzer, kailangan pa tuloy lumabas ulit nung pinakahuling pumasok. Napatingin tuloy ako sa relo ko. 8:05 am. I sighed in relief. Maaga pa, I'm supposed to be there by 8:30 am.

"Ang elevator, parang love lang yan e. Bakit mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo kung madami na kayo at hindi kana kayang i-accomodate nito? Andyan lang naman ang hagdanan, wala lang pumapansin. Hahaha!" nagulat na lang ako nang biglang nagsalita yung katabi kong lalaki, sya yung lumabas ulit sa elevator dahil puno na. Ako pala kausap niya.

Mataman ko siyang tinignan. Maputi, matangkad, pero hindi ang tipo nya yung mapapansin ko sa unang tingin.

"Hi! I'm Adrian!" inilahad nya pa ang kamay niya.

"Maine." atubili ko pang iniabot ang kamay ko.

"Nice name! Bago ka lang dito? Ngayon lang kita nakita e." napatingin sya sa temporary ID na ikinabit ko sa bulsa sa kaliwang bahagi ng blouse ko.

"Ahm.. I see. Bago ka nga. This is your first day? Saang department ka?" nakangiti pa rin sya sakin.

Pero bago ko pa sya masagot, bumukas na yung isang elevator at dali-dali na kaming pumasok dahil marami nang tao sa may likuran namin. Napunta ako sa kaliwang dulo, sya naman sa kanan kaya hindi ko na talaga sya nasagot.

Habang nasa loob, hindi ko mapigilang tumingin sa lalaking 'yon. Medyo cute sya, kaso ang presko ng dating. Hay, eto na naman ako, hindi na talaga natuto. 'Wag naman na sana.

Naunang bumaba si Adrian, sa 6th floor sya, samantalang ako, 9th floor pa dahil andun ang HR Department. Kumaway pa sya saakin bago tuluyang lumabas, "See you around Maine!" sabay kindat pa. Ang presko talaga!

AMACon 3: Oikos - FamilyWhere stories live. Discover now