Hikbi - Chapter Seven

498 31 1
                                    

Kinakabahan ako ng marating ko ang condo unit nya. Ilang beses akong nakipagtalo sa aking utak at puso kung ako ba ay kakatok o aalis nalang. Pero syempre, nanalo nanaman ang aking puso. Kasi sabi ng utak ko hindi ko deserve kahit kaibigan man lang si Richard. But my ever so foolish heart clings to the smallest glimmer of hope na baka may puwang pa ang kagaya ko sa klase ng pag ibig na maaari nyang ibigay.

Tok tok tok!

Wala akong narinig na response. Kumatok ulit ako at saka ako nakarinig ng kaluskos na nagmumula sa loob. A different kind of fear crept up to my spine. Parang may iba siyang kasama sa loob. Gusto ko ng patayin ang sarili ko. Masyado na akong self consumed ni hindi man lang sumagi sa isipan ko na malaki ang chance na may girlfriend siya. Hindi ko agad naaalala na may babae pala siyang kahalikan nung gabing nakita nya ako sa elevator ng opisina namin. Bakit ba kasi hindi ko siya tinanong?

Tumalikod na ako nag madaling umalis subalit para akong napako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang pinto sa aking likuran.

Para akong tangang dahan dahang humarap. Buti matibay ang rib cage ko kung hindi tumalon na ang puso ko palabas ng dibdib ko sa kaba ko.

At hindi nga ako nag kamali. Isang babaeng maganda na nakatapis ng kumot ang siyang bumungad sa akin. Fuck!

Lasang lasa ko ang pait na tila namahay sa aking bibig.

"Babe, who's that?" Babe?

"Ano - ah pasensya na...wrong -" lunok laway kahit na tuyong tuyo ang lalamunan ko. "Wrong room num... number. Sige, ano... pa...sensya na." Halos masamid ako sa imaginary na laway na nalunok ko. Tangina.

At syempre talagang may issue si mareng tadhana kasi kahit anong bilis ng hakbang ko palayo sa pinto eh naabutan pa rin ako ni Richard ng sumilip siya sa pintuan at binanggit ang pangalan ko.

"Maine?"

Napahinto ako. Sabi ng utak ko wag akong lilingon. Pero sabi ng puso ko lumingon ako at tanungin siya kung totoo ba ang mga nangyayaring ito. Mananalo na sana ang isip ko kung hindi lang siya ulit nag salita.

"What are you doing here?" irritation evident on his voice. Sakit bes!

"A - ano kasi... tinatawagan kita. Pero... sige. I'm sorry kung nastorbo kita... kayo." naglakad na ako palayo pero humabol siya at hinawakan ang aking kamay.

Agad kong inagaw ito at maingat na tumingin sa babaeng tila wala ring alam sa nangyayari. Hindi na kakayanin ng puso ko kung magkakagulo dito. Ang tapang kong kumabit pero takot ako sa komprontasyon.

Sa apat na taon namin ni Jake, maswerte akong hindi nalaman ni Andi ang tungkol sa amin. Maaaring may ideya siya pero hindi nya ako ni minsang kinausap o sinugod. Nanginginig ako at maaaring naramdaman nya iyon dahil lumambot ang kanyang mukha. Laking gulat ko ng marinig ko siyang pinaalis ang babae.

"Louie, leave. May kailangan kaming pagusapan ni Maine." he sounded so heartless and cold. Para siyang si Jake sa tuwing matatapos kaming magtalik. Nananayo ang mga balahibo ko sa likod at batok. Nakakapanginig ng laman.

I'm not surprised na parang timawang basta na lamang sumunod ang babae. Pinapasok nya ako sa kanyang bahay habang ang kawawang si Louie ay tahimik na nag bibihis.

Heto nanaman ako. Para nanaman akong sinusuntok sa aking sikmura ng paulit ulit. Pero this time, it's like I'm seeing myself through that girl. Naaawa ako. Nanlulumo. Di ko kayang makita na ganyan siya. Walang kalaban laban. Siguro kung maaari nya lamang na itago ang sarili nya sa sulok ng bahay ginawa na nya. Ramdam ko ang panliliit nya sa sarili nya.

AMACon 3: Oikos - FamilyWhere stories live. Discover now