Winter 3

353 6 0
                                    

ENJOY KAYO! I Dedicate this chapter kay ate BEEYOTCH! HAHAHHHAHA!

❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

Winter 3

Winter na ngayon. Malamig na, mistulang ang sarap sa pakiramdam tuwing nakakahinga ka, dahil ang winter ay nagpapasaya sakin, itong season ang pinakamasaya sakin, hindi dahil sa kapangalan ko ito, kundi nararamdaman ko talaga kung paano nila naipaparamdam sakin ang pagmamahal nila. Kinuha ko sa higaan ko ang jacket ko na inihanda ko na talaga para sa taglamig ngayon. Pangatlong patong ko na ang jacket na isusuot ko dahil sa sobrang lamig na ng klima dito. Siguro sa mga susunod na araw magiging negative na ang temperature dito.

Nang isinuot ko na ang pangatlo kong jacket, para akong ginanahan sa ginagawa ko, kasi wala nang pasok, wala na akong gagawin, maglalaro lang ako, isip bata oo, kung iisipin dahil tuwing winter lang ako nakakapagsaya. Isinuot ko na rin ang gwantes ko para hindi na rin ako malamigan. Kahit andito ako sa loob ng bahay, sa kwarto ko pa mismo eh ramdam mo na talaga ang lamig

Lumapit ako sa bintana, hindi na makita ang nasa labas kasi nagmomoist na, pinunasan ko ng gloves ko sa bintana, paikot ko itong pinunas. Pagkatapos kong punasan sumilip na agad ako, umuulan na ng snow, ang sarap lang sa pakiramdam na nakakakita ako nang bumabagsak na snowflakes.

Tumalikod na ako sa bintana at naglakad papunta sa pinto para lumabas, nang buksan ko ang pinto, lumabas agad ako. Dumiretsyo ako sa sala kung nasaan ang fireplace namin, umupo ako at tumapat ako mismo, itinanggal ko muna ang gloves ko at itinapat ko ang kamay ko sa may apoy, hindi naman malapit tamang tama lang para mainitan ako. 

"Kuya! Kuya!" Napatingin ako sa tumawag saking kuya, ang kapatid ko pala si Jah. Actually, ang fulllname niya Januaryh Safron, ewan ko kay mama kung bakit months naman ang pinangalan sa kanya, tapos ang sakin season weird. Oo nga pala si mama pangalan niya, Venus Safron, oo na weird na mga pangalan namin. Wag niyo na lang pakelaman. "Why d'you do that thingy again kuya?" Tanong naman sakin ng kapatid ko, curios kasi siya sa mga bagay na hindi niya alam kaya ganyan siya matanong

"Ahm, jah, to make our body warm... try" sabi ko naman sa kanya, I stretch her hands para ilapit ito sa apoy

"No kuya, its hot!!" Napapasigaw niyang sabi tska siya bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay niya, tska niya ito tinago sa liko niya "I don't wanna try, its hot kuya!" Sabi niya, ang cute talaga ng kapatid ko, kahit na lumalaki na siya I see pa rin the 4 years old jah with her.

"Jah,  if you don't try, magtatampo ako. Tignan mo kuya" I stretch my hand, para ipakita ulit sa kanya na hindi siya mapapaso, titig na titig naman siya sa ginagawa ko "Go try... " nakatingin lang siya sakin, ayaw niya kasing may nasasaktan, though ayaw niya lang maramdam ulit yung nangyari dati. "Hali ka nga, sabay tayo"

Hinawakan ko ulit ang kamay niya, nilapit ko ang kamay niya ng dahan dahan, pero ibabalik niya ulit ito sa likod ito, pero kukunin ko ulit to give it a try. Nang sa wakas nagawa na niya rin, a big curve on her face make, and that her smile. Napangiti rin ako

"Kuya I feel warmth na" sabi niya nang tuwang tuwa pa

"Diba sabi ko sayo.." and then I hug her tightly

"Oh kayong magkapatid baka magkasakitan pa kayo diyan" nakita namin si mama na kanina pa pala kami pinapanood ni jah sa fireplace "Oh nagluto ako ng soup, sumunod na lang kayo sa kitchen" umalis na si mama at bumalik na ulit sa kitchen

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon