Special Chapter -WinterGirl-

110 6 0
                                    

The second to the last special chapter. I Hope dito masagot na ang mga tanong niyo. Sino nga ba siya? Sino si Winter Girl? Syempre before that I dedicate this chapter kay ate Baka_Usagi :') Kasi nung pagbukas ko ng page ko sa Fb nagulat ako nang Nilike niya XDD! Minsan lang ito kaya Salamat ate :'))

❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

Special Chapter -WinterGirl-

Umupo ako sa bench sa malapit doon. Ngayon sa magpakita ka na at sana ngayon, makilala na kita. Nagsimula na namang umulan ng snow dito, dahil sa mga susunod na araw at eh sisikatan na nang araw at sa mga susunod na araw, tagsibol na. Konting weeks na lang spring na. Pero kahit na ganun, ang dami kong napasaya ttulad ni spring na nagkaayos na sila ng girlfriend niya, si autumn naman napasaya ko siya mga gusto niyang gawin, na kahit minsan hindi niya pa nagagawa, at si summer na napasaya ko sa flute. Ang tatlong season napasaya ko na, isa na lang ang sarili ko. Ano pa nga bang hihingin ko kung sila napasaya ko, syempre masaya na rin ako doon.

Tumingin ako sa orasan ko sa relo, pasado alas tres na rin pala, hindi na naman siguro ako magkakasakit ulit diba, kaya ko na rin naman ang lamig kahit umuulan pa ng snow. Tumayo muna ako at tumawid papunta sa kabilang sidewalk kung saan merong bagong bukas na tindahan ng mga waffle "Ate isa nga pong cheese waffle" sabi ko sa kanya, kinuha ko ang wallet ko sa may jacket koo at kumuha ng pera pambayad dito. Inabot na niya sakin at binayaran ko naman ito. May libre pa ngang hot caramel eh. Kinuha ko rin naman iyon at umalis na bymalik sa bench na akung saan ang kainuupuan ko kanina.

Kumain muna ako habang hinihintay siya na dumating, kung dadating man peroo sure akong darating siya. Darating siya, dahil siguro ito na rin yung panahon diba? Ang tagal na noong panahon na iyon, pero sa mga bawat panahong dumaan, hindi man lang kita nakikilala. May tumabi sa akin na isang babae, pagkatingin ko si ate sunshine pala. Anong ginagawa niya dito?

"Ate sunshine?" Taka kong pagtatanong sa kanya, dahil bigla na lang siyang umupo at napatakip ng mukha, may problema ba siya? "Ah ate? May problema ka?" Pagtatanong ko sa kanya

Nang tanggalin niy asa mukha niya ang kamay niya at nagpunas ng luha niya, umiyak nga siya pinunas naman din niya ito sa pantalon niya. Tumingin siya sakin at ngumiti ng pilit, halata sa kanya dahil namumugto na ang mata niya "Hindi, sinisipon lang ako, wag ka na mag alala" hindi eh, alam kong may iba pa siyang dahilan

"Ah hindi naman po siguro mamumugto ang maya niyo kung sinisipon kayo diba?" Pagtatanong ko ulit sa kanya, sa tanong ko na iyon doon nawala ang pilit niyang ngiti na napalitan na talaga ng lungkot. Tinapon ko ang cup at balot ng pinaglalagyan ng pagkain ko.

"Pasensya na, wag ka na mag aksaya ng oras sakin" sabi niya na, nilagay na naman niya ang kamay niya sa mukha niya at doon na humagulgol nang iyak, lumapit ako nang bahagya sa kanya at hinagod ang likod para mahimasmasan siya "kala ko pa naman tatagal ako" sabi niya, patuloy pa rin siya sa pag iyak

"Handa akong makinig ate sunshine" sabi ko sa kanya, umayos siya nang pagkakaupo at muling pinunasan ang mukha "Teka lang ate babalik ako" tumayo ako at pumunta sa kabilang sidewalk. At bumili ng bottle of water. Bumalik agad akoo kung nasaan si ate sunshine at binigay agad ito sa kanya

"Salamat talaga winter" tska siya uminom ng tubig na binili ko, at nang makainom na siya nagsimula na siyang magsalita "Bago pa lang ako sa trabahong iyon, nawal din agad sakin" tska siya uminom ulit ng tubig

"Ha? Bakit naman po?" 

"Nung makilala kita noon, diba nadatnan mong walang tao ang tindahan, umalis kasi ako noon para bumili ng makakain dahil noong umaga pa ako hindi kumakain para lang bantayan ang tindahan,  at noong bumalik ako at nakita kitang nagtitingin sa shop ko lumapit ako sa iyo diba?"

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon