Winter 10

132 6 0
                                    

Winter 10

"Hahaha! Go get that dress kuya" matawa tawa sabi sakin ni jah, kasi naman niyaya ba naman akong maglaro ng doll house niya, ako daw ang tatay, kinuha ko naman yung damit na pinakuha niya sakin, nasa likod ko kasi "Gimme kuya" binigay ko agad sa kanya ng pagkakuha ko. Natatawa pa rin ako, kasi ngayon lang din ako nakapaglaro nito oo pambabae nga ito, pero kapatid ko naman ito eh.

"Mukhang masaya kayong dalawa niya ah, oh nag order ako ng pizza. Hintayin niyo na lang, ah winter yung bayad nasa taas ng ref... mag tutupi lang ako ng mga damit" sabi naman ni mama, tska siya umalis at pumasok sa kwarto ni jah

"Pizza! I'm craving kuya!" Sabi ni jah, wahaha ang kulit talaga nitong kapatid ko, di na kasi nakakain ng pizza eh

"Oo wait ka lang, darating na mamaya iyon" sabi ko sa kanya, dahil kung hindi magtatampo iyan sa iyo

~Tenenenen tenenenen tenenenen nenenene~

Narinig ko ang cellphone ko na may tumatawag dali dali akong pumunta sa kwarto ko dahil doon ko naiwan iyon, naglakad ako agad papunta sa kwarto nang makita kong umiilaw ito, agad ko agad itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag

Si papa pala, napatawag ulit si papa. Mukhang mapapdalas pa ata ito ah. "Hello pa?" Sabi ko pagkasagot ko sa kabilang linya

"Oh nak? Kamusta na?" 

"Okay naman po ako pa" 

Natigil kami sa saglit sa pag uusap. Kasi ang huling kausap ko kay papa eh, ang sabi nya nga daw eh hindi siya makakauwi kasi marami siyang ginagawa kung kayat magpapadala na lang daw ito para daw kahit papaano may handa sa birthday ko, ang sakin lang naman. Hindi ko na kailangan maghanda pa, malaki na ako eh, ang gusto ko na lang ay iyong magkakasama sama kaming pamilya diba? Sapat na iyon para sa amin

"Ah nak? Pakausap na lang kay mama mo" ang sabi ni papa, lumabas na agad ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni jah kung nasaan si mama, binigay ko agad ito sa kanya, sabi ko si papa ang tumatawag, kinuha niya naman ito agad at agad din itong kinausap. Lumabas ako ng kwarto ni jah, matamlay na naman ata ako ngayon, wala naman akong sakit eh. Wala.

Pagdating ko sala nakatingin sa akin ang kapatid ko "Kuya? Who's that?" Tanong niya sa akin

"Ah, si papa" sabi ko sa kanya ang tamlay ko naman, haay sana dumating na yung pizza

"Really kuya? Waaah" dali dali siyang tumayo at pumunta sa kwarto niya, syempre kakausapin niya si papa, mas close sila kaysa sa akin.

Umupo na lang ulit ako sa sofa. Ano ba magandang gawin ngayon. Tinitigan ko ang fireplace, konti na lang pala ang kahoy nito at paubos na ang apoy. Tumayo ako at lumapit dito, kumuha ako sa tabi ng fireplace sa may basket kung saan may mga reserbang kahoy para sa fireplace namin. pagkakuha ko ay nilagay ko na agad ito doon, pinaypayan para mas lumakas ang apoy. Habang pinapaypayan ko ito. May nagdoorbell

"Winter! Andiyan na ata ang pizza" sigaw ni mama na nanggagaling sa kwarto ni jah

"Opo" sabi ko naman nito

Tumayo ako para buksan ang pinto. Kinuha ko muna ang pera sa may taas ng ref at pagkakuha ko ay lumapit na agad ako sa pinto, at dahan dahan intong binuksan. 

"Pizza Delivery po" sabi ng delivery boy

"Opo" he handed over me the 2 box of pizzas, inabot ko rin naman ang bayad sa kanya at binigay din niya sakin ang resibo. Umalis na siya at sumakay sa motor niya. Sinara ko naman ang pinto na dala dala na ang pizza

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon