Winter 4

229 6 0
                                    

UPDATED NA PO! THIS CHAPTER IS DEDICATED TO ATE ALESANA :) ENJOY

❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

Winter 4

Inaayos ko na yung gamit ko na ipagbibili ko, sabi ko nga christmas time is share of giving, siguro yun na yung time na para iwasan ko na rin ito. Kinuha ko yung backpack na ko na nasa gilid sa tabi ng kama ko, dumapa ako para makuha ko yung bag ko na iyon, pagkakuha ko, nilabas ko muna yung mga gamit ko sa school at nilagay sa study table ko, nilinis ko muna, tumayo ako at kinuha sa may ilalim ng kama ko ang skating shoes ko, pinagpagan ko muna siya kasi baka naalikabukan sa ilalim ng kama, tska ko siya nilagay ko sa bag ko.

Naglakad ako papunta sa pinto at lumabas ako, nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan lang ako "Yung jacket mo suotin mo?" Sabi ni mama bago ako umalis ng bahay, naglakad na ako sa daanan na nalinis na siguro ng buldozer, maaga naglilinis ang mga buldozer's kasi nga dahil sa nakakapalan na ito ng yelo

Siguro bago ako pumunta sa tindahan na yun, magsasaya muna ako kahit papaano, pupunta muna ako sa pond which nandun ang skating rink. Naglakad na ako papunta dun, sa bawat paligid na nadadaanan ko, may mga batang naglalaro, gumagawa ng mga snowman, mga nagbabatuhan ng snowball. Sa kanilang banda, may mga grupo ng tao na umiinom ng mga maiinit ng choco. 

Tumawid na ako ng kalsada, as I turn out my head to see her. Pero nagulat na. She's standing beside the post, as I look at Her, parang familiar talaga siya sakin, hindi ko maaninag ang mukha niya because of her hair na tinatakpan ang mukha niya. She's weird. Nagsimula na akong tumawid sa kalsada, pero huminto ako sa kalagitnaan, wala namang sasakyang dumadaan ngayon because of the snow,  makapal siya, pero may daanan pa rin as I said, may mga buldozer naman dito para magawa yun.

Tumingin ulit ako kay winter girl, I don't. Even know her name, kaya ayun ang tinawag ko sa kanya. As I ran fast to her, pero mabilis talaga siya, kaya tumakbo rin siya palayo sakin, napahinto ako sa poste na kung saan katabi niya yun lagi. Kahit medyo may kalapitan lang iyon, hiningal pa rin ako kasi I run as fast that I can to her, kailan ko kaya siya matsetsempuhan na makita siya.

Tumawid na lang ulit ako papunta sa skating rink, kahit ngayon araw lang magagawa ko ulit siya, kahit ngayon araw na lang. Pagkatawid ko, may mga taon akong nadatnan na nagiiskate, hawak hawak sila nang kamay. Tulad nung isang batang babae na nakahawak sa ate niya.

Parang nakikita ko sa kanila yung dati kami ng kapatid ko na si jah "Hala!" Sabi ko nang nadulas bigla ang kapatid nitong maliit. Sana hindi sa kanila mangyari yung katulad nang sakin. Which is mahirap yung ganun.

Umupo ako sa malapit na bench dun, gagawin ko ba talaga yun ngayon? Oo, kasi last time ko na rin siya magagamit kasi may kapalit din naman ang gagawin ko kaya okay na rin yun. Inalis ko sa likod ko bag ko at nilagay sa patungan ko, binuksan ang bag at kinuha ko na ang skating shoes ko, itong skating shoes ko na ito, it was my very first gift from my bestfriend, april. When we were young, at age of 8 she gave this. Oo alam kong hindi. Gawain ng bestfriends yun. Dapat talaga itabi at ingatan. Pero para sakin, it leads me to dangerous, kaya ipagpapabili ko na lang 

Yumuko na ako para isuot sa kanang paa ko ang kanang skating shoes ko, itinali para mas maging safe, pagkatapos kong itali ang sa kanan, kinuha ko naman sa tabi ko ang ikaliwang pares, isinuot at itinali gaya ng ginawa ko sa kabila. Pagkatapos kong itali ang magkaparehas, tumayo ako nang dahan dahan, dahil kung hindi mawawalan ako ng balanse at matutumba na lang. Ayoko na nun

"Kuya, tulungan na po kita" may batang babaeng lumapit sakin, tska niya hinawakan bigla ang kamay ko, sa tingin ko mga 6 years old pa lang siya, nakatitig siya sakin habang nakangiti siya, ang saya saya ng ngiti niya pero I can't see the happiness on it. Inalalayan niya ako makarating papunta dun sa rink

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon