Winter 9

147 8 0
                                    

Winter 9

Maaga akong nagising ngayon, dahil sa magiging big event ni spring ngayon. Sinabi ko na rin kay mama ang gagawin ko, natuwa nga siya nung sinabi kong spring ang pangalan nito. Sabi niya nakumpleto na daw ang four seasons ng isang taon, pero hindi naman magkakakilala, may mga problemang tinatago sa mga ngiting kay sigla. Pinaghanda ako ni mama ng hot choco at almusal na rin "Wag ka na magpapagabi ah" paalala na naman sa akin ni mama

Natapos na rin ako mag ayos sa sarili ko, suot suot ko ang mga jacket na tatlo ang patong, gloves, bonet, Nagpaalam na rin ako kay mama na aalis na ako. Naglakad na ako palabas ng pinto, wala pang mga tao sa umagang ito ala siete pa lang naman kasi pero may mga buldozer na para alisin sa daan ang mga snow. Malapit na ako sa tawiran, wala namang mga dumadaang sasakyan kaya nagtuloy tuloy na lang ako, bakit kaya madalang ko na lang makit si winter girl? Siguro kasi mga ilang weeks, tiyak na matatapos na ang winter, may 5 weeks pa naman ata, hindi ako sure eh. Nang nakatawis na ako, nag dirediretsyo na ako sa pastry shop kung saan sabi ko kay spring na doon kami magkikita. Pagkadating na pagkadating ko sa harap ng pastry shop. Wala pa si spring, kaya hihintayin ko na lang iyon. Sarado pa kasi ang pinto ng pastry shop, siguro magbubukas ito around 9 am, eh alas siete pa lang, kaya mamaya pa talaga magbubukas ito.

May malapit na bench naman dito kaya naupo muna ako dito. Ilang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin si spring nakalimutan niya ba ang plano namin ngayon, posible naman kasi eh, ako na nga ang tumulong for their relationship, hindi, dadating yun si spring, may konting minuto pa

"Spring nasaan ka na ba?" Sabi ko nang tinignan ko ang relo, quarter to 8 na kasi 15 minutes na lang alas ocho, tumingin ulit ako sa relo ko, sana talaga may maabutan kami.

"Winter!" May narinig akong boses na tumawag sa pangalan ko, nang tignan ko iyon si spring, napatayo agad ako, dahil konting minuto na lang mag aalas ocho na

"Tara na" sabi ko nang makalapit siya sakin, kelangan na talaga namin magmadali

"Pasensya na" sabi niya, nagmamadali na kami, at nang may dumaan naa taxi dali dali kaming sumakay dito, hindi naman katagalan eh nakarating na agad kami sa train station. Si spring na nagbayad sabi niya kasi eh, nagmadali na kaming pumunta sa loob ng train station

"Sana hindi pa siya nakakapasok sa train" narinig ko namang sabi ni spring sa sarili niya

"Tss, dalian na lang natin at baka wala tayong maabutan" nang makarating kami, nag sasakayan na ang mga tao sa loob ng train, hindi ko naman kilala sa mukha ang girlfriend ni spring kaya hindi ko alam kung nasaan na iyon "Nasaan na siya?" Sabi ko sa spring na aligaga na rin sa paghahanap kay axis

"Ayun siya" nang makita namin siya sumigaw agad ng malakas si spring "AXIS!" Maraming naka agaw ng pansin kaya nakuha na rin ang pansin ni axis. Napatingin ito sa bandang kinatatayuan naming dalawa ni spring, pero nagpatuloy lang ito hindi na kami pinansin, tumakbo palapit si spring kay axis, pero binilisan ni axis ang paglalakad nito para makasakay sa loob ng train. Nagkaharap silang dalawa, siguro magkakaayos din yan sila. Umalis muna ako sa station at naglakad na lang ako palabas ng station, siguro dito na muna ako maghihintay.

"Kuya, isa nga po" sabi ko sa naglalako ng hotdong on stick, mainit init siya. Binayaran ko naman siya tska niya binigay sakin ang pagkain, may free pala iyang coffee, kinuha ko naman pampatulak na lang din. Umupo ako sa may bench at doon kinain..Anong na kayang ganap sa kanilang dalawa? Nagkaayos kaya sila, o tuluyang umalis si axis at iwan si spring. Ewan, siguro naman may maganda namang kakalabasan ang plano naming ito. Naalala ko, kulang parin pala ang pambili ko ng flute para kay summer, actually hindi naman ako nagtatamo sa kanya, naasar lang akoo kasi tulain daw ba ako, bitak na nga yung yelo kung mapaano pa ako.

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon