Special Chapter -Winter&Autumn-

188 7 2
                                    

SPECIAL UPDATE is UP! I Dedicate this chapter kay Ate ENAH o si CHAROTERA101 :)) Dahil fan na fan ako ng Class 3-c Umigash. XDD! 

❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

Special Chapter -Winter&Autumn-

Hindi ko inasahan na bibili si Autumn sa tindahan ko ng hot choco, ngayon inaasikaso ko na ang hot choco, sinalinan ko na ang cup nito at binigay sa kanya ng dahan dahan dahil mainit init pa ito. Niyaya ko muna saglit sa bakuran ng bahay namin, nauna na akong maglakad at sumunod lang siya sa likod ko

Nang makarating naman agad kami sa bakuran ng bahay namin, umupo ako tska niyakap ang binti ko, tumabi naman sakin si autumn at umupoo siya.

"Kuya winter? Bakit po tayo nagpunta dito?" Tanong niya, she keeps on sipping her hot choco, mainit pa siguro iyon kaya hindi niya mainom kaagad agad

"Ahm, gusto lang kita makilala" sabi ko sa kanya

"Eh kuya diba alam mo na pangalan ko?" Pagtataka niyang sagot sa sinabi ko kanina

"Oo, ah may gusto lang akong malaman" sabi ko in a low tone of voice

"Ah ano po iyon?" Nilapag niya sa giliid niya yung hot choco niya

"Diba nagkakilala tayo sa may ice rink sa may pond?" Tanong ko sa kanya

"Opo"

"Tinulungan mo pa nga ako eh, pero napansin ko lang nung araw na yun, your smile isn't perfect?" Tumingin ako sa kanya "May problema ka ba?"  Sabi ko sa kanya, I look straight to her eyes

"Kuya.." sabi niya, halata na sa boses niya na may problema talaga siya "Nung yung araw na iyon, hindi naman po talaga ako napadaan doon eh, I was there po para sana mag skating"

"Oh baket naman hindi mo tinary?" Sabi ko naman, kung yun lang naman pala eh, matutulungan ko siya dun

"Hindi po ako pinapayagan ng mama ko, baka kung mapaano pa daw po ako, kaya ang ginawa ko na lang eh, panoorin ang mga nagsasaya doon"

"Sayang naman..." sabi ko "pero kung ganun? Nakita kasi kita, you were talking with a girl malapit dun sa poste?" Sabi ko sa kanya

"Ah opo, she ask me kung ano daw pinagusapan natin, kaya sinabi ko naman sa kanya, nagtataka nga ako kuya kung bakit niya tinanong yun, magkakilala po ba kayo?" Nagtataka niynagtanonbg sakin

"Ah ayun nga dapat ang itatanong ko eh, I don't even know her" 

"Pero bakit ikaw po kilala niya?" Huh? Kilala ako ni winter girl?

"Paano naman nangyari yun?" Tanong ko sa sarili ko

"Hindi ko po alam" sagot na niya lang

Nang sabihin niya iyon napatitig na lang ako sa snowman na ginawa namin ng kapatid kong si jah, napansin kong tumayo si autumn, at tumakbo palapit sa snowman, tumayo na rin naman ako at lumapit sa kanya

"Wow, kuya winter! Kayo ba gumawa nito?" Tanong ni autumn sakin, amaze na amaze siya nang makita niya ito

"Oo ginawa namin yan ng kapatid kong si jah" at may naalala ako bigla "Oo nga pala, gusto ka makilala ng kapatid ko" sabi ko sa kanya

Napatingin siya sakin at iniwan muna saglit sa paningin ang snowman "Di nga kuya? Nasaan na po siya?" 

"Ay oo nga pala, aalis sila, and I don't even know kung nandyan pa sila sa bahay"

"Ah sige po,  next time na lang" tska siya bumalik sa pagtingin sa snowman "Kuya wait!" Tumakbo siya saglit at may pinulot na bagay sa may bandang dulo ng bakuran namin, nang matapos siya magpulot ng kung ano man yun, lumapit siya ng patakbo at hinarap muli ang snowman "Eto pa" may nilagay siyang bato sa bandang harap ng snowman "Butones po kuya" sabi niya nang mataapos ayusin

"Ang galing mo naman, naisip mo yun" 

"Opo kuya, matagal ko na gusto ito gawin kaso hindi ako pinapalabas ng mama ko" sabi niyal lumungkot na naman siya bigla

"Eh, nasa labas ka na ngayon diba?"

"Opo, kasi nasa bakasyon po si mama at si lola lang po ang kasama ko" ah kaya pala

"Gusto mo sa susunod na araw, tayo naman ang gumawa ng snow?"

"Ah talaga po? Salamat po"

Bumalik kami sa pinagkaupuan namin kanina, umupo kaming dalawa "Ay malamig na siya" sabi ni autumn na parang nadisappoint siya, kaya tumayo na lang ako

"Autumn gusto mo palitan ko na lang iyan?" Sabi ko sa kanya, hindi naman ako magtataka kung mabilis lumalig, kasi nilapag na niya lang doon at umalis siya, babalik na sana ako sa ng hawakan niya ako bigla sa damit ko

"Wag na po kuya, uuwi na lang po ako" sabi niya, napailing naman ako sa sinabi niya, binigyan ko na lang siya ng dalawang hot choco at salubong niya sa kanila, pumayag na lang naman siya doon,  pinaupo ko naman. Si autumn habang inaasikaso ko ang mga huling cups ng hot. Choco, dahil paubos rin naman ito dahil sa maraming mga bumibili. Pero kahit ganun limitado pa rin ang hot choco, kasi sa bahay talaga namin yung mga iyon.

Nang natapos ko na ang pagtitinda ko "Hatid kita sa inyo autumn" sabi ko sa kanya, tumayo na rin naman siya sa pagkakaupo niya

"Ah, hindi na lang po, kaya ko naman po eh" sus, kahit kaya niya ihahatid ko pa rin siya bata pa din siya, hindi ako pumayag sa sinabi niya

"Hahatid kita ayaw mo ba iyon?" Tanong ko naman sa kanya

"Hindi naman po sa ganun... pero" natigil siya sa pagsasalita

"Kung ayaw mo, siguro hanggang sa may poste lang?" Diba kung iyon ang gusto niya

"Ah kung gusto niyo po" at sumang ayon naman sa sinabi ko "tara na po" sabi niya, naglakad na kaming dalawa, hawak hawak niya sa kabilang kamay niya yung binigay ko sa kanyang dalawang hot choco.

Malapit na kami, pero may gumugulo sa utak ko na tama na ba yung information na nakuha ko sa kanya mula kay winter girl? "Ah Autumn? Hindi ba sinabi sayo ng babaeng kausap mu doon sa poste ang pangalan niya?"

"Kuya winter, pasensya na po, pero hindi po" sabi niya, nakarating naman agad kami sa doon sa sinabi kong lugar kung saan lang siya ihahatid, nagpaalam na siya sa akin, at. Nagsimula na rin siyang maglakad paalis, nakatayo pala ako sa tabi. Ng posteng kung saan laging nakatayo si winter girl, kung subukan ko kayang hintayin siya dito bukas at siguro naman makikita ko siya dito. Tama, gagawin ko! Yun lang ang paraan para malaman ko kung sino siya. 

---------------------------------------------------

Author's Note:

Sorry sa no update, alam mo na busy sa school dami naming ginawa. Special update na lang muna ito, next hindi na hahah! Kung nagustuhan mo just leave some comments and votes thanks po :)

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon