Winter 14

109 5 3
                                    

Winter 14

I was preparing my self. May pupuntahan kasi ako at iyon ang big event ni summer na gagawin sa music hall. Isang linggo na ang nakalipas ng umalis si april, isang linggo hindi rin ako lumabas ng bahay, sa isang linggong iyon doon ko lang napagtanto ang halaga niya. Kahit ganoon na nga ang nangyari, she will be my bestfriend forever. Isasama ko sila mama to watch for summer's event. Gusto rin daw kasi nila nila makitang tumutugtog, sigurado akong mamangha sila kapag narinig nila ito. Mamaya 3pm pa ang event at alas dose pa lang masyado akong excited diba? Naligoo na lang muna ako ng warm water, nasanay na rin ako kahit malamig ang klima, kanina habang naliligo ako, si summer kaya meron din kayang mahal? Diba lahat naman tayo? Ako sasabihin ko nang mga pamilya ko at kaibigan ko pero kasi sa pagmamahal hindi mawawal iyong salating nag iisang mahal mo, sino nga ba iyon? Naguguluhan din ako doon.

"Kuya what should I wear later?" Lumapit sakin ang kapatid ko na may dala dalang mga damit at ilalagay sa katawan niya kung bagay ba ito sa kanya

"I should prefer that dress, that color yellow" I said while looking at it

"Why kuya?" Pagtatanong niya

"Kasi the color of summer is yellow and orange" I said to her, napatango tango naman siya doon "Okay kuya, this dress I will wear" tska siya tumakbo pabalik sa kwarto 

Umupo ako ng biglaan sa sofa, I remember those times na nakilala ko si summer. Third year na ako noon sa pinapasukan kong university. Doon ko siya nakilala. Noong una pa lang, nakikita ko pa lang siya palakad lakad tapos titignan ako, nahuhuli ko pa nga siya minsan na nakatitig sakin at pag napansin ko iyon ay iiwas siya ng tingin at maglalakad palayo. Noon nga she's wearing nerd glasses, kaya noon tingin ko sa kanya she's a book worm yung tipong science books, mathematics books, lectures notes, oo nga daw lagi nga daw iyon ang kaharap niya dati, mistulang matutulog na nga lang daw siya, kailangan niya pa daw magbasa, kasi may gusto pala siyang reward na makuha sa pap niya iyon ang flute. Noong una, wala pa akong kaalam alam na may talent palang siyang ganun, kala ko kasi she always read books kaya ayon ang tingin ko sa kanya. Nagbago. Lang iyon noong naging magclassmate kami. Dahil siguro sa pagmamahal niya sa pag aaral at pag pupursigi dito, nakapasok siya sa high section kung saan doon din ako. Dumaan ang araw naging close kami hanggat sa siya ana ang nahihiraman ko nang notes tuwing absent ako, siya lang naman kasi iyong masipag magsulat sa room sumunod lang ako. Kaya noon, sa kanya na lagi akong humihiram ng notes, mapa absent man o late ako sa klase, wala eh masipag siya. Napansin ko namang nagvavibrate ang cellphone ko sa lamesa kasi umiikot itong mag isa, kinuha ko ang cellphone at ay tumatawag pala. Si summer pala agad ko namang itong sinagot, diba dapat naghahanda na siya ngayon?

"Oh summer?" Bungad ko sa kanya

"Ah Winter, buti naman sinagot mo, yung event pala mamaya eh saktong 3pm siya mag uumpisa kaya dapat before 3pm eh andun na kayo" sabi naman niya sa kabilang linya

"Ah, sige sige, sasabihin ko na lang kay mama, Goodluck sayo mamaya"

"Ah salamat, I lov-- ah wala, sige na bye na, mamaya na lang sa event" tska niya agad itong binaba, alam kong may sasabihin pa siya kanina, pero tinigal niya, haay hayaan mo na mamaya na lang naman sa event sa music hall magkikita na rin naman kami. Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa lamesa 

"Ma! Tumawag si summer, bago daw po mag 3pm dapat daw po nandoon na tayo sa music hall" sigaw ko kay mama, nasa kwarto niya kasi ito at nag aayos na rin ata. Masyado ba kaming excited, hindi nagpeprepare pa lang talaga kami para ready to go na lang talaga kami

"Sige, mag ayos ka na rin para mamaya aalis na lang tayo" sigaw pabalik naman ni mama

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pumunta na ako sa kwarto ko, jacket pa rin naman ang susuotin ko, dumiretsyo ako sa cabinet ko dahil nandoon ang iba kong jacket, nang buksan ko ito. Parang ayoko na ulit magpalit mas prefer ko na ulit itong suot ko. Kasi ang jacket na nandito ay galing kay papa, pinadala niya ito noong nakaraang pasko, regalo niya daw sa akin kaso hindi ko sinuot sa buong taon, pero siguro ito na ang araw na susuotin ko siya baka kasi kung hindi ko ito masuot lumiit lang sa akin ito at sayang lang. 

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon