Winter 11

120 6 0
                                    

Winter 11

Tinawagan ko si summer kanina na makikipagkita ako sa kanya mga bandang hapon, kasi nga ibibigay ko sa kanya ang flute. Nagulat pa nga siya at napatawag ako sa kanya, nagtanong siya kung galit daw ba ako sa kanya? Ang sinabi ko na lang hindi, dahil hindi naman talaga pero may konting asar kasi diba hindi nakakatuwa yung itutulak ka tapos may crack. Pero wala na iyon, tapos na.

"Kuya, is autumn will be here again?" Tanong sakin ng kapatid kong si jah na nakaharap sa fireplace namin at naka stretch ang kamay para mainitan siya

"I don't think so, maybe if I see her papapuntahin ko siya dito" sabi ko na lang sa kanya, all I want is to cheer her up

"Yey" excited na sabi niya

"Tara na sa kitchen kakain na tayo" tska ako lumapit sa kanya para alalayan siyang makatayo, nang makatayo na siya, nagtalon talon siya habang hawak hawak ko na pumunta kami sa kitchen

Nasalubong namin si mama na nagpeprepare ng lunch namin "Oh ang saya niyo na naman magkapatid?" Sabi ni mama habang inaasikaso ang pagkain namin

"Si jah ma, she's excited to play again with autumn" sabi ko naman kay mama

"Mukha nga, kaso I didn't see autumn gawa nga busy ako sa pagtutupi" nadisappoint tuloy si mama, umupo na si jah sa may upuan doon

"Hayaan mo ma, if ever na makita ko siya sayo ko naman siya ipapakilala" and then I smiled

"Sige na, kumain na kayong dalawa" umupo na rin naman ako tska kami kumain

Habang kumakain kami si mama nagsalita "Aalis kami ni jah, mamimili kami ng decorations kasi malapit na ang christmas, gusto mo ba sumama?" Napataas ang dalawa kong kilay, oo nga pala winter is a month of christmas din, hindi naman kasi palabas ng gabi kaya I don't even see christmas lights sa labas si mama naman, tuwing malapit na mag christmas lang siya nagdedecorate tapos bago mag spring niya lang tatanggalin, weird ni mama diba

Umiling ako sa sinabi ni mama "May lakad din po ako ma, diba po yung flute naaalala mo po?" Sabi ko naman 

"Oo diba kulang pa ang pambili mo? Bakit bibili ka na ba?" Pagtatanong uli ni mama, tumango ako sa kanya

"Opo ma, si spring po diba naalala niyo rin po siya? He gave me reward for helping to save their relationship as a reward po, dinagdagan niya yung pambili ko ng flute" tska ako uminom ng tubig, baka bilaukan na ako

"Wow naman, I want to met him soon" amaze na sabi ni mama, she's glad na may tinulungan ako at may tumulong din sa akin

"Soon ma" at doon natapos ang usapan namin ni mama

Natapos na kaming kumain si jah pati si mama, naghanda na silang dalawa kasi aalis na daw sila mamayang kaunti, kaya ako naman nanonood lang kasi maaga pa naman kaya makakapaghintay naman doon. Umalis na sila pagkaraan ng trenta minutos, nagpaiwan ako dahil nga aalis din ako, ang matagal ko nang gustong bilhin for summer. Nagasikaso na rin ako sa sarili ko, dahil pagkatapos kong bumili mamaya ng flute eh, makikipagkita na agad ako kay summer at doon ko na ibibigay sa kanya iyon.

Natapos din ako mag ayos sa sarili ko, naligo ako with warm water dahil sa sobrang lamig parin ng panahon dito, pero konting weeks na lang eh matatapos na ito at mapapalitan na naman ng bagong season, matatapos na lang ang season hindi ko pa siya nakikilala si winter girl. Nagsuot na ako ng sweater para sa unang patong at dalawang jacket na para hindi na ako lamigan, sinuot ko na rin ang scarf ko, gloves at kung anu ano pa man na mag pipigil sa lamig. Chineck ko muna ang bahay bago ko ito iwan, dahil kung hindi man may mawala o mangyari pa dito ako pa ang may kasalanan. Nang macheck ko na ang mahahalagang parte ng bahay eh, lumabas na ako ng bahay at sinara ang pinto.

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon