Winter 5

204 6 0
                                    

DEDICATED THIS CHAPTER KAY MAME CRUNCHH! Enjoy kayo :))

❄ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❅ ❄ ❆ ❄

Winter 5

Hindi ako makalabas ng bahay ngayon dahil sa sobrang kapal na ngayon nang yelo sa labas, binalita na rin sa tv iyon na ngayon araw nga daw eh, mas lalong uulan ng yelo, sayang nga lang at hindi ako makakalabas, walang tao sa labas dahil sa kapal na nang yelo, ang kapatid ko na sobrang sarap pa rin sa tulog, ang mga kwarto kasi namin eh may temperature scheme, o kung anuman ang tawag doon, malay ko ba, nagpapainit sa kwarto at nagpapalamig siya, ganun ang works nun, kaya minsan pag matutulog na ako eh, hindi na doble doble ang jacket ko.

"Nak, hot choco?" Sabay abot sakin ni mama ng glass of a hot choco, mahilig kami sa hot choco tuwing malamig ang panahon

"Opo" kinuha ko naman ito sa kamay niya at inilagay sa lamesa na katabi ko, dahil sobrang init pa nito "Ah ma? May alam ka po bang part time job?"

"Oh baket naman? Sapat pa naman ang kinakain natin dito sa bahay at ang allowance mo diba?" Sabi ni mama na may pagtataka, kasi part time job talaga sinabi ko 

"Ahm, ma kasi may bibilhin po ako at kailangan ko po ng pera kasi kulang pa po ang pambili ko nun" sabi ko kay mama at sinimulan kong inumin ang hot choco

"Ha? Para san naman yun?" Umalis na si mama, at pumasok sa kwarto ni jah, saglit lang din naman at lumabas din agad siya "Ha?"

"Ah, ma bibili sana ako ng flute" medyo nahiya tuloy ako bigla

"Di ka naman marunong nun diba?" Tska siya kumuha ng kumot sa may cabinet malapit sa divider ng sala, tska pumasok ulit ng kwarto ni jah, ang tagal naman ni mama dun, at ayun lumabas din siya agad "ano diba? Di ka marunong?"

"Opo!"

"Oh, sayang lang pera mo, di ka pala marunong eh" ma naman, hindi naman kasi sakin yun eh, para kay summer naman kasi yun

"Ma, di para sakin, para kay summer"

"Ha? Baket naman?"

At kinuwento ko na nga ang nangyari, nalungkot din siya sa nangyari dahil kung first gift nga daw talaga nun eh, iingatan talaga yun, kaya sumang ayon na lang si mama sa gagawin ko, hindi ko na sinabi sa kanya yung sa skating shoes ko at kung ano pang sabihin niya sakin at dakdakin na naman ako ni mama

"Sige, Ihahanda ko na lang yung Hot Choco Maker, at doon ka na lang kumita" 

"Ah sige po ma, salamat ulit" 

"Oo at saka wag muna ngayon, dahil masyado pang makapal ang yelo sa labas, wala ring tao"

Oo nga naman, wala rin yun kung ngayon ako maguumpisa, tska hindi ako makakapagbenta dahil natatabunan nang yelo ang mga daanan. Tumapat na lang ako sa fireplace. And stretch my hands para mainitan ang kamay ko. Kinuha ko yung choco ko sa may table at ininom ko ulit. 

Napagisip isip ko, kung isang araw kaya paglaanan ko nang pansin si winter girl, yung tipong hihintayin ko siya sa may poste dun at kung ganun man ang mangyari, makikilala ko na rin siya. 

"Kuya? Your there again?" Napatingin ako sa nagsalita, ang kapatid ko palang si jah. Kakagising niya lang kasi, nag unat siya at lumapit palapit sakin at tumabi sa kinauupuan ko, ginaya niya ang ginawa ko

His Tale: Winter Safron (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon